Pinatay ko ang cellphone ko pagkatapos mawala ng pangalan ni Grey sa screen ko. Kanina pa siya tumatawag pero hindi ko ito sinasagot. Hindi ko pa siya kayang kausapin o harapin.
My eyes flung to the door ng nakarinig ako ng katok. "Bukas yan." sigaw ko. Bumukas naman ang pintuan at pumasok si Mommy. Umupo siya sa tabi ko. "I heard about what happened yesterday."
I sighed. "You okay?" Tanong ni Mommy. Ngumiti ako at tumango. "I'm okay. Just shocked. Hindi ko kasi akalain na...yun nga.."
"I understand. Kahit ako ay hindi makapaniwala na nakabuntis si Grey. He looked like a good boy." sabi ni Mommy. I smiled at her. Pagkatapos ng kaunting pag-uusap ay lumabas na siya ng kwarto. I stood up and went to the bathroom. Maliligo na ako.
---
Pinasa ko sa nasa unahan ko ang parent's permit na pinapirmahan ko sa Mommy at Daddy ko kanina. Sumandal ako sa upuan at naghintay ng mga announcements.
"Okay, lahat nandito na?" tanong ni Ma'am. "Sige. Mamayang after lunch ang practice niyo. Wala ng klase sa hapon. Pero may binigay ang mga teachers niyo for afternoon classes na assignment. Ipopost na lang ng President niyo mamaya sa group niyo." sabi ni Ma'am.
Pagkatapos nun ay free time na. Since advanced naman kasi ang section namin sa lesson, free time kami. Sinuot ko ang headset ko at sumandal pagkatapos ay pumikit. Mahaba pa naman ang oras.
Busy ako sa pakikinig sa Bangtan Seonyeodan ko ng bigla akong kulbitin ng katabi ko. Nagmulat ako at tinignan siya. Tinangaal ko rin ang isang ear piece ko. "Bakit?" Tanong ko.
"Lunch na daw. Maaga tayo pinalabas ni Ma'am." sabi nito. Tumango naman ako. Nag-ayos na ako ng gamit at lumabas na din ng room namin. Maadaming tao sa hallway namin, marahil ay pinalabas din sila ng maaga. Bumaba ako ng hagdan.
Nang nakababa na akong ng building namin, naglakad na ako palapit sa canteen. Pero nahagip ng mga mata ko ang isang eksena sa tapat ng Engineering Bldg. Si Vivienne ay umiiyak habang hawak ang kamay ni Grey. Si Grey naman ay nakatingi lang kay Vivienne.
"Please, Grey.." sambit ni Vivienne sa basag na boses.
May mga tao din dun na nanonood sa kanila at yung ibang kabababa lamang ng building ay napapalingon sa kanilang dalawa. May dalang bag na malaki si Vivienne at nakasakbit naman sa balikat niya ang school bag niya. Halata din ang eyebags nito at namumula ang kanyang mata. Pansin ko din ang maliit na pasa sa kanyang pisngi.
"No, Vivienne." matigas na sabi ni Grey at tumalikod. Dun naman niya ako nakita. Lumambot ang ekspresyon niya ng makita ako. Humarap din sakin si Vivienne. Anger was evident on her face. "Jordan..." bulong ni Grey at akmang lalapit sakin ng hilahin siya ni Vivienne.
"Siya nanaman?! Grey, buntis ako! Pinalayas ako ng magulang ko at sinaktan ako ng Tatay ko dahil binuntis mo ako! Grey naman!" sigaw ni Vivienne.
Pinalayas siya? Sabagay, sa panahon ngayon marami na akong nababalitaan na pinaalis na babae na kasing edad niya sa kanila. 15 ba naman kasi tapos buntis ka na.
Lumapit sakin si Grey. "Jordan, I'm so sorry. Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko? Lagi kitang tinatawagan. Pwede ba tayo mag-usap?" Sunod sunod niyang tanong.
Nilingon ko si Vivienne na nakatingin din samin. Inarapan niya ako. "Huwag muna ngayon, Grey. Sa isang araw na lang. Asikasuhin mo muna si Vivienne." sabi ko.
"What? Hayaan mo siya. Kaya na niya ang sarili niya. Mag-usap muna tayo." sabi niya at hinawakan ang braso ko. Akmang hihilahin na niya ako ng may humawak sa kamay ko.
"Tumanggi siya diba?" Jordan. It was Jordan. Bumitaw naman si Grey sa braso ko. "Bakit ba ang epal mo palagi? Ano ka ba ni Jordan, ha?!"
Chance scoffed. "It doesn't matter. Go back to the woman you impregnated. Kawawa naman yun. Binuntis mo tapos hindi mo paninindigan." Chance said with a smirk.
BINABASA MO ANG
Best Mistake
RomanceJordan Quintos, ang babaeng laging sawi sa pagibig. Laging nasasaktan, niloloko at pinapaasa. Chance Alvarez, ang lalaking ubod ng suplado pero may puso naman. Napakamysteryoso pero mabait naman kahit papano. Paano kung mahulog si Jordan dito? Lolo...