Chapter 21

66 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa sigaw ni Mommy. Dali dali akong bumangon sa kama at dali daling lumabas ng kwarto. Tumakbo ako pababa ng hagdan papunta sa labas kung saan ko narinig ang sigaw ni Mommy.

"Mommy?! Daddy?! Bakit?!" panic kong tanong.

Naabutan ko silang magkayakap si Mommy at Si Kuya. Si Daddy naman ay yumakap din kay Kuya pagkatapos ni Mommy at ni Kuya na magyakap.

"Anak, nandito na ang Kuya mo!" sabi ni Mommy. Bumagsak ang balikat ko.

"Yun lang naman pala eh." sabi ko. Tumingin ako kay Kuya.

"Ang pangit mo." sabi ni nito. Inirapan ko lamang siya.

Pumasok kami sa loob. Nagdiretso sila ng kusina habang ako naman ay bumalik ng kwarto para ayusin ang itsura ko. Pagkatapos nun ay bumaba na ako para makicelebrate kina Mommy.

"Hala, kumain na tayo. Magluluto ako. Mamayang gabi ay sa labas tayo kakain." sabi ni Mommy.

"Saan mo gustong kumain, anak?" Tanong ni Daddy kay Kuya.

"Sa ano po-"

"Kuya, gusto ko magpizza. Sa Shakey's tayo." Lambing ko kay Kuya. Nagpuppy dog eyes pa ako.

"Gusto ko sana mag chinese food eh."

"Chinese food, it is." sabi ni Daddy

Tinignan ko ulit siya at nagpuppy dog eyes ulit. Bumuntong hininga ito at humarap kay Daddy.

"Pa, sa Shakey's na lang tayo mamaya. Yun ang gusto ni Jordan eh." sabi niya kina Daddy. Lumapit ako kay Kuya at ginulo naman niya ang buhok ko.

"Lagi mo ng sinunod ang gusto ng kapatid mo." sabi ni Mommy tapos umiling. Na sa may stove na siya. Nakasuot na ito ng kulay pink na apron at naggagayat ng kung ano.

"Hayaan niyo na po. Gusto ko din naman dun eh." sabi ni Kuya. Umiling lang sila.

Naglunch kami ng matiwasay. Maraming tanong sina Mommy kay Kuya. Kung nagkagirlfriend daw ba, kung kamusta ang mga tao dun at kung ano ano pa.

Masarap ang luto ni Mommy. Ofcourse, lagi naman. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso ako sa kwarto para maligo.

---

Muli kong tinignan ang itsura ko sa salamin sa kwarto. Naka dress ako ng kulay puti na sakto ang haba. Kita pa naman ang tuhod ko pero ayos lang. Hindi nga ganun kahaba, diba? Sleeveless ito at maganda. Binili ito ni Mommy sakin last month. Naka sandal lang din ako. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting lip gloss. Pagkatapos nun ay lumabas na ako.

"Let's go na! Shakey's!" masiglang sabi ko.

Kuya snorted. "May pa lip gloss ka na ha? Tapos kung kumain ka naman ng pizza ay daig pa ang patay gutom."

"Kuya naman!" Reklamo ko.

Lumapit ako kay Daddy at niyakap. "Daddy, inaaway ako." Sumbong ko.

Umiling lamang si Daddy at nagaya na umalis. Sumunod kami at sumakay sa kotse. Si Mommy at Daddy sa harap tapos kami ni Kuya sa likod. Nagaway pa nga kami dun at sinapak ko siya ng ilang beses. Pagkarating namin sa Shakey's ay bumaba na ako agad sa sasakyan tapos pumasok na. Hinintay ko muna sila bago ako humanap ng table. Iginaya kami ni ng isang staff doon sa couch na malapit sa bintana.

Nagorder na kami ng pizza,pasta,garlic bread at chicken n' mojos. Nang dumating na ang inorder namin ay nilantakan ko na ito dahil gutom narin ako.

Kain lang ako ng kain hanggang sa kulbitin ako ni Kuya Dust. Hinawi ko lang ang kamay niya at pinagpatuloy ang pagkain. "Hey," tawag sakin ni Kuya.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon