Chapter 26

61 0 0
                                    

"Ay abs ni Xiumin!" Napahawak ako sa dibdib ko at tumingin sa lalaking nasa likod ko na ang dalawang mabibigat na kamay ay nakapatong sa balikat ko.

"Xiumin? Sino naman yun?" Kunot noong tanong ni Grey ng makaupo sa tabi ko. Nasa may fountain ako ngayon at nanonood ng Call Me Baby ng EXO. Grabe. Kinikilig ako sa kagwapuhan ng EXO.

"Wala. Koreano yun." Sabi ko. Tumango lamang ito at ngumiti.

"Anong nginingiti mo dyan? Nababaliw ka na ba?" I aksed. Umiling siya. "Naaalala ko lang yung kagabi."

Kagabi? Aling kagabi? Ahh. Yung hinalikan niya ako sa pisngi. Agad namula ang mukha ko. Tumingnin ako sa kanya.

"I'm sorry for kissing you last night. I didn't mean to... Well, I meant it pero nabigla ata kita." sabi nito at tumungo. "Okay lang." I said.

Tinignan ko ang relo ko. "Grey, I have to go. Magstastart na ang klase namin eh." Sabi ko. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko pero bago pa man ako makalayo ay hinawakan niya ang braso ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. Tumungo naman siya at namula tapos muli niyang binalik ang tingin sakin. "Jordan, pwede ba kita ligawan?"

---

Tulala lang ako habang nagkaklase. Iniisip ko padin ang sinabi ni Grey kanina. Ligaw? Edi ibig sabihin may gusto siya sakin? Naku. Siya ata ang pinakaunang nagtanong sakin kung pwede ako ligawan? At siya lang din ata ang taong nagkagusto sakin.

Dinismiss na kami ng teacher. Lumabas ako ng room ng iniisip padin ang tanong ni Grey? Anong isasagot ko? Papayag ba ako o hindi? Hindi pa ako ready eh. Pero sayang naman. Mabait naman si Grey, gwapo at matalino. Haba naman ng hair ko kung tanggihan siya.

"Ay!" Sigaw ko.

"Whoa. Dahan dahan. Baka kung mapaano ka." sabi ni Grey. Hala. Baka naman tanungin ako tungkol dun nanaman?

Naglakad kami hanggang sa malabas ng building namin. "So, ano ang sagot mo?" Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sakin. Hala, anong isasagot ko dito? Oo o ayoko. Isang bahagi ng puso ko na sinasabi ko na papayag ako dahil gusto ko at para makamove on na din ako kay Chance. Pero parang ginagawa ko naman rebound si Grey nun. Yung isang part naman ng puso ko na sinasabing wag dahil nag-iintay pa ako kay Chance.

Sasagot na sana ako ng lumabas si Chance sa gilid ni Grey. Tinignan niya si Grey. "Anong sagot?" He asked then he looked at me. Nag-iwas ako ng tingin. "Ano, Grey, itetext ko na lang ang sagot ko mamaya." sabi ko. "I'll call yoy na lang later for your answer." sabi ni Grey. Tumango ako.

Naglakad na ako paalis ng lugar na yun. Alam kong nakasunod sakin si Chance pero wala akong pakielam. Bahala siya dyan.

"Jordan, let's talk." sabi niya. "Ayoko." sagot ko. Ayoko muna.

"C'mon. Mag-uusap lang hindi mo pa ako pagbigyan." sabi niya. Humarap na ako sa kanya. "Fine then."

Sumunod ako sa kanya. Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya. Sumakay siya sa driver's seat. Grabe. Hindi man lang ako pagbuksan ng pintuan. "Are you just gonna stand there?" Sabi ni Chance. Umirap ako at binuksan ang pintuan ng passengers seat.

Katahimikan. Siguro mga 3 minutes na kami dito pero wala padin kaming imikan. "Hindi ka ba magsasalita? Sabi mo mag-uusap tayo?" Tanong ko.

Tinignan niya lang ako. "Ano? Titignan mo lang ako. Ikaw ha! Nung isang araw mo pa ako kinukulit na makipagusap pero hindi ka naman nagsasalita ngayon. Ano ba? Nagsasayang lang tayo ng oras dito!"

"Do you love me?"

Natigilan ako. Ano ba namang klaseng tanong yan? Kakaamin ko lang nung isang gabi. Lasing pa nga ako nun. "A-ano ba namang k-klaseng t-tanong yan?" Sabi ko at nagiwas ng tingin.

"Just answer me." Sabi niya ulit. Nag-iwas ako ng tingin.

"Alam mo kung iyan lang pala ang itatanong mo ay aalis na lang ako." sabi ko. Hinawakan ko yung handle ng pintuan pero nilock niya agad ito bago ko pa buksan. Napapikit ako ng mariin at bumalik sa pagsandal sa upuan.

"Ano? Answer me." Sabi ulit ni Chance. Bumuntong hininga ako.

"Fine. Oo." Sagot ko at nagmulat. "Pwede na ba ako umalis? Nasagot ko na ang tanong mo." sabi ko. Umiling siya.

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit mo ako mahal?"

Ano ba naman ito? Hindi ko kayang sabihin sa kanya kung bakit ko siya mahal. Ayoko. Hindi ako sanay sa ganito. Nung umamin ako kay Drew dati ay mainit ang ulo ko nun kaya malakas ang loob ko na umamin sa kanya. Tsaka dati ay lasing ako. Pero yung ngayon? Hindi ko yata kaya. Nakakahiya.

"A-ano. K-kasi...." Tumungo ako.

"It's okay if you don't answer that. Sorry." Sabi nito. Huminga ako ng malalim. Buti na lang di na niya ako kinulit.

"Stop loving me, Jordan."

Napatingin agad ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa manibela. Stop loving him? Bakit? Dahil hindi niya ako type at wala siyang balak ireturn ang pagmamahal na gusto ko? Bakit gusto niyang tumigil ako sa pagmamahal sa kanya?

"Hindi ako ang lalaki para sa'yo. I don't deserve you. You're a nice girl and all but I don't deserve you. Marami pang lalaki dyan na desrve ka." Sabi nito. "I'm still inlove with Nicole, Jordan. I still love her."

And that broke me. Akala ko pa naman pagkatapos malaman ni Chance na nagcheat si Nicole sa kanya ay mawawala na yung feelings niya para kay Nicole. Hindi pala. Akala lang pala yun.

"Sana sinabi mo na lang na ayaw mo sakin at hindi mo ako type kaya pinatitigil mo ako, in that way matatanggap ko pa. Hindi yung gagawa ka pa ng dahilan." Sabi ko. "Ang tanga mo. Alam mo yun? Nagcheat na nga sa'yo at lahat pero mahal mo padin? Sana sinabi mo na lang din na wala akong pag-asa sa'yo. Na walang pag-asa na  magiging tayo at malabo na mahalin mo ako."

"I didn't mean it that way." I stopped him using my left hand. "Stop, okay? Just stop. Enough with the bullshit. This will be our last conversation ever. Now, unlock the door." Madiin kong sabi.

"I'm still not yet-"

"I said unlock the goddamn door." Pagkatapos ko sabihin yun ay inunlock na niya ang pintuan ng kotse. Agad akong bumaba at iniwan siya doon. Nang makalayo na ako sa parking lot ay dun na tumulo ang luha ko.

Mahal niya pa si Nicole. Mahal pa niya ang ex niya.

I smiled bitterly. Pinahid ko ang luha ko at inayos ang uniform ko. Naglakad na ako palabas ng gate kung saan naghihintay ang driver namin.

---

I layed down there staring at the roof. Hawak ko ang cellphone ko sa isang kamay. Tumawag si Grey kanina and sinabi ko na payag na ako na ligawan niya ako. He was really happy.

I just want to be happy too. Gusto ko naman si Grey eh  pero hindi iyon sapat na makamove on ako kay Chance. I sighed. Chance nanaman. Simula ngayon, ay magmomove on na ako. Ayoko na magpakatanga. Ano yun? Babalik ako sa same scenario? May mahal ako na may mahal namang iba?

Umiling ako at pumikit. Ayoko na siyang pag-usapan. Iiwasan ko na siya. Kung magkita o magkasalubong man kami sa school ay hindi ko na siya papansinin. Ayoko kasing maging plastic. Kahit alam kong mahal ko siya. I sighed. Wala namang magagawa ang pagmamahal ko para mabago ang feelings niya. First love ang pinag-uusapan natin eh. First love si Nicole at may kasabihan na first love never dies.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon