Kiana's POV
Nagising ako nang bumalik yung malay ko. Masakit pa rin yung ulo ko at yung katawan ko. Wala na akong naalala bukod sa nawalan ako ng malay habang naglalakad.
Dahan dahan akong bumangon, sumasakit na rin yung sikmura ko dahil sa gutom.
Teka, nasaan ba ako? Nilibot ko yung tingin ko. Nagulat ako nang makita kung nasaan ako! Kwarto ito ni Roux, hindi ako nagkakamali. Jusko, nananaginip ba ako? Imposible na andito ako sa kwarto ni Roux.
Pinagmasdan ko yung mga gamit sa loob, ganitong ganito yung pagkakaayos ng mga ito nung huling kita ko.
Biglang bumukas yung pintuan at pumasok si Roux. May bitbit ito na tray at nakapatong na pagkain.
"R-Roux..." Hindi makapaniwala kong sabi.
Hindi niya ako pinansin o tinignan man lang. Nagpatuloy itong maglakad patungo sa kama niya at maingat na ipinatong yung tray sa ibabaw ng lamesa.
"You should est some before you drink your medicine. My driver is waiting outside to drive you home."
Kahit masakit yung katawan ko, pinilit ko na bumangon at tumayo. Naglakad ako palapit kay Roux at hinawakan yung kamay nito.
"A-Asan yung anak ko!? Andito ba siya!? Gusto ko siyang makita, Roux. Parang awa mo na." Hindi ko napigilan yung pagbuhos ng mga luha ko. Mas masakit pa yung nararamdaman ko dahil sa paglayo ni Roux sa sarili kong anak kesa sa lagnat ko ngayon.
Tinabing ni Roux yung kamay ko, muntikan na akong matumba pero nakayanan ko naman na manatiling tumayo.
"After what you did!? Do you think I would let you see my son!?"
"Anak ko rin naman siya, Roux! May karapatan ako sakanya----"
"You lost your right the moment you kissed another guy!" Pagputol nito sakin.
Patuloy yung pagtulo ng mga luha ko. Umiling naman ako bilang sagot.
" Alam mong hindi ko yan magagawa sayo. Kehit kelan hindi ko magagawa na saktan ka. Kung ano man yung nakita mo, mali yung iniisip mo. " Seryoso kong sabi.
"What do you expect me to think!? Huh? Did you know how much you fucking hurted me that time!? And now it's all coming back to me because you're here."
Mas nasaktan ako, Roux. Kasi dalawa kayong nawala sakin. Ni hindi mo nga pinakinggan yung sasabihin ko. Habang ako, walang tigil yung pag-intindi sayo.
"You're nothing to me, Kiana. Go finish your food so you can leave immediately. You'll never meet my son."
Napayuko ako at umiwas ng tingin. Kahit lumuhod pa ako sa harapan nito, sigurado akong magmamatigas pa rin ito.
Ayoko nang sumbatan o makipag-talo pa kay Roux. Wala ring saysay kung hindi niya ako pakikinggan. Ayoko lang na uminit pa lalo yung dugo niya sakin.
Kahit masakit pa rin yung katawan ko, inumpisahan ko na yung maglakad para layuan si Roux.
"Where the hell are you going!?" Pagtataka nito.
Huminto ako sa tapat ng pintuan niya. Hindi ko na siya nilingon pa.
"A-Aalis na ako. Alam ko naman na ayaw mong makita ako." Seryoso kong sabi.
"Pakiusap ko lang na sana alagaan mo yung sarili mo. Baka nakakalimutan mo nanamang kumain. "
"Gusto kong magalit dahil nilayo mo yung anak natin at ipinagkait na makita ko siya. Pero gusto kong malaman mo na nagpapasalamat pa rin ako sayo, Roux."
BINABASA MO ANG
Sold To Be His Slave [COMPLETE]
RomanceMrs. Sabine Yoshida got her eyes on the ballerina, Kiana Valeros for her son to marry. She bought her for her son to play with. Now, Kiana has to face the reality that she's the property of THE Roux Gabriel H. Yoshida.