2

3.5K 74 6
                                    

Kiana's POV

Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko, ang bigat sa pakiramdam ng katawa ko. Nahihilo pa ako at nanlalabo yung paningin ko.

"Get up, you need to change your clothes before my son gets here."

Bumangon ako sa kinahihigaan ko, hindi pamilyar ang kwarto na 'to. Nasaan ba ako? Anong nangyari? Nasaan sila mama?

Naupo ako sa kama, nakita ko yung babae na umiinom ng wine sa tapat ko. Siya yung huli kong nakita noong nawalan ako ng malay.

"Nasaan po ako? Anong ginagawa ko rito?" Pagtataka ko.

"This is your new home. I won you---I mean, my son owns you now."

Napakunot yung noo ko dahil sa sinabi nito. Wala akong naiintindihan.

"H-ho?" Pagtataka ko.

"Your mother sold you to me, my son owns you now. You're going to stay here whether you like it or not."

Umiling naman ako.

"H-Hindi 'yon magagawa ni mama. Aalis na po ako----"

Pagkatayo ko, inabot niya sakin yung isang papeles. Napatingin ako sa dulong bahagi, may pangalan ni mama at pirma niya. Hindi ako nagkakamali, ganyan na ganyan ang pirma ni mama.

"Do you believe me now?"

Hindi na ako nag-abalang basahin ito, alam kong hindi ito magagawa ni mama.

"Aalis na po ako. " Pagmamatigas ko.

"Fine. Don't come running back to me when I sent your mother into jail. I'll make sure you're not going to get her out." Babala nito saakin.

Hindi ko ito pinansin, naglakad ako patungo sa pintuan, hinawakan ko ito at akmang pipihitan nang magsalita ito ulo.


"Dear, I wouldn't do that if I were you.  Believe me, you don't want to make me angry, Kiana. "

Lumuwag yung hawak ko sa door knob. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko kilala kung sino ba ito.

Narinig ko yung tunog ng takong niya na naglalakad palapit sakin, naramdaman ko yung paghaplos niya sa buhok ko.


"I'm not a bad guy, Kiana. I'm here to help you and your parents, don't you want to give them the life they deserve?"

Nanatili akong tahimik, pinipigilan ko yung mga luha ko.


"All I ask for return is for you to change my son. I want you to take care of him like a wife. I just want him to see that having a partner in life is the best thing. "

"I don't care if you have sex with him or be his slave, just do everything you can, Kiana. And if you change his mind, I'll triple my payment. "


"Paano kapag hindi ko ho nagawa?" Pagtataka ko.


"It's okay, at least you tried. You're only going to stay here for a year, that's what your mother and I agreed too. After our contract, if the two of you fell in love and wishes to be together, I won't meddle with your relationship. "


"Please, Kiana, I'm really hoping you would change my son. I promise you that I will give your family the life you wanted for them. I'll give them a house, a car or anything they want. Just please help me out."


Marami pa rin akong katanungan kung bakit pumayag si mama rito. Ang sakit lang isipin na kahit anong paghihirap ko at sakripisyo, nagawa pa rin ni mama na ibenta ako ng basta basta. Hindi pa ba sapat yung ginagawa ko? Hindi pa ba sapat yung sakripisyo ko?


Sold To Be His Slave [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon