Kiana's POV
Pumunta ako sa garden kung saan may table na available, dito ko napag-pasyahan na mag-lunch. Hindi naman kasi ako bibili ng pagkain sa cafeteria, kaya mas okay nako rito.
Kinuha ko yung baunan ko mula sa bag ko at ipinatong sa lamesa. Nagluto ako ng adobo na may boiled egg, garlic rice tsaka sliced fruits gaya ng apple, oranges tsaka papaya na nakita ko sa ref.
Sana kumakain na rin ngayon si Roux. Sana magustuhan niya yung niluto ko kahit malamig na ngayon.
Kinain ko na yung lunch ko. Napaka-ganda ng view rito sa garden, magaganda yung mga bulaklak.
Sa hindi kalayuan, nakita ko na may puppy na kinakalkal yung isang plastic. Mukhang naghahanap ito ng pagkain. Payat rin ito at halatang hindi pa kumakain.
Hindi ako nagdalawang isip na kinun yung lunch box ko at lumapit sa puppy na nasa harapan ko.
"Chuchu....eto oh, pagkain....halika rito...."
Inalok ko sa puppy yung lunch box ko, nakita niya naman ito at agad na tumakbo palapit sakin. Natuwa ako nang agad niyang kinain yung adobo. Inayos ko yung lunch box ko para makakain ito ng maayos. Itinabi ko yung fruits sa gilid dahil hindi naman nila dapat ito kinakain.
Maingat ko itong hinawakan yung ulo nito habang kumakain, halata na gutom na gutom ito. Kung andito si Karl, panigurado ako na matutuwa iyon kapag nakita ito.
Kinuha ko yung water bottle ko sa sa bag at yung takip ng lunch box ko, naglagay ako ng tubig rito at tinabi sa puppy.
"You didn't have to feed that stray puppy. They have the chance to eat once the cafeteria is closed. "
Napa-angat naman ako ng tingin sa nagsalita. Si Henryck pala ito. Hindi ko alam kung kanina pa siya andito.
Naglakad ito palapit sa pwesto ko kanina, inilabas niya sa paper bag yung binili niyang pagkain.
"So, you're name is Isobel, right?"
Tumayo naman ako para humarap sakanya.
"Oo, pero Kiana o Kia nalang itawag mo." Seryoso kong sabi.
"Everyone is calling you that, I prefer calling you Isobel." Sagot nito sakin.
Napatingin ako sa pagkain na inaayos niya. Mukhang inorder niya ito sa fast food. Kinuha ni Henryck yung issng sandwich at inabot sakin.
"A-Ayos lang----"
"Take it. Pinakain mo yung tuta, ikaw ngayon yung walang pagkain. I'm just returning what you did."
Kahit nahihiya ako, kinuha ko naman yung sandwich. Pagkatapos, naupo ako sa tabi niya. Parehas naming pinagmamasdan yung puppy habang kumakain.
"Thank you pala." Sabi ko kay Henryck.
"I hope my Heleen isn't bothering you that much. She could really get annoying sometimes."
Natawa naman ako sa sinabi nito.
"Hindi naman. Hindi lang ako sanay na may mga kaibigan, wala kasing kumakausap sakin sa dati kong school. Buti nalang may isa akong kaibigan doon. Siya lang talaga yung nakakausap at nakakasama ko."
"Bakit naman? Mukha ka namang mabait. Anyone would be friends with you." Pagtataka nito.
Umiling naman ako. "Mahabang kwento e. Sabihin nalang natin na hindi ko sila ka-level, kaya hindi ako napapansin. " Seryoso kong sabi.
BINABASA MO ANG
Sold To Be His Slave [COMPLETE]
RomanceMrs. Sabine Yoshida got her eyes on the ballerina, Kiana Valeros for her son to marry. She bought her for her son to play with. Now, Kiana has to face the reality that she's the property of THE Roux Gabriel H. Yoshida.