26

2.4K 56 9
                                    

Kiana's POV

"Mmm, I want to have mornings like this all the time." Sabi ni Roux kahit inaantok pa.

Mas lalong humigpit yung pagyakap niya sakin at inilapit yung katawan. Naninibago pa rin ako simula noong gawin namin 'yon. Nahihiya pa rin ako na ewan. Lalo na ngayon, nakahubad kami ni Roux sa ilalm ng comforter na bumabalot sa katawan namin. Ramdam na ramdam ko yung init ng katawan nito.

"Roux, kailangan ko nang magluto. Baka magising na si Bentley." Suway ko rito.

Ibinaon ni Roux yung mukha niya sa leeg ko na para bang walang balak na pakawalan ako. Naramdaman ko yung labi niya na hinahalikan yung leeg ko.

"Hmm, you're always with our son. I need your time too. Let's just stay like this for a while before he steals you again from me."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Roux. May pagka-clingy rin kasi si Bentley kahit yaya lang ang tingin niya sakin.

"I want to tell our son about us. I can't wait any longer, baby." Dagdag pa nito.

Nawala yung ngiti ko dahil sa sinabi ni Roux. Hinawi ko yung buhok niya.

"Bigyan mo pa ako ng oras. Ayoko munang sabihin kay Bentley, natatakot pa rin ako, Roux. " Pakiusap ko.

Sa totoo lang, naiinggit ako sa mga nanay sa school. Ang ayos ayos ng damit nila at laging ikinukwento ng anak nila na mayaman at may maayos na trabaho. Naririnig ko kasi yung usapan habang hinihintay si Bentley.

Mababa ang tingin ko sa sarili ko. Simula pa noon, nahihiya na rin ako na makita na kasama si Roux. Kahit kelan, hindi ko magagawang tapatan ito. Mas nahihiya lang ako na isipin ng mga tao na pumatol siya sa kagaya ko.

Wala naman akong ipagmamalaki o kayang ibigay kay Roux, lalo na sa anak namin.

"Bentley will accept you, believe me I told----"

"Huwag na, Roux. Hayaan mo nalang muna ako na alagaan tsaka makapiling si Bentley sa kahit ganitong paraan. Hindi pa talaga ako handa." Pakiusap ko sakanya.

"Fine. But I just want to tell you that our son will accept you no matter what, believe me. " Paniniguro ni Roux.

Magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan. "Mr. Yoshida, may naghahanap po sainyo sa lobby." Sabi ng butler.

"Sige na, magbihis ka na at puntahin mo na yun sa baba." Sabi ko rito.

"Okay, get dress and go to our son. I'll tell the chef to cook---"

"Ako na. Gusto kong ipagluto si Bentley." Nakangiti kong sabi. Tumango na lamang ito bilang sagot, hinalikan niya ako ng mariin bago ito tuluyang tumayo.

Tumayo na rin ako at pinulot yung damit ko sa lapag. Mabilis na nagbihis si Roux at lumabas na ng kwarto. Binilisan ko na rin yung pagbihis at lumabas na ako ng kwarto.

Hinintay ako ni Roux sa elevator, pumasok ako sa loob at sumabay sakanya pagbaba.

"I love you, baby." Seryoso nitong sabi habang nakatingin sakin.

"I love you too." Sagot at ngumiti.

Bumukas yung pintuan matapos ang ilang segundo. Sabay kaming lumabas at dumeretso sa lobby dahil doon rin naman yung daanan ko papunta sa kusina.

"Babe!"

Nanlaki yung mata ko nang makita sj Heleen! Hindi ako nagkakamali, si Heleen nga ito! Yung kambal ni Henryck.

Sold To Be His Slave [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon