19

2.3K 62 6
                                    

Kiana's POV

Huminto yung kotse sa parking lot ng campus. Nakita ko na may iilang estudyante ang nasa labas. Wala naman akong pake kung makita nila yung baby bump ko, panigurado naman ako na hindi naman na ako babalik rito.

"Dito ka lang, kaya ko namang pumunta mag-isa 'don." Pakiusap ko kay Roux.

Nasabi ko naman na hangga't maari, ayokong may makakita samin lalo na sa school. Ayoko kasi ng mag-isip yung tao ng kung ano. Sikat at makapangyarihan yung pamilya ni Roux, kahit kelan, hindi ko siya maabot.

"Why? Are you embarrassed to be with me?" Pagtataka nito.

Umiling naman ako. "Kahit kelan hindi kita ikakahiya, Roux. Ako nga yung mas nahihiya para sayo kapag nakita ng mga tao na kasama mo ako. Ikaw kasi ang yaman yaman mo tsaka sikat pamilya mo. "

"Don't fucking say that, baby. I would never be embarrassed to be seen with you. I don't care about what people think. After all, you're going to carry my surname soon. "

Tinanggal ko yung seatbelt ko para maka-usog ako sa tabi ni Roux lalo. Hinawakan ko yung kamay niya na naka patong sa ibabae ng binti niya.

"Promise mabilis lang ako, babalik rin ako kaagad. Hindi ko lang kasi kaya na iwan yung ballet shoes na bigay ni lola. Importante iyon para sakin." Pakiusap ko rito.

Tumango naman si Roux bilang sagot. "Fine. You have 3 minutes." Seryoso nitong sabi. Napakunot naman yung noo ko rito.

"Ang bilis naman! Ang hirap kayang maglakad, ang bigat bigat na kaya nung tyan ko." Reklamo ko rito.

"Baby I can't bare to be apart from you. 3 minutes is already long for me."

Natawa naman ako sa sinabi nito. Kahit kelan talaga itong si Roux. Lumapit ako sakanya at hinalikan yung pisngi nito. Tinadtad ko ng halik yung pisngi niya, napangiti naman ito sa ginawa ko.

"Fine. 5 minutes. But that's all I can give." Pag-suko nito.

"Okay, thank you, Roux." Masaya kong sabi.

Kahit hindi pa rin sapat yung five minutes, bibilisan ko nalang. Masyado kasing OA 'tong si Roux.

Sinenyasan niya na yung body guard niya. Bumaba ito sa kotse para mag-buksan ako ngnpintuan.

"Make it fast, baby. Don't keep me waiting here." Paalala nito.

Bago ako tuluyang umalis, hinawakan ni Roux yung pisngi ko para ilapit sakanya, hinalikan niya ng mariin yung labi ko. Saglit lang rin iyon at hinayaan niya na akong lumabas ng kotse.

Kasama ko yung isang body guard ni Roux na maglakad patungo sa ballet room. Inayos ko yung pagtakip ng coat para hindi masyadong halata yung baby bump ko.

Dumeretso kami sa gymnasium building, pinagbuksan ako ng tauhan ni Roux ng pintuan. Akala ko sasama pa ito hanggang loob pero naghintay na lamang ito sa labas. Pumasok na ako sa loob ng ballet room, sumarado naman yung pintuan sa likod ko.

Walang ka-tao tao rito sa ballet room. Nakaka-miss talaga mag-practice ng ballet.

Naglakad ako patungo sa locker room, malapit sa gilid ng pintuan. Nakasulat pa rin sa tag yung pangalan ko, akala ko tinanggal na nila pati yung laman. Inilagay ko na yung fingerprint ko sa lock. Mabilis naman itong na-scan at bumukas ng kusa yung pintuan nito.

Kinuha ko yung ballet shoes ko at ipinasok sa paper bag na naka-tabi rin sa loob. Kinuha ko nanrin yung dalawa kong extra tutu kesa iwan rito.

Sold To Be His Slave [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon