Kiana's POV
Isang buwan na ang nakalipas simula nang malaman ko na buntis ako. Maraming nagbago sa mga dumaan na araw. Madalas na rin akong bisitahin ng pamilya ni Roux para kamustahin ako. Si Hail naman, madalas abutan ng gabi. Inaantay niya kasi akong matulog, ayaw niyang umalis hanggat wala pa si Roux. Kaya naman nakakatulog ito sa tabi ko habang yakap yakap ang tyan ko.
Kapag bumibisita naman sina Mr and Mrs Yoshida, sandamakmak na gamit at regalo ang dinadala nila para sa magiging anak namin. Inumpisahan na ngang gawin yung kwarto ni baby sa guest room.
Si Roux naman, kahit abala ito sa trabaho, oras oras ako nitong tinatawagan at kinakamusta. Pinatigil niya ako pag-aaral para mag-focus sa kalusugan ko.
Nag-bago si Roux sa totoo lang, siguro dahil buntis ako. Panigurado ako na ginagawa niya lang ito para sa bata.
"Toffee?"
Narinig ko yung kaluskos ng pagtakbo ni Toffee. Siya na lang kasi yung libangan ko rito dahil para akong nakakulong sa bahay. Medyo lumaki na rin si Toffee at lumusog.
Yumuko ako para bunuhatin si Toffee. Naglakad ako papunta sa kusina dahil nagugutom na rin ako. Gusto ko sana magluto.
Pagpasok ko, walang tao sa loob pero naamoy ko na may nagluluto. Nanggagaling ito sa kusina ng maid's quarter. Sinundan ko yung amoy at at pumunta sa kabilang kusina para sa katulong, naabutan ko sina Vicky na nagluluto.
"Nako ma'am, may kailangan ho ba kayo? "
Napatingin ako sa niluluto nitong sinigang na baboy. Ang bango, parang yung luto lang ni mama. Napansin ko na naging matalas rin yung pang-amoy ko.
"Pwede bang maka-hingi? Naamoy ko kasi e, mukhang masarap." Naka-pout kong sabi.
"Ay nako ma'am! Tamang tama, kakatapos ko lang lutuin. Maupo muna kayo ma'am, maghahain lang ako."
Napangiti naman ako sakanila. Ipinaghila ako ni Betty ng upuan at naupo ako rito. Pagkatapos, naglagay siya ng plato sa harap ko at kutsara tinidor. Nilagay na rin ni Vilma yung sinigang sa harapan ko.
"Eto ma'am...." Sinandukan ako ni Vilma ng kanin sa plato at ng sinigang. Sinabi ko na damihan yung sabaw at gulay. Kinuha muna sakin ni Betty si Toffee para makakain ako ng maayos.
"Mmmm....ang sarap nga. Parang luto ni mama." Sabi ko habang tinitikman pa uli yung luto niya.
"Andito pala si ma'am, buti dinamihan ko yung mangga."
Napalingon ako kay Alfred, isa sa mga driver ni Roux. May dala dala itong plastic, ipinatong niya ito sa harapan ko.
"Hala, mukang maasim. Gusto rin tikman." Excited kong sabi.
"Akin na Alfred, ipagbabalat ko si ma'am Kia."
Ang babait ng mga kasambahay ni Roux. Mabuti nalang at kasundo ko sila. Ipinagpatuloy ko yung pagkain ko habang ipinagbabalat ako ni betty ng manggang hilaw. Sakto at nilabas rin nila yung bagoong. Mas masarap talaga yung ganitong klase ng pagkain kesa sa mamahalin.
Roux's POV
"You look wasted bro, what happened?"
Napapikit ako at napahawak ng mariin sa sentido ko. Hindi mawala wala yung pagod ko, sumabay pa yung sakit ng ulo ko dahil maghapon akong nakatutok sa computer screen.
"Don't tell me that Kiana is keeping you up all night?"
Tinanggal ko yung kamay ko at umayo ng pagkakaupo.
BINABASA MO ANG
Sold To Be His Slave [COMPLETE]
RomanceMrs. Sabine Yoshida got her eyes on the ballerina, Kiana Valeros for her son to marry. She bought her for her son to play with. Now, Kiana has to face the reality that she's the property of THE Roux Gabriel H. Yoshida.