1

4.4K 78 5
                                    

Kiana's POV

Hinehele ko yung anak ng kapatid ko na si Karl. One year old pa lang. May klase pa ako ngayon, naabutan ko kasi si Kim na inaasikaso yung anak niya, sinabi ko na pumasok na siya atbiwan sakin bago pa ito mahuli sa klase.

"Shhhh, wag kana umiyak, nagugutom ka ba?" Pagtataka ko.


Tumayo ako mula sa kinakaupuan ko at inabot yung gatas niya sa ibabae ng lamesa, nakatimpla na ito sa bote. Naalala ko na kailangan ko na palang bumili ng gatas, wala ng stock si Karl.

Pinatahan ko si Karl at inalalayan sa pag-dede ng gatas niya. Mabuti naman at kumalma na ito.


"Anak? Bakit andito ka pa? Mahuhuli ka na sa klase mo." Pag-aalala ni mama. Kakagising lang nito kasama si papa.


"Hindi ko po kasi maiwan si Karl, pinauna ko na si Kim baka kasi ma-late." Sagot ko.


"Nagluto rin po ako ng almusal niyo. Wala na pala tayong stock ng pagkain, mamimili po ako mamaya." Dagdag ko pa.

Sana magkasya yung pera ko na nakuha mula sa recital ko kahapon. 11,000 lang ang sahod ko mula roon, kailangan ko pang pagkasyahin ito sa issng buwan na grocery at bill namin. Tsaka kailangan ko rin mag-tabi para sa tuition fee namin nina Kim.


Lumapit sakin si papa at dahan dahan na kinuha si Karl.


"Anak sige na, pumasok ka na. Kami na bahala rito." Pag-aalala ni papa.


"Pa, yung gamot niyo po wag niyong kakalimutan." Paalala ko rito. Tumango naman si papa bilang sagot. Kinuha ko na yung bag ko sa gilid at inayos ang sarili ko.


"Mag-iingat ka 'nak. Umuwi ka ng maaga ha? May natira akong pera, lulutuin ko paborito mo." Nakangiting sabi ni mama.


"Sige po, mama, papa, mauna na po ako. " Paalam ko sakanila. Lumapit ako kay Karl at hinalikan ito sa pisngi.  Naglakad na ako palabas ng bahay namin, onti nalang at ma-lalate na ako.



Corina's POV (Kia's mom)

"Ang pogi pogi naman ng apo ko na yan." Tuwang tuwa kong sabi kay Karl habang pinapatawa ito.


Bigla kaming nakarinig ng katok mula sa pintuan, nagtataka kami ng asawa ko kung sino iyon. Wala naman akong naalala na may bibisita ngayon.

"Baka si Isobel, may nakalimutan ata siya." Sabi ni Jozcef.


Naglakad naman ako patungo sa pintuan para pagbuksan si Isobel. May susi naman siya, bakit siya kumakatok?


"Anak may naiwan ka ba----"

Napatigil ako nang may makita na hindi pamilyar na babae sa harapan ko. May apat na lalaki sa likuran nito at mukhang security guard.


Mukhang mayaman, may naka-garahe rin na mamahaling kotse sa tapat ng bahay. Sino ba ito? Baka kakilala ito ni Isobel?


Dahan dahan niyang tinanggal yung suot nitong shades, pagkatapos, isinuksok niya ito sa loob ng mamahalin niyang bag.


Mas nakikita ko na ang itsura nito, hindi ko pa talaga siya nakikita. Mukhang mayaman talaga, napaka mestisa at ganda.


"You must be Corina Valeros?"


Inilahad niya yung kamay niya, nakasuot po ito ng mamahalin na gloves, yung suot ng mayayaman. Malalaki rin yung bato ng kanyang singsing maski na yung mga bato sa kanyang relos. Nanginginig pa yung kamay ko at inabot ang kamay niya.


Sold To Be His Slave [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon