18

2.5K 60 3
                                    

Kiana's POV

Dalawang buwan na ang nakalipas. Masaya akong nagkakamabutihan na talaga kami ni Roux. Hindi ko inaasahan na tuluyan na talaga itong magbabago.

Andito uli kami ngayon sa clinic para magpa-check up. Kasama ko ngayon si Roux, gustong sumama ni Hail ngayon pero pinagbawalan ito ni Roux dahil finals niya ngayon. Sinabi ko rin kay Hail na ipapadala ko nalang sakanya yung result ng ultrasound. Sobrang excited kasi nito dahil sa pagbubuntis ko.

Nakahiga ako sa hospital bed habang nakaupo naman si Roux sa gilid ko at nakahawak sa kamay ko. Minomonitor pa rin ni doktora si baby.

Habang tumatagal, mas lalong naghahalo halo yung emosyon ko. Sobrang saya ko dahil dalawang buwan na lamang at makikita at mahahawakan na rin namin si baby. Pero sobra rin ang takot ko dahil hindi pa ako handang manganak. Ayon kay mama at kay Kim, masakit daw talaga manganak, pero tiniis nila lahat lahat ng iyon.

Naramdaman ko na hinawi naman ni Roux yung buhok ko at isinabit sa likod ng tenga ko. Nanatili akong nakatitig sa monitor.

"There..."

"Your baby boy is healthy, Mr. Yoshida and Ms. Valeros."

Napangiti ako nang makita si baby. Pinarinig rin samin ni Doc yung heat beat. Nilingon ko naman si Roux na nasa tabi ko, hindi niya maiwasan yung tingin sa screen habang hawak hawak yung kamay ko. Hindi mawala wala ang ngiti niya sa labi habang pinag amasdan yung baby namin.

"Since you're already seven months pregnant, I advice you to avoid spicy, acidic, abbrasive foods and also fizzy drinks like sodas to avoid heartburn or indigestion. " Paalala ni doc.

"I'll make sure that she sticks to a healthy diet." Paniniguro ni Roux, inalis niya yung tingin sa screen at tinignan ako.

"And also, ituloy mo lang yung payo ko na mag-stretching ka kahit konti lang, makakatulong ito na maiwasan yung back pain." Dagdag pa niya.

"Opo doc." Nakangiti kong sagot.

"Okay, I'll give you time, I'll just print the result. Excuse me for a moment...." Paalam ni doktora. Pinunasan niya na yung gel sa tyan ko at inalis yung apparatus.

Tumayo na si doktora, isinarado niya yung kurtina para may privacy kami ni Roux.

"How are you feeling baby?" Pagaalala ni Roux.

"Natatakot akong manganak, baka hindi ko kayanin yung sakit." Malungkot kong sabi.

Tumayo naman si Roux para umupo sa gilid ng kama, hinawakan niya yung magkabila kong pisngi at hinalikan yung noo ko.

"Baby I promise you're going to be fine. Believe me I want to take all the pain you're experiencing even on the time of your delivery. "

"Titiisin ko lahat ng sakit para kay baby. Basta sisiguraduhin ko na manatili siyang healthy, masyadong maalaga yung daddy niya e. " Sabi ko kay Roux at napangiti sa dulo.

Napangiti naman sakin si Roux, lumapit ito dinampian ako ng halik sa labi.

"I'll do anything for the both of you. " Seryosong sabi nito.

Ako rin, Roux, gagawin ko lahat ng kaya ko para sainyong dalawa. Hindi mo alam kung gaano kami nagpapasalamat ni baby sayo dahil sa pag-aalaga mo samin.




Roux's POV

"Eat more vegetables baby." I said to Kiana. I took a scoop from the traditional french broccoli gratin and put it on her plate. I also added some ratatouille.

Sold To Be His Slave [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon