Kiana's POV
Tatlong linggo na ang nakalipas. Masaya kaming tatlo nina Roux dahil magkakasama na kami. Abala sa preparasyon sina Roux, Hail at yung magulang ni Roux na pauwi rito sa susunod na linggo para sa kasal namin ni Roux. Kinakabahan na nga ako dahil napakadaming bisita ni Roux, lalo na sa side ng papa niya. Habang ako naman, sina mama lang ang bisita ko.
Gusto na kasing magmadali ni Roux, ayaw niya nang magsayang ng oras. Nagsukat na rin ako ng wedding gown, sobrang excited ni Hail dahil siya ang namili ng design. Simple lang sana yung gusto ko, pero kung ano anong design pa ang pinadagdag niya.
"Mommy, are we there yet?" Pagtataka ni Bentley.
"Yes anak, malapit na." Sagot ko rito.
Nasabi ko na rin kila mama ang totoo. Kaya naman inimbitahan nila sina Roux na bumisita sa bahay para ipagluto nila mama. Natutuwa ako na tanggap nila si Roux at yung pamilya niya at kinalimutan na lamang yung nangyari noon.
Ito yung unang beses na makikita nina mama si Bentley. Kaya nga sabik na rin ako na makita ang reaksyon nila.
Huminto yung kotse sa tapat ng bahay namin. Pinisil ni Roux yung kamay ko, dahilan para mapatingin ako sakanya. Matchy matchy pa sila ni Bentley ng suot, naka white polo shirt ito na naka-tuck in sa off white na pants at black belt. Parehas rin silang naka-white shoes. Ang cute nilang tignan parehas. Nagsuot lang ako ng dress ko na pinamili sakin ni Roux noon pa. Galing itong Chanel, hindi ko alam kung anong tawag sa dress na 'to. Hindi naman kasi ako sanay magsuot nito.
"I'm still nervous to meet your parents." Sabi sakin ni Roux.
"Wala ka dapat ikatakot, magugustuhan ka naman nila mama." Paniniguro ko.
Pinagbuksan kami ng body guard niya ng pintuan. Nauna si Roux at sumunod si Bentley. Inalalayan naman ako ni Roux paglabas, kinuha niya sakin yung bag ko at binitbit niya. Dala dala ko yung mga kakailanganin ni Bentley gaya ng towel kapag pinagpawisan ito. Nagdala rin ako ng konting laruan dahil baka mag-bored itl sa bahay.
"Do you live here, mommy?" Tanong sakin ni Bentley habang tinitignan yung maliit naming bahay. Pinagtitinginan na rin kami ng mga kapit bahay dahil sa limang na kotse ni Roux. Dalawang kotse ang nasa harapan at likod, doon nakasakay yung mga body guards niya.
"Oo, anak. Dito nakatira si mommy." Sabi ko sa anak ko.
Yumuko si Roux at binuhat si Bentley, hinawakan niya naman yung kamay ko pagkatapos.
"Let's go." Pag-aya ni Roux.
Naglakad kami papasok sa gate, sakto at bumukas yung pintuan at lumabas si Kim at Karl.
"Ate!"
Tumakbo si Kim palapit sakin at niyakap ako, hindi pa rin binibitawan ni Roux yung kamay ko.
"M-Mr. Yoshida, good afternoon po." Magalang na bati ni Kim kay Roux.
"Please, just call me Roux." Sabi ni Roux at nginitian ito.
"Ako pala si Kim, bunsong kapatid ni ate Kia. Eto naman yung anak ko, si Karl." Pagpapakilala ni Kim.
"It's nice to finally meet you, Kim and your son." Sagot ni Roux.
Napatingin si Bentley kay Kim. Biglang na-excite si Kim ng makita niya si Bentley sa wakay.
"Kim, yung kinukwento ko, si Bentley.....Bentley, this is tita Kim. And this is your cousin, Karl." Pagpapakilala ko.
BINABASA MO ANG
Sold To Be His Slave [COMPLETE]
RomanceMrs. Sabine Yoshida got her eyes on the ballerina, Kiana Valeros for her son to marry. She bought her for her son to play with. Now, Kiana has to face the reality that she's the property of THE Roux Gabriel H. Yoshida.