Habang nagbabasa ng libro ay biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan. It’s emergency. Mabilis pa sa kidlat ang pagtayo ko mula sa upuan. Dumeretso ako sa dressing room para magbihis. Nakita ko si Doc Miller na nakaupo sa harapan ng locker niya. This is his last year in residency, maraming babaeng nagkakagusto sa kaniya dahil maliban sa magaling siya ay may angking kagwapuhan din. Bahagya akong yumuko.
“Hi, Doc,” bati ko sa kaniya. Kumuha ako ng damit at dinaanan lang siya.
“Ikaw ang maga-assist sa ‘kin ngayon kasi wala si Doc Zam,” tugon niya. Natigilan ako at lumingon sa kaniya. Kaming dalawa lang? Hindi ba dapat may kasama kaming dalawa na senior? “Wala kang tiwala sa ‘kin?” he smirked.
Nataranta akong lumingon sa kaniya. Napakagat ako ng mga daliri, “H-Hindi naman sa gano’n, Doc,” sambit ko. Bigla siyang ngumiti sa ‘kin. Halos malusaw ang mga mata niya.
“’Wag kang kabahan, kaya natin ‘to. Beside, it’s a mastectomy. Madali lang naman.”
Nakahinga naman ako ng maluwag. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Dahil last year niya na sa pagiging resident doctor ay marami na siyang alam, gumagawa na siya ng case study niya.
Pagkatapos naming magbihis ay nagmadali na kaming lumabas, “All you need to do is to be calm,” he said. Tumango ako sa kaniya. Mabait naman pala siya. Minsan nakakasama ko siya sa conference pero hindi talaga kami nag-uusap ng maayo maliban kapag kailangan ng interaction.
“Ready na ba ang patient?” he asked seriously.
“Yes, Doc,” sagot ni Nurse John. Siya ang magiging anesthesiologist. We are 6 in this operation. Dalawang nurse at isang may hawak ng camera sa operation na ‘to. Lahat ng operation ay naka record.
Pagkatapos kong magsuot ng mask ay sinuotan kami ng surgical gown. It’s a colored blue gown that helps maintains a sterile surgical field essential for protecting the patient from infection. Naghugas kaming dalawa ng kamay ng kamay gamit ang hibiciens soap. Hindi lang ito ordinaryong sabon, it’s a liquid antiseptic and antimicrobacterial skin cleanser used by professionals before surgical procedures.
After scrubbing, we keep our hands above our waist and below neckline. Hindi siya puweding ibaba o ihawak pa sa kahit anong bagay dahil magiging kontaminado na ‘yon.
“Calm down, Doc. This is an easy task,” he reminded me.
“Yes, Doc,” I answered.
Bago pa kami nakapasok ay lumabas si Doc Zamora mula sa monitor room. Makikita niya do’n ang ginagawa namin sa operation. Natigilan ako at tumingin kay Doc Miller. Akala ko ba wala siya?
“I just want you to know that, I am just inside watching you. Inaasahan ko kayo dito,” seryoso niyang sambit. Nakasuot siya sa ng lab gown habang nakapamulsa. Bahagya siyang ngumiti sa ‘min. Nabuhayana ako ng loob.
“Yes, Doc!” sabay naming sambit. Nagkatinginan kaming dalawa sabay tawa.
Automatic na bumukas ang pinto pagpasok namin. Narinig ko kaagad ang pagtunog ng pulse monitor. Naka-ready na ang lahat. Nasa tabi ako ni Doc Miller. Nasa paanan naman si Nurse Joy. Nasa unahan si Nurse John.
“Blood pressure?” Dr. Milller asked.
“Normal,”
“Okay, let’s start,” sabi niya. Nagtanguan kaming lahat. Kailangan ‘yan para alam ng lahat. Huminga ako ng malalim. Nakabukas na ang kanang dibdib ng babae. Meron siyang breast cancer kaya kailangan siyang operahan. Hindi pa siya gano’n kalala kaya partial mastectomy ang gagawing surgery.
Breast tissue ang kukunin na nakapaligid sa breast cancer.
BINABASA MO ANG
DS #4: Our Bloody Life
Roman d'amourSeries #4 Pritzy Delos Santos is soon to be general surgeon. She loves curing everyone's disease. Lahat ng tao ay gusto siya dahil sa pagiging mabait at matulungin nito sa mga taong nangangailangan. Sa pagtatagpo nila ng isang lalaking tadtad ng ta...