Chapter 33

51 0 0
                                    

Sorry for the wait. Nagloloko kasi ang Wattpad ngayon tas nung naayos na ang Wattpad bigla namang hindi nakisama ang internet. Ayos ano? BTW. Here's chapter 33. Guys, comment naman kayo oh para maganahan ako sa pagsulat :( Don't be shy. Mas matutuwa pa ako kung magcocomment kayo. Salamat!

----

I was staring at him habang naghihintay siya for his turn para magorder. Nasa KFC kami ngayon. Nagyaya kasi siya na kumain pagkatapos niya sabihin yun. My cheeks felt hot again ng maalala ko ang sinabi niya. Binalik ko ang tingin sa pwesto niya. He was now ordering food. Nagpapacute pa yung babae sa cashier. Tapos yung nasa pila naman ay panay ang tingin kay Chance.

Nang makaorder na siya ay bumalik na siya sa table na dala ang tray ng pagkain. Meron siyang isang piece ng chicken with rice, krushers, isang zinger at isang box ng funshots. Ang akin naman ay isang piece ng chicken lang at coke.

"Takaw mo." sabi ko. Hindi niya ako pinansin at nagsimula na siyang kumain. Ganun din ako. Yung kabilang table naman namin ay isang grupo ng babae na kinikilig sa kakatingin kay Chance. Tinawag ko si Chance kaya tumingin siya sakin. "Bakit?" Tanong niya habang nanguya.

"Kinikilig yung mga babae na nasa kabilang table dahil sa'yo." sabi ko. Tumingin siya sa mga yun at kinindatan yung mga babae. Pigil tili naman sila. Nang humarap sakin si Chance ay nagroll ako ng eyes inwardly. He chuckled. "Selos ka naman?" Tanong niya.

I snorted. "Ako? Bakit naman ako magseselos?" sabi ko. Ngumiti lamang ito tapos he leaned forward and gave me a small peck on the lips. Bago pa ako makareact ay bumalik na siya sa upuan niya. I looked at him wide eyed. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Napatingin ako sa kabilang table and the girls were glaring at me.

"Walanghiya ka, Chance." I muttered and he chuckled.

Nang matapos kami kumain ay lumabas na kami ng restaurant. Hindi agad kami nakaalis dahil may nagpapicture pa kay Chance na babae. Mga highschool pero lower level base sa hitsura.

Habang naglalakad kami ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "What the fuck, Alvarez?" I said. He looked pissed while walking. "Huy, can you let go of my hand?" sabi ko but he just tightened his grip. "Ano bang problema mo?"

"Guys are staring at you." sabi niya. He looked at me, eyebrows furrowed. "Bakit pa kasi ganyan ang suot mo? Too revealing." sabi niya. Nagtaas ako ng kilay. Aba! Hindi na nga siya ang nagbayad ng suot ko, gaganyan ganyan pa siya. Magreklamo siya kung siya ang bumili. Busy kasi siya dun sa Luna niya kanina. Tsk.

"Excuse me, Mister. Pero ito ang gusto kong suot tsaka hindi naman ikaw ang bumili ng damit ko kaya wag ka magreklamo." sabi ko sa kanya.

"Tss. You are stubborn. Why can't you be just like Luna? She dresses well and nicely." sabi nito. Natigilan naman ako dun. Bakit niya ako pinagkukumpera kay Luna eh alam ko naman na walang wala ako dun. Maayos naman ang suot ko. Sandals, shorts at blouse. Anong masama dun? Nasaktan ako dahil pinagkumpera niya ako kay Luna. Tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko at naglakad na. I looked at his figure walking away at naglakad na din. Siya pa ang galit?

Naglakad kami palabas ng mall papunta sa parking lot. Tanging pagtunog lamang ng sapatos namin ang pakinig ko. Tahimik kasi doon at madilim. Nang makarating kami sa kotse niya ay pumasok na ako sa loob. Nandun na kasi siya sa driver's seat at wala atang balak ako pagbuksan ng pinto. Bago pa siya makapasok ay narinig ko na may tumawag ng pangalan niya.

Sabay kaming tumingin sa babaeng nasa tabi ng kotse niya. It was Luna wearing a big smile. They were talking and Chance was smiling. Parang kanina lang ay galit na galit siya. Napairap ako at tinanggal ang tingin ko sa kanila pero sa sobrang curious ko ay pasimple kong binaba ang bintana.

"I told Daddy that I saw you at the mall and he told me to find you to invite you for dinner." sabi ni Luna. Dinner?

"Si Tito talaga." sabi ni Chance habang umiiling pero nakangiti.

"So, what do you say?" tanong ni Luna. Tinignan ako ni Chance kaya nag-iwas ako ng tingin sa dalawa. "Sure. Tell Tito na susunod ako." sabi niya. Masaya naman tumango si Luna.

"Great! Dad and Mom will be happy! See you later then?" sabi ni Luna and she kissed Chance sa lips. Nagtaas ang kilay ko. What the...? It was just a peck pero what?

Chance smiled. "Yeah, sure. See you later." sabi ni Chance at lumapit sa pintuan ng kotse niya. Pagkapasok niya ay he waved at Luna who was still there.

Umirap ako. "Gusto mo magtaxi na lang ako? Kaya ko naman eh." sabi ko at mabilis na kinuha ang bag ko sa likod. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng pigilan niya ako.

"What the hell, Jordan? Can't you see the car is moving?!" sabi niya at kinuha ang bag ko at tinapon sa likod. Aba!

"Ano ba ang problema mo?! Ako na nga 'tong bababa ayaw mo pa!" sigaw ko. "Ihinto mo! Ihinto mo at magtataxi ako!" sigaw ko.

Mabilis naman niya inihinto at tinignan ako. "Ano? Di pa ka bababa?" He coldy asked me. "Akala ko magtataxi ka? Baba na. You're wasting my time." sabi niya. Natigilan ako pero agad akong nakahuma. Kinuha ko ang bag ko sa likod at mabilis na bumaba ng kotse. Pagkababa ko, he sped off.

Nag-init ang sulok ng mata ko. Bakit ako umiiyak eh ako naman 'tong gusto magtaxi. Yun nga ba ang iniiyak ko? Ang cold niya. Hindi niya ba alam na nasaktan na ako dahil pinagkumpera niya ako kay Luna tapos magdidinner pa sila sa bahay ni Luna. Akala ko ba ako ang gusto niya? Sabi niya liligawan niya ako pero anong nangyari dun?

Pumara ako ng taxi at sumakay sa loob. Sinabi ko ang address sa driver at sumandal tapos bumuntong hininga. What is happening to me?

---

Humiga ako sa kama habang hawak ang cellphone ko. Tinignan ko ulit kung may message galing kay Chance pero wala talaga. Ano na kayang nangyari sa dinner nila? Busy pa kaya siya with Luna? Imposible. 10 na ng gabi. Baka nasa bahay na yun. Pero bakit hindi siya nagtetext? Bumuntong hininga ako. Tsk. I should make myself busy. Binuksan ko ang Instagram ako at nagscroll lamang.

Nothing was interesting sa Instagram. Nagscroll pa ako hoping to find something. Marami kasi akong finofollow na accounts but my timeline was really dead.

Natigil ako sa pagscroscroll when my eyes caught something. It was a photo of Chance and Luna. They were in the place where Chance once took me. Yung kita ang buong city. They were huddled up with each other and Luna was kissing his cheek. Chance naman was smiling. He just posted it a minute ago but it had a lot of likes. I read the caption and it said.

with the one and only @lunadomingo001 all night. :)

There was a heart emoji too. The comments were happy. May mga nagcocongruatulate sa kanila. May mga nagsasabi din na cute sila together. Were they back together ba? Pero he said that he likes me. Ang gulo. But... He looked really happy and he let Luna kiss his cheek.

I let out a deep painful sigh. Baka naman sila na. Luna was the ex. They had a past and we two did not. I closed my eyes and opened them once again. Maybe I'll ask him tomorrow. Nilagay ko na ang phone sa maliit na lamesa sa tabi ng kama ko at pinatay ang lamp bagus ay pumikit na.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon