Chapter 16

53 2 0
                                    

3 months later

Three months have passed already. Hindi na natuloy yung mga threat. Wala na akong natatanggap na black na envelope. Siguro, naisip nung sender na mali ang ginagawa niya.

Me and Chance have been really good friends. May mga times na siya yung tinatakbuhan ko kapag may problema ako. He became my new bestfriend. Masungit padin siya pero hindi na masyado. Si Drew? Ayun. Nagbabatian pa din kami pero hindi na kami tulad nung dati. Sila padin ni Nicole. Minsang nakasalubong ko si Nicole pero di niya ako binati. Hindi nga sia nagsosorry sakin.

And I think I love Chance already. I fell inlove with the way he looks at me, how he laughs, eats. Everything.

Sabado ngayon at may usapan kami ni Chance na lalabas. I made sure that I looked really pretty today for Chance. Naupo ako sa salas oara intayin siya. Usapan kasi namin na susunduin niya ako.

I texted him kung nasaan na siya. Pero hindi siya nagrereply. Baka nagdridrive papunta dito.

30 minutes. 45 minutes. 1 hour. I sighed as I checked my watch again then my phone ang tagal naman nun. Usapan namin 5:45 ako susunduin. Eh magseseven na ah! I composed a message.

To: Chance Alvarez

Where are you? Kanina pa kita hinihintay. Magseseven na! Usapan natin ay 5:45 mo ako susunduin!

Sinend ko ito at hinintay ang reply niya. At kagaya ng kanina, hindi ulit siya nagreply. I decided to call him instead. Ring lang ito ng ring. Hanggang sa nawala na yung pagriring. Hindi niya sinasagot ang phone niya.

Nagvibrate ang phone ko. It was a message from Chance.

From: Chance Alvarez

Sorry, Jordan. I forgot na may lakad pala tayo.

I let out an exaggerated sigh. Tinawagan ko siya and he answered on the third ring.

"Hello?" He said.

"Paanong nakalimutan mo eh text ako ng text sa'yo?" I asked.

"I didn't notice it. I had early dinner with Nicole." sabi niya. Bumagsak ang mga balikat ko nung narinig ko ang pangalan ng ex niya.

He was with Nicole? Kaya pala nakalimutan niya na may lakad kami. I sighed.

"I'm really sorry. If you want, I could treat you out to lunch tomorrow?" suggest niya.

Umiling ako na para bang nakikita niya ito. "Wag na. So, you were with Nicole?" tanong ko.

"Yeah. I think she wants me back. Based on her actions she was flirting with me." sabi niya. My eyebrows shot up.

"Flirting with you? Paano naman si Drew nyan? Break na ba sila?" tanong ko.

"She didn't say anything about Drew." sagot niya.

Napalabi ako. "Ahh. Sige." sabi ko.

"Oh, Jordan. I'm going to hang up na. Nicole is calling." sabi niya.

Hindi pa ako nakakasagot ay pinutol na niya ang tawag. Mahal pa pala niya si Nicole. Napalabi ulit ako. Akala ko pa naman nakamove on na siya dun. I actually thought na may gusto siya sakin. I sighed.

Sayang naman itong suot ko. Umakyat na ako para maoapagpalit ng damit.

I texted Drew. Tinanong ko kung break na sila ni Nicole. He replied with a no naman. Gusto ko sanang isumbong sa kanya na magkasama si Nicole at si Chance kanina and Nicole was flirting with Chance  pero hindi ko ginawa yun dahil kaibigan ko si Drew at ayoko siyang masaktan. Tsaka, diba plano na naman namin 'to ni Chance noon? Ang mapaghiwalay ang dalawa para mapasakin si Drew at si Nicole ang kay Chance. Pero nagbago ang isip ko.

I know Chancr still loves Nicole and he would do everything just to have Nicole back. Ayoko naman maging hadlang dun because, first of all, I love Chance kahit may mahal siyang iba. And second, he is also my friend and I want him to be happy with the one who makes him happy.

Dakilang bestfriend.

Parang umilit lang yung nangyari kay Drew. The only differentci

May kumatok sa pintuan ko and when I opened it, Mom was standing infront of me wearing a royal blue dress.

"Mom," I kissed her cheeks and hugged her. She returned it naman.

"May lakad ka anak? Bakit bihis na bihis ka?" she asked. I shrugged and walked inside and sat on the bed. She followed me and sat too.

"Sana. Hindi nga lang natuloy." sagot ko. She carressed my hair.

"Do you have a boyfriend na?" tanong niya. I shook my head.

"No po. But I love someone." sagot ko.

I always shared my thoughts with Mommy. She was like a friend. A girl friend. I never had girl friends before because I always thought that they were so complicated and so madaldal. Mom knows all of my secrets.

"Oh eh, what's the problem? Busangot ka eh." sabi niya. I heaved a deep sigh.

"He doesn't love me back. He just sees me as a bestfriend. The boyish Bela not the pretty Bela that you see." sabi ko. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Mommy.

"Hindi naman lahat ng tao ay magugustuhan ka. Malay mo naman, he likes you but he still doesn't realize it yet." sabi ni Mommy. "Just like me and your Dad. We started off really complicated. He was my rival. We used to fight a lot. Asaran na naiwan sa pagmamahalan." sabi ni Mommy.

Magiging ganun din kaya kami ni Chance? Malimit naman kaming magbangayan nun eh. Hindi ba siya nadevelop sakin? O kahit nagkagusto man lang?

Mom left the room with Dad. Pumasok kasi sa kwarto si Daddy at hinahanap si Mommy. Dad greeted me and I greeted back. Pagkalabas nila ay nagpalit na ako ng damit.

I sighed. Gusto ko sana kausapin si Nicole about Chance. She seemed like a nice person bago niya ako sinabunutan and everything. Nakakatakot na lumapit sa kanya. Ganoon ba siya kagalit sakin para sakalin ako? Siya kaya yung nagsend ng black envelope sakin noon?

Napahiga ako sa kama. Muli akong bumuntong hininga. Hindi ko na alam.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon