27

2.6K 60 8
                                    

Kiana's POV

Buong araw akong nanatiling tahimik. Iniwasan ko si Roux at tinuon ang pansin kay Bentley.

Kakatapos lang namin maghapunan kanina, andito kami ngayon ni Bentley sa kwarto niya dahil inaantay ko itong makatulog. Kahit sabado bukas, ayoko pa rin magpuyat ito o late matulog.

Naka-higa ako patagilid para makita si Bentley, hinahawi ko yung buhok nito para antukin.

"Yaya, what's the best thing that has ever happened to you?"

Hindi ko inaasahan na tatanungin ako ni Bentley ng ganito.

Kayo ng papa mo yung pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Natutunan kong magmahal dahil sa papa mo, naranasan ko na may nagaalaga at nag-aalala rin saakin. Dahil sa papa mo, pinaramdam niya sakin yung pagmamahal na alam kong hindi ko mararanasan sa iba.

At ikaw anak ko, ikaw yung sumunod na magandang nangyari. Nagpapasalamat ako sa papa mo na pinalaki ka niya ng maayos at binigyan ka niya ng magandang buhay.

Kayo yung pinaka-importanteng lalaki sa buhay ko, at hindi magbabago yon, anak. Kahit kelan hindi mawawala o mababawasan yung pagmamahal ko sainyo ng papa mo.

"H-Hindi ko alam e." Pagsisinungaling ko kay Bentley kahit na gusto kong sabihin sakanya lahat lahat ng iyon.

Biglang bumukas yung pintuan, hindi ko inaasahan si Heleen na pumasok sa loob.

"I tried to contact Roux, but he's not answering. I guess I'll just wait for him here. I feel like he's ignoring me or something." Mahina nitong sabi.

Tumayo ako at inayos yung comforter ni Bentley.

"What are you doing here again?" Pagsusungit ni Bentley kay Heleen.

"I'm here to wait for your dad, do you want me to read you a bedtime story?" Alok ni Heleen.

Lumapit si Heleen sa kabilang side ng kama at naupo sa tabi ni Bentley.

"No thanks. I'd rather go to sleep." Pagsusungit ni Bentley.

"Sige po, maiwan ko na po kayo----"

"Yaya! Don't leave! I'm not even asleep yet!" Pagputol sakin ni Bentley.

"I'm here, Benny. I'm sure yaya has a lot of chores to do."

"I don't care! I want her to stay with me. I don't want you here Tita Heleen."

Nagulat ako sa inaasal ni Bentley. Bakit ayaw niya kay Heleen?

"It's okay, Kia, you can go now. I can handle him like I always does. I'm going to be his step-mother soon, right?"

"Fucking hell." Pagmumura ni Bentley!

"Bentley!" Suway ko rito.

Hindi tama ang inaasal niya kay Heleen. Kanino ito natuto mag-mura?

"It's okay, Kia. Just go." Seryosong sabi ni Heleen.

Wala akong nagawa kundi sundin ito. Naglakad na ako papunta sa pintuan at lumabas na. Napatigil ako nang makita si Roux sa harapan ko, kakauwi lang galing trabaho.

"Hinihintay ka ni ma'am Heleen sa loob." Seryoso kong sabi.

"Who the hell let her in!? I told her not to come here anymore." Pagtataka nito.

"Talk to me, Kiana. Stop ignoring me!"

Napayuko na lamang ako nang paagtaasan niya ako ng boses.


Sold To Be His Slave [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon