Kiana's POV
Kanina pa kami nakauwi ni Roux. May inaasikaso ito sa office room niya, andito naman ako sa kwarto niya. Pinipilit ko yung sarili ko na matulog pero hindi pa ako inaantok, kaya naka-upo ako sa balcony habang nakatulala sa buwan.
Hindi ko alam kung makakatagal ba ako rito. Ilang araw palang ako nandito, gustong gusto ko nang umuwi. Gusto kong kamustahin yung pamilya ko, lalo ni si papa.
"Kiana? What are you doing out here?"
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Roux. Pero agad akong napa-iwas nang tingin nang makita na wala itong suot pang-itaas. Bakit ba palagi niyang kinakalimutan magdamit?
"Hindi kasi ako makatulog. Nagpapahangin lang ako." Tangi kong sagot.
"But the room is air-conditioned."
Natawa naman ako sa sinabi nito.
"Alam ko, pero nagpapalipas lang ako ng antok rito." Pagtama ko.
Hinintay ko kung may sasabihin si Roux, maya maya, naglakad ito sa sofa at naupo sa tapat ko. Hindi pa rin ako sanay na makita yung katawan nito. Hindi ba uso sakanya yung mag-damit?
"Why aren't you wearing the ring? Don't you like it?"
Nakababa yung tingin ni Roux sa kamay ko, tinakpan ko naman ito gamit yung isa kong kamay.
"Hindi naman sa ganon. Natatakot lang ako na suotin baka kasi mawala ko. Hindi ko naman kayang bayaran iyon." Pagaalala ko.
Kahit rin naman yung suot ko ngayon, mahal ang bili ni Roux dito, kung hindi ako nagkakamalj, Chanel pa ang brand ng pajamas ko ngayon.
"Just wear it, Kiana. Don't worry too much if you would lose it."
Napayuko naman ako. Hindi lang naman kasi iyon yung dahilan ko kung bakit ayaw kong suotin.
"Iyon kasi yung pinaka-maganda na natanggap ko. Buong buhay ko, hindi ko naman naranasan na mabigyan ng regalo o mabilhan ng magagandang bagay. Kaya gusto ko sanang itago kesa mawala ko. " Seryoso kong sabi.
Kahit kapag birthday ko, wala akong natatanggap na regalo. Hindi rin kasi kami nakakapag-handa dahil gastos lang. Hindi rin naman kasi sakin importante kung wala akong handa at kung wala akong natatanggap, ang importante kasama ko sina mama.
Tumayo si Roux at bumalik sa loob ng kwarto, akala ko ay matutulog na ito pero agad itong bumalik at may hawak hawak.
Naupo uli si Roux sa tapat ko, nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung kamay ko at dahan dahang isinuot yung singsing na ibinigay niya.
"R-Roux...."
"Please wear it, I really like seeing you with that ring on your finger. "
"Besides, I want everyone to think that you're already taken."
Napatingin naman ako kay Roux dahil sa sinabi nito. Bakit niya naman gustong mangyari iyon?
"Taken? Wala naman akong boyfriend e. Tsaka wag kang mag-alala, imposible namang may magka-interes sakin. " Paniniguro ko.
"Kiana, you're my girlfriend. And as long as you're here in my house, you're mine. And I want everyone to know that, understood?"
"P-Pero----"
"No more buts. Just do what I said. And get inside, you should get some rest."
BINABASA MO ANG
Sold To Be His Slave [COMPLETE]
RomanceMrs. Sabine Yoshida got her eyes on the ballerina, Kiana Valeros for her son to marry. She bought her for her son to play with. Now, Kiana has to face the reality that she's the property of THE Roux Gabriel H. Yoshida.