Kiana's POV
Napakunot yung noo ko nang mapansin na iba yung daan ng kotse. Parang hindi ito yung papunta sa bahay ni Roux. Nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo at sakit sa tyan. Wala naman ako masyadong kinain kanina e.
Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako kinikibo simula nang makita niya kami ni Henryck sa ballet room.
Wala naman akong ginagawang masama. Si Henryck yung biglang pumunta kanina nang hindi ko alam. Tsaka hindi ko rin alam na pupunta si Roux.
Maya maya, huminto yung kotse sa tapat ng malaking gate. Agad itong binuksan ng mga guardia sa loob at nagmaneho naman papasok sa loob yung kotse. Namangha ako sa malaking mansion sa harapan namin. Parang kasing laki lang nito ang bahay ni Roux.
"Roux? Nasaan tayo?" Pagtataka ko.
Nilingon naman ako ni Roux, sa wakas at pinansin niya na rin ako.
"We're at my parents house. Hindi ba sinabi ko, inimbitahan tayo ni mommy na mag-dinner? Ngayon rin yung dating ni dad, kaya gusto niya na ipakilala kita agad."
"Alam ba yung ginawa ng mommy mo? Yung tungkol sa atin?" Pagtataka ko.
"Of course not. Mom always know how to get away from her lies. That's why I'm asking you to please keep quiet. " Pakiusap nito.
Tumango na lamang ako bilang sagot. Pinagbuksan kami ng tauhan niya ng pintuan. Naka-tuxedo si Roux habang ako naka-school uniform pa. Hindi ko inaasahan na hahawakan niya yung kamay ko. Parang may kuryente sa may bandang kamay ko habang hinahawakan niya ito.
Naunang naglakad si Roux papasok sa loob habang hila hila ako at nakasunod sakanya.
"Good evening, monsieur. " Bungad sakanya nung tauhan.
"Is dad here?" Tanong ni Roux.
"He's on his way. Your mother is preparing at the dining area. Your sister, Hail is still getting ready."
Tumango naman si Roux. "Call us when the dinner is ready, we'll just take some test." Bilin ni Roux rito.
Hinila niya ako papunta sa elevator. Grabe, hindi ha uso yung hagdanan sakanila? Pati sa bahay ni Roux, may elevator rin siya.
Hindi na ako nagsalita, sinundan ko si Roux nang lumabas kami sa elevator. Malawak rin yung hallway at may pagkataasan yung mga pintuan rito. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan na mapatingin sa pictures na naka-display. Puro kotse ito, mukhang mahilig sila sa kotse.
"My dad was known to be a famous drag racer. But he stopped to focus on his business."
"I grew up liking cars too, but I never saw myself as a drag racer. I just love collecting cars like him. " dagdag pa nito.
Jusko, iba talaga ang mayayaman. Barya lang sakanila kapag guma-gastos. Lalo na 'tong si Roux, ginawang toy cars yung kotse at nangolekta pa.
Huminto kami sa isang pintuan, binuksan ito ni Roux at inalalayan ako papsok. Nakita ko yung kabuuhan ng kwarto niya. Halos lahat ng naririto ay kulay itim. May malaking picture ng isang kotse sa ibabaw ng kama nito.
Naglakad ako papunta sa kama niya at naupo rito. Napaka lambot rin ng higaan niya. Kung ano yung amoy ng kwarto niya sa bahay niya, ganito rin yung amoy rito.
"Bakit andoon si Henryck kanina? Talaga bang hindi mo kayang lumayo sakanya?"
Napalingon ako kay Roux dahil sa sinabi niya. Akala ko ay nakalimutan niya na yung tungkol rito.
BINABASA MO ANG
Sold To Be His Slave [COMPLETE]
RomanceMrs. Sabine Yoshida got her eyes on the ballerina, Kiana Valeros for her son to marry. She bought her for her son to play with. Now, Kiana has to face the reality that she's the property of THE Roux Gabriel H. Yoshida.