12

2.5K 74 2
                                    

Kiana's POV

"Here, eat this."

Ibinigay sakin ni Roux yung apple na naka-hiwa na.

"Busog pa ako, Roux." Sabi ko rito.

Simula noong nalaman namin na buntis nga ako, walang tigil yung pagpapakain sakin ni Roux. Oras oras itong may dalang pagkain.

"It's been 35 minutes since you last ate. I don't want my child to starve. Look at your body, you need to eat more if you're going to spend nine months in carrying my child."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako maiinis kay Roux. Naging moody rin bigla. E pano ba naman kasi, napaka-OA ni Roux.

"Teka, ano pala yung ibig mong sabihin na totohanin nalang?" Pagtataka ko rito.

Nilingon ako ni Roux at tinignan, ibinaba niya naman yung hawak niyang apples at ipinatong sa side table. Punong punk ng prutas yung side table at mga gulay na pagkain.

"The plan is over. I want to marry you before the baby comes out----"

"Teka, wala sa usapan iyon. Hindi ko naman sinasabi na pakasalan mo ako." Pagputol ko rito.

Napakunot naman yung noo ni Roux. "Do you think I'm going to let my child grow up with a broken family? Hell no. I don't care about what you think, Kiana. I want my child to grow up with the two of us, together. " Seryoso nitong sabi.

Naramdaman ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Mumhang narinig rin 'yon ni baby. Talagang gusto akong panagutan ni Roux?

"I don't care if you don't want me, Kiana. It doesn't matter. I just don't want my child to grow up without a complete family. "

"I put you in this mess, let me fix everything. I'll take care you and the baby and your family too."

Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko kay Roux. Kinakabahan pa rin ako at natatakot sa pwedeng mangyari.

Paano ko ito sasabihin kila mama? Panigirado akong magagalit sila kay Roux. Ni hindi ko naman ginusto lahat lahat nang nangyari. Baka kung anong isipin nila.

"Paano naman ako? Habang buhay ba akong nasa puder mo? Habang buhay ba na sunod sunuran ako sayo?" Pagtataka ko.

Alam kong malaki ang utang ko sa pamilya ni Roux. May kasunduan kami na pwede namin itong itigil. Nag-aalala ako ngayon dahil dinadala ko yung anak niya, wala na ba talaga akong takas rito? Hindi ko alam kung ano itong pinasok ko.

"Are you saying that you don't want to be with me?" Seryoso nitong tanong.

Kapag ba sinagot ko iyan ng totoo, mananatili ako sa tabi ni Roux. Pero kapag nagsinungaling ako, may posibilidad na pakawalan niya na ako.

"O-Oo. Nabuntis mo lang ako, Roux. Hindi ibig sabihin non, may nararamdaman na rin ako para sayo. " Pagsisinungaling ko.

Napaiwas naman ng tingin si Roux. Parang may kirot saakin dahil pakiramdam ko, nasaktan ko siya.

Maniwala ka, Roux, maski ako naguguluhan sa nararamdaman ko para saiyo. Pero ayoko nang magtagal pa sa tabi mo. Natatakot ako na tuluyan pa akong mahuglo sayo.

"Fine. " Tumayo si Roux at tinalikuran ako.

"You'll stay at my place while you're pregnant. Once you give birth, the baby will stay with me and you'll never see us ever again. I promise you that."

Napa-awang yung labi ko dahil sa sinabi niya. Gusto kong bawiin agad yung sinabi ko pero----

"That's the new plan. I'll make sure you won't see me and my child ever again. "

Sold To Be His Slave [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon