8

2.6K 74 5
                                    

Roux's POV

Naka-sandal ako sa balcony habang pinagpanood si Kiana sa pool area. Tuwang tuwa itong nakikipag-laro sa tuta na inuwi niya. Tsk. Mas inaalagaan niya pa ito kesa saakin. Dati inaasikaso ako nito sa pagkain, kulang nalang subuan ako nito. Pero kanina, mas pinauna niyang pakainin yang tuta na yan at pinanood pa. Hinayaan niya lang ako na kumain mag-isa.

Anyways, it's getting late. She has classes tomorrow and it's going to be her first day at ballet class too.

Nilingon ko yung body guard ko na naka-tayo sa likuran ko.

"Tell her to go to our room, now. It's getting late." I said to my body guard.

I put the coffee down on the table beside me. I went back inside of my room. It's already 9:30pm. I feel sleepy, I still have a lot of work to do tomorrow.

Pumunta ako sa kama at kinuha yung unan at yung kumot ko. Sunod, dumeretso na ako sa pwesto ko sa sofa. I forgot to ask my secretary to buy me a new comfortable sofa. I hate sleeping here.

Napalingon ako nang bumukas yung pintuan, pumasok si Kiana habang karga karga yung tuta.

"Tabi tayo matulog toffee. Dito ka sa tabi ko."

Unbelievable.

Mas pipiliin niyang katabi yang aso kesa sakin? Hindi man lang siya naawa sa hinihigaan ko?

Naglakad si Kiana patungo sa kama, pinahiga niya yung tuta sa tabi nito.

"Get that thing out of here. " I said to her.

Napahinto naman si Kiana at tinignan ako. Sumiksik yung tuta sa likod niya at nagtago.

"Pwede dito muna siya? Wala pa kasi akong nakikita na pwesto na paglalagyan sakanya e."

"Tsaka dito naman siya sa tabi ko e. Promise hindi siya mag-iingay o pupunta dyan sa may sofa."

Napapikit ako ng mariin. I fuckin hate mess. I'm going to loose it if that puppy leave a single fur on my bed.

"Kiana, I'm sure that dog can sleep at the garden. "

"Buti pa yang aso pinapahiga mo sa kama ko! Ako nga hindi mo tinanong kung kunportable ba ako sa hinihigaan ko! "

Shit.

What the fuck did I just said!?

Napatingin sakin si Kiana ng seryoso. Gusto ko man bawiin yung sinabi ko pero huli na.

"S-Sorry. Sinabi ko naman sayo na dito ka na matulog, kaya ko naman matulog dyan." Mahina nitong sabi.

"Whatever. Just get that puppy out of here. " I said with a cold tone.

I waited for her to do what I said. But instead, she carried the puppy up.

"Gusto mo bang matulog dito sa tabi ko? O kaya palit nalang tayo ng pwesto."

Kinuha stood up and took her pillow together with the puppy. She's seriously going to choose that puppy over me?

Kinuha ki yung unan ko at naglakad palapit rito. Inayos ko yung unan ko sa left side, kung saan ako naka-pwesto palagi.

"Just sleep on the other side. " I said to her.

Tumango naman si Kiana bilang sagot. Naglakad ito paikot sa kabila at inayos yung unan sa tabi ko.

Humiga na ako sa pwesto ko. Sa wakas, ang kumportable ng higaan ko. I really missed my bed.

Napakunot yung noo ko nang lingunin si Kiana. Humiga ito sa tabi ko at pinahiga yung tuta sa gitna namin. Tuwang tuwa naman yung tuta at tumabi kay Kiana.

Sold To Be His Slave [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon