Chapter 20

75 3 1
                                    

Sabado.

Tanghali ako nagising. Sabado naman kasi. Wala naman kaming lakad ngayon nila Mommy.

About dun sa nangyari kahapon. Yung dinner kina Tita Anne, hindi na nila ako tinanong tungkol dun. Siguro dahil alam din nilang hindi ko naman sila sasagutin at maiinis lang ako sa dami ng tanong nila. Minsan naman ay naabutan ko sila ni Tita Anne o kaya ni Tita Stella na magkavideocall of magkausap sa phone. Lumabas nga silang tatlo nung isang araw.

Bumangon na ako at pumunta na ng banyo para gawin ang ginagawa tuwing umaga. Pagkalabas ko ay nagbihis na ako at nagtuyo na ng buhok. Pagkatapos nun ay lumabas na ako para kumain. Ginugutom na ako eh.

"Ma, Pa?" tawag ko sa kanila pero walang sagot. Naglakad ako pababa ng hagdan at tinawag ulit sila pero wala padin. Nasaan ang mga yun?

Pagkapasok ko sa kusina ay naabutan ko ang isa sa mga katulong namin na nagliligpit ng mga plato.

"Nasaan po sina Mommy?" Tanong ko. Humarap siya sakin. "Ay, pinapasabi po nila sakin kanina sa inyo na may gagawin po sila sa opisina." sagot nito.

"Ahh. Ganun ba?" Tumango ito at binalikan ang ginagawa niya. Mayroon nanaman doong pagkain kaya kumain na ako. So, loner nanaman ako? Bumuntong hininga ako. Sabado pero wala akong gagawin. Katulong lang at ang driver ang nandito.

May nagdoorbell kaya tumigil muna ako sa pagkain at lumabas muna para tignan kung sino iyon. Isang van lang na kulay puti. Kumunot ang noo ko habang naglalakad patungo sa gate. Binuksan ko ito at tinignan ang van. Bumukas ito at niluwa si kuya Dust. Nanlaki ang mga mata ko.

"Kuya?!" sigaw ko. Ngumiti ito at pinaghiwalay ang mga braso niya na parang naghihintay ng yakap. Tumakbo ako at niyakap si Kuya ng mahigpit.

Narinig ko siyang tumawa bago kumalas sa yakap. "Ang laki na ng baby sister ko." sabi niya at nihead to foot ako.

"Syempre! Sexy na nga ako oh." Nagpose ako sa harapan ni Kuya at tumawa naman siya. Binaba ng driver ang mga gamit niya.

"Sino kasama mo Kuya?" tanong ko.

"Ah! Oo nga pala. Chance, labas ka dyan. Ipapakilala kita sa kapatid ko." sabi nito. Chance? Baka naman ibang Chance. Ang daming Chance sa mundo.

Dumapo ang tingin ko sa lalaking lumabas sa front seat ng van. Ganun na lang ang pagkakagulat ko ng si Chance ko ang lumabas.

"P-paa-"

"Jordan, si Chance. Pinsan ng kabarkada ko sa States. Chance, si Jordan, kapatid ko." sabi nito. Tinignan ko lang si Chance. Tinanguan lang niya ako.

Pumasok kami sa loob ng bahay habang kasama si Chance. Bitbit ni Kuya ang isa niyang maleta, ako naman ay isang maliit na bag lang, si Chance naman ay isa ding maleta.

Tahimik ang bahay ng pumasok kami. "Wala sina Papa?" tanong niya.

Binaba ko ang bag sa may salas. "Wala, pagkagising ko ay wala na sila. May inasikaso daw sa opisina." sagot ko. Tumango tango naman ito.

"Anyways, gutom na ako. May pagkain ba diyan?"

"Paubos na. Kumakain kasi ako ng dumating ka." sagot ko. Naglakad kami papunta sa kusina.

"Chance, halika." Tawag ni Kuya kay Chance. Hindi parin ba siya aalis? Pag nalaman ni Kuya ang sinabi sakin niyan nung dinner, naku!

Umupo ako agad at ganun din si Chance. Sa tapat ko. Si Kuya naman ay kausap pa ang magluluto.

Kumakain ako dun habang hinihintay si Kuya. Hindi ko tinitignan ang nasa tapat ko, ayoko. Naririnig ko siyang bumubuuntong hininga pero yun lang. Hindi niya ako kinakausap. Hindi siya nagsasalita.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon