Chapter 5

107 0 1
                                    

10:45pm. School fountain.

Buset! Ang tagal naman nun! Usapan namin ay 9 ng umaga eh anong oras na? 10 na kaya! Magaalasonse na pero wala padin siya! Kanina ko pa siya tinetext pero hindi naman siya nagrereply. Tama kaya yung binigay niya sakin na number?

Nagtexy ulit ako sa kanya at tinanong ko kung nasaan siya. May mga mura pa nga dahil inip na ako. Ang init kaya dito!

Inikot ko ang mata ko sa paligid ko hanggang sa nakita ko si Chance na naglalakad papunta sa direksyon ko.

Tumayo ako at sinalubong ito ng mabibigat ang paa. Tumigil siya sa harapan ko at ganun na din ako. Humalikipkip ako habang nakatingala sa kanya dahil mas matangkad siya sakin.

"Bakit ngayon ka lang? Anong oras na? Usapan natin ay 9! Mag eeleven na!" mura ko sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya bago ako lampasan.

Bayolente akong napabuntong hininga at sinundan siya.

"Hoy! Saan tayo pupunta?! Kanina pa tayo naglalakad ah!" sigaw ko. Kanina pa kasi kami naglalakad. Hindi naman niya sinasabi kung saan kami pupunta eh sa dami ba naman ng mapupuntahan dito sa school!

Hindi niya ako sinagot. Dirediretso lang siya hanggang sa tumigil kami sa tapat ng library kung saan may mga benches doon. Kakaunti lang ang tao kaya dun kami umupo.

"Talk." sabi nito.

"Sungit naman nito. Tss." inis kong sabi. Sumandal ako sa upuan at inayos ang palda ko.

"Ganito yun..." inexplain ko lahat ng kailangan namin gawin. Selos and everything. "Kailangan ko ng cooperation mo dito at ang pagaacting mo para naman naconvince namin sila.

Tumatango lamang ito habang ineexplain ko sa kanya ang gagawin namin.

Chineck ko ang oras sa phone. Malapit na magfirst class. Matagal tagal din pala kaming nakaupo dito. Tumayo na ako.

"Sige, Chance. Una na ako. Baka malate pa ako sa unang klase." sabi ko sa kanya. Hindi ko na inintay na sumagot siya.

--

"And this is how blablabla."

Ang boring talaga kapag Social Studies na. Puro past. Kaya nga past diba? Hindi na dapat balikan kasi past is past. Hindi na dapat dinidiscuss yun!

"Miss Quintos, are you listening?" tanong ni Ma'am Dimaunahan sakin.

"Yes, Ma'am." sagot ko na may kasamang tango. Bumalik naman siya sa pagdidiscuss sa unahan.

Bumuntong hininga ako at chineck ang phone kung anong oras na.

3 minutes na lang at magtitime na. Nakinig ako sa kay Ma'am sa unahan na busy sa pagdidiscuss. Di nanaman ako nakikinig. Nakatunganga lang ako para masabing nakikinig ako. Nung nagring na ang bell dali dali akong tumayo at nag-ayos ng gamit.

Grabe. Nakasurvive nanaman ako ng isang araw na puro discussion,tests at seatworks. Nakakasawa na. Minsan nga naiisip ko na tumigil na lang sa pag-aaral pero ayoko naman na madisappoint si Mommy at Daddy. Gusto ko din naman na maganda ang kinabukasan ko.

Pumunta ako sa building nila Zach. Pinuntahan ko siya sa room. Sakto naman at kalalabas pa lamang niya. Tumakbo ako papunta sa kanya at basta siya hinila.

"What the fuck, woman? Can't you see I was busy talking to my friends?!" sigaw niya.

"Gusto mo na magkabalikan kayo ni Nicole diba? Pwes, sumunod ka na lang sakin!" sagot ko at binitawan ang kanyang wrist.

"Tsk. Sweaty palms..." bulong niya pero rinig ko naman.

"Sorry naman daw kung pasmado ako! Wala namang tao na hindi pasmado ah!" sabi ko at inirapan siya. Nag 'tss' lamang ito at sinundan ako sa paglalakad.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon