Kiana's POV
Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko. Nanghihina pa rin yung buong katawan ko, lalo na yung sa parte ng pagkababae ko. Nanunuyo rin yung lalamunan ko.
Bigla kong naalala yung nangyari! Agad akong napahawak sa tyan ko para pakiramdaman ito.
"H-Hindi...." Bigla akong nataranta nang maramdaman na lumiit yung tyan ko!
"Ate Kia...."
Napalingon ako kay Hail na kakapasok lang sa loob ng kwarto. Nakasuot pa rin ito ng uniporme at halatang nanggaling ito sa University.
"A-anong nangyari!? B-Bakit lumiit yung tyan ko!? " Hindi ko mapigilan na bumuhos yung mga luha ko.
Lumapit sakin si Hail at tinulungan ako na maka-upo sa hospital bed ng maayos.
"Hail, ano bang nangyari? Asan si Roux? " Pagaalala ko.
Napayuko naman si Hail para umiwas ng tingin sakin. Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya, nakikiusap na sagutin ako.
"T-They left the country. "
Napa-awang yung labi ko dahil sa sinabi ni Hail. Kunot noo ko itong tinignan.
"A-ano!? S-Sinong umalis? Kasama si Roux!?" Hindi makapaniwala kong sabi.
"You've been unconscious for two days straight. Hinanda ni Kuya yung plane at yung medical team para mabantayan si baby habang papunta sa Paris. They left yesterday. "
Umiling naman ako rito. "H-Hindi totoo yan! Hindi magagawa ni Roux na ilayo sakin yung anak namin!" Kinakabahan kong sabi.
"Kuya was so angry about what happened. Dahil daw sa ginawa mo, napilitan siyang ilayo si Benny. Oh by the way, he named him Bentley Mikelson. It's so cute, I call him Benny for short."
O-Of course he did. Roux really loved that name for our son.
Umupo si Hail sa tabi ko at humarap sakin.
"Kahit ako, sapilitan akong pinasama nila dad pauwi sa Paris. Nagsinungaling lang ako na aasikasuhin ko papers ko sa school. I'm not going to leave you dumbfounded, Ate. You have the rights to know about what happened." Seryosong sabi ni Hail.
Huminto ito at kinuha yung phone niya mula sa bag niya. Binuksan niya ito at may pinakita sakin.
"That's the only picture I have of Benny. He's so handsome, Ate. Kaya siya naka incubator dahil premature siya. Ayun lang daw yung way para maligtas kayo g parehas kaya napaaga yung delivery mo."
Tumulo yung mga luha ko nang makita ko yung anak ko. Panigurado kong natutuwa si Roux dahil kamukha niya ito.
"H-Hindi ko man lang nahawakan yung anak ko. " Malungkot kong sabi. Kumikirot yung puso ko habang pinagmamasdan yung anak ko. Wala akong ideya na nanganak na pala ako. Hindi ko man lang nakita at nahawakan yung sarili kong anak. Tapos nilayo pa ito sakin ni Roux. Napakawalang puso niya!
"Kelan babalik sina Roux? Nagmamakaawa ako sayo, kausapin mo yung kuya mo, Hail. Ibalik niya sakin yung anak ko." Pagmamakaawa ko.
Napahinga ng malalim si Hail. "I'm not sure about that, Ate. Alam mo naman si dad at Kuya, especially my mom, no one could ever stop them. "
"But I promise you, I'll try my best to talk to them, especially to Kuya. I'll make sure he'll bring Benny back to you." Paniniguro nito.
Lumapit sakin si Hail at niyakap ako ng mahigpit. Sana pakinggan ni Roux si Hail. May karapatan rin ako sa anak namin. Ni hindi ko nga alam na umalis sila. Bigla niyang nilayo yung anak ko!
BINABASA MO ANG
Sold To Be His Slave [COMPLETE]
RomanceMrs. Sabine Yoshida got her eyes on the ballerina, Kiana Valeros for her son to marry. She bought her for her son to play with. Now, Kiana has to face the reality that she's the property of THE Roux Gabriel H. Yoshida.