Zach
We're at an ice cream shop not far from our school. I was watching Bela eat a gallon of ice cream. Dito ko siya niyaya because I know that when she's sad, she eats ice cream. Nasabi na niya sakin iyon dati while we were hanging out at my place.
Her eyes were puffy and red. Her nose was also red because of crying. Grey was such a jerk for hurting such a wonderful girl like Bela. I knew from the start that Grey was cheating on Bela but I didn't know that it would come to the extent of him getting a junior pregnant! The girl was only 15 for fuck's sake and Grey was first year college!
Having a baby at such a young age is such a responsibility for two teens like them. Napailing ako. Bela looked at me with a ceased forehead. I just smiled at her. "You done?" Tanong ko and she nodded.
---
Sumandal ako sa upuan pagkatapos ko ubusin ang isang gallon ng coffee crumble ice cream na binili sakin ni Zach. Huminga ako ng malalim at dumighal. "Busog na ako." sabi ko sa kasama ko. He smiled at me.
After ilang minutes ay tumayo na kami. "Where to next?" Tanong niya. I shrugged. "Uwi na ako. Gusto ko magpahinga." sagot ko.
Tumango lamang ito. "C'mon. I'll take you somewhere." sabi nito at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok na ako at kinabit ang seatbelt. Ganun dun ang ginawa niya pagkapasok niya sa kotse.
---
"We're here." sabi niya. Tumigil kami sa isang lugar na mataas. Parang cliff na kitang kita ang buong Manila. Bumaba ako ng sasakyan at pinagmasdan ang paligid. "Wow. Ang ganda" Sambit ko.
"Hey," tawag niya. Nilingon ko siya. Binato niya sakin ang isang can ng orange juice. Pagkatapos nun ay binuksan niya ang hawak niyang beer. "Daya. Bakit sa'yo beer tapos sakin, orange juice?" Tanong ko.
"Hindi ka pwede magbeer. Minor ka pa." sabi niya. Ngumuso ako. "Minor ka din naman ah." I said. Hindi niya ako pinansin at uminom na lamang siya. Umupo ako sa damuhan at binuksan ang lata. Uminom din ako.
Medyo pagabi na kaya may mga maliliit na ilaw na bukas sa mga building. Tumabi sakin si Zach. Tumanganga naman ako sa view. While I was enjoying the view, bigla namang nagring ang phone ko. Nilabas ko yun sa bulsa ko at tinignan ang caller.
Grey calling....
I just stared at it hanggang sa mawala pero bumalik ulit ito. "Are you going to answer that?" Tanong ni Zach. Umiling ako. "Penge beer." sabi ko. Umiling naman siya. "Please, ngayon lang. Pagkatapos nun di na ako hihingi sa'yo." sabi ko. Nag pacute pa ako sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at bumalik sa kotse niya. Pagbalik niya sa tabi ko ay may dala na itong isang cooler.
"Whoa." sabi ko. "Don't mind asking why I have a cooler in my car." sabi ni Zach habang umiiling. Tumango naman ako at kumuha sa cooler. Binuksan ko ito bago lagukin.
Inom lang kami ng inom dun hanggang sa medyo nahilo na ako. Pumikit ako ng kaunti at bumuntkng hininga ulit. Uminom ulit ako at pumikit. "Alam mo, hindi ko aakalain na makakabuntis si Grey. Hindi ko nga din inakala na niloloko na niya pala ako!" sabi ko.
Hindi naman umimik si Zach. "Akala ko pa naman mahal niya talaga ako. Di naman pala." I clicked my tounge. "Ang first boyfriend ko, kaya pala ako ginirlfriend para makuha virginity ko. Gago din yun." sabi ko at lumagok ulit. Nang naubos ko na iyon ay kumuha ako ng panibago.
Nakakalima na akong beer. Nagkalat ang mga lata sa unahan ko. "Bahala sila sa buhay nila! Mahihirapan sila sa baby nila! Lalo na yung vivienne na yun!" I tsked. "Naku! 15 years old buntis agad?! Malandi!" I laughed.
"You're drunk" Sabi ni Zach. I looked at him. Kumunot ang noo ko. "May mga pasa ka sa mukha..." Hinawakan ko yung mga pasa niya. He just looked at me at ganun din ako. Tinignan ko lang siya habang hawak hawak ko ang mukha niya. Iniwas naman niya ito maya maya.
BINABASA MO ANG
Best Mistake
RomanceJordan Quintos, ang babaeng laging sawi sa pagibig. Laging nasasaktan, niloloko at pinapaasa. Chance Alvarez, ang lalaking ubod ng suplado pero may puso naman. Napakamysteryoso pero mabait naman kahit papano. Paano kung mahulog si Jordan dito? Lolo...