Kiana's POV
Pinagbuksan kami ng tauhan ni Roux, pumasok kami sa loob ng bahay niya. Sa totoo lang, kinakabahan ako na makita yung anak ko. Hindi ko alam kung gusto niya ba akong makita o ano. Gusto ko ring malaman kung galit ba siya sakin o masama yung loob dahil lumaki siya na wala ako sa tabi niya.
"Take her stuff in my room. " Utos ni Sage sa katulong.
"Teka, akala ko ba katulong lang ako? Bakit mo pinapadala yung gamit ko sa kwarto mo?" Pagtataka ko.
"Ang usapan, kay Bentley ka lang magpapanggap, hindi sakin. Binayaran na kita, hindi ba? Kaya wala kang ibang magagawa kundi sundin ang gusto ko." Seryoso nitong sabi.
Gaya ng napagkasunduan namin ni Roux, magpapanggap ako na baby sitter at kasambahay rito. Ipinagbilin niya na huwag na huwag kong sasabihin na ako yung nanay ni Bentley. Hahayaan niya akong makita at makasama yung anak ko, pero hindi bilang ina.
Desperada na akong makita yung anak ko, kaya gagawin ko ang lahat ng kagustuhan ni Roux. Kahit anong pagpapahirap pa yan.
Sa kasunduan rin namin, hindi ako pwedeng lumabas ng bahay ni Roux, depende na lamang kung kasama ako sa lakad nila ng anak ko. Nagsabi na rin ako kina mama na may bago na akong trabaho at kailangan na dito ako matutulog. Kaya ibinigay na ni Roux yung sahod ko para iwan kila mama.
"Dad!"
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang marinig ang boses na 'yon. Unang beses ko pa lang nairig ang boses na ito, alam kong galing ito sa anak ko.
Nakita ko si Bentley na tumatakbo palapit sa kinaroroonan namin. Wala siyang pinagbago. Namumukhaan ko siya dahil sa mga litrato na pinapadala ni Hail.
"Hey son..."
Yumuko si Roux para kargahin si Bentley. Para nanghihina yung buong katawan ko nang makita yung anak ko sa personal. Natatakot ako at kinakabahan.
"Dad, who is she?" Pagtataka ni Bentley.
Nilingon ko ito at tinignan. Ang ayos ayos ng damit ng anak ko, halatang mamahalin. Malinis rin ng ayos ng buhok. Nakita ko na may suot rin itong maliit na wrist watch na rolex ang tatak. Halatang spoiled na spoiled ni Roux. Nagpapasalamat talaga ako na mas nabigyan niya ng maayos na buhay yung anak namin.
Napatingin si Roux sakin, yumuko na lamang ako para umiwas ng tingin.
"She's your new nanny. She'll be the one to look after you. Promise me you'll behave, okay?" Tanong ni Roux kay Bentley.
"Hi! My name is Bentley. You should always remember that I like my milk warm. I always have my milk for breakfast and before bed. Oh and I love pancakes, can you cook that for breakfast tomorrow??"
Napangiti ako nang kausapin ako ng anak ko. Tumango naman ako rito. "O-Opo. Maaga akong gigising para ipagluto ka ng pancakes bukas." Natutuwa kong sabi.
"Are you a ballerina?"
Napaawang yung labi ko dahil sa tanong niya. Nalingon ko naman si Roux, ang usapan, huwag akong magsasabi ng kung ano tungkol sakin.
"Well you look like a ballerina because you're so thin. Are you even eating?" Pagpapatuloy nito.
Kinabahan ako dahil akala ko kilala niya yung nanay niya bilang ballerina. Wala rin kasi akong ideya kung anong yung sinabi nina Hail at Roux tungkol sakin.
"That's enough, son. Let's leave her now, she still needs to cook for dinner." Sabi ni Roux.
"Please cook something delicious, yaya. " Naka-pout na sabi ni Bentley.
BINABASA MO ANG
Sold To Be His Slave [COMPLETE]
Roman d'amourMrs. Sabine Yoshida got her eyes on the ballerina, Kiana Valeros for her son to marry. She bought her for her son to play with. Now, Kiana has to face the reality that she's the property of THE Roux Gabriel H. Yoshida.
![Sold To Be His Slave [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/284110015-64-k157609.jpg)