Pri's POV
Lumabas ako sa bahay dala ang mga gamit ko. I am wearing a green clothes, my uniform. Nakaayos na rin ang buhok ko. Balak ko sanang dumaan sa unit ni Cholo pero hindi ko alam kung nandito pa ba siya? Baka kasi nasa trabaho. Pero bago pa ako pumindot sa door bell niya ay bumukas na ang pintuan. Bahagya akong napaatras. Napatingin ako suot niyang kulay puting long sleeves na may polo na logo. Nakaayos ang buhok at maaliwalas ang mukha.
"May lakad ka?" tanong ko sa kaniya.
Inayos niya ang kuwelyo niya bago tumingin sa 'kin, "Oo, aalis ka na? Idadaan na lang kita sa hospital," sambit niya. My lips curved. Totoo ba 'tong naririnig ko? Si Cholo nagpresintang idaan ako?
I crossed my arms, "Hindi na, wala akong sasakyan pauwi mamayang gabi. Hanggang hating-gabi pa ako," sagot ko. Mago- overtime ako kasi dumadami daw ang mga pasyenteng kailangang operahan. Hindi kinakaya ng ibang nurses at doctor ang sobrang dami ng surgeries. Marami kasi kaming senior. Kapag matanda na mas madami ang kanilang kaalaman at gano'n rin ang pagod nila.
Napansin ko ang pagkataranta sa mukha niya, "Tamang-tama! Gabi na rin akong matatapos mamaya, may kailangan kasi akong tapusin, e," tugon niya sa 'kin. My forehead creased. Ang seryoso ng mukha niya. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ako ng isang pilit na ngiti. Puwedi rin siguro 'yon, mapapagod ako ng husto mamaya. Gusto ko rin 'yong feeling na sinusundo mula sa trabaho. I pressed my lips together.
"Ano ba kasi ang gagawin mo? Magpapabaril ka na naman?" bulyaw ko. Napakadelikado ng trabaho niya. Hindi ba siya nadadala?
Napatakip siya ng bibig at malakas na umubo. Nataranta naman akong naglakad sa tabi niya, I touched his back softly. Napangiwi ako sa naging sagot niya, "Do you think I am that weak? Of course I will not! Ilang bala na ang pumasok sa katawan ko 'no! Ang swerte naman nila," parang hindi lang siya umubo at mas inuna pang ayusin ang polo niya kaysa uminom ng tubig. Ang lalaki talagang 'to.
"At ang malas mo!" pabalang kong tugon saka umalis sa harapan niya. Lagi na lang may sugat na dala.
"Uy, Delos Santos! Teka!" sigaw niya habang tinuturo ako. Ngumisi lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Humabol siya sa likuran ko na parang hindi nanggaling sa takbo. Magkatabi kaming dalawa sa loob ng elevator na madaming sakay. Pagdating sa ibang floor ay unti-unting napupuno. Gano'n lang din ang siksik ko sa katabi kong si Cholo.
I sighed heavily, parang gusto ko na lang na bumaba. Pati paghinga ng katabi ko ay naririnig ko na. Napansin ata ni Cholo ang pagkainis ko dahil sa sikip.
"Are you okay?" he asked, whispering. I slowly nodded my head, hindi naman talaga. Ang malamig na elevator ay tila naging bulkan sa init. Ang mabilis na galaw nito ay parang naging pagong ang usad. Naramdaman ko ang paggalaw niya kaya nagtaka ako. Nagawa niya pang gumalaw sa lagay na 'yan ah? Dahil siya ata ang pinakamatangkad dito sa loob ng elevator ay nakita ko sa reflectiona ang mukha niya. He was holding his phone, nakatapat ito sa tenga niya. Wala naman akong narinig na tumawag. Baka may tatawagan.
"Hello, yes? May papatayin? Saan?" tanong niya. Magkasabay kaming lahat na lumingon sa kaniya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Napaiwas din agad ang iba ng tingin ng bigla niyang patunugin ang leeg niya at mga braso niya, "Talaga? Sige, padalhan mo na lang ako ng baril. Oo, dito sa condo ko. Ora mismo." Malakas siyang tumawa, para itong kulob na dumadagongdong sa bawat sulok ng silid na ito.
Napapikit ako habang sinisiko siya, "Ano ba ang pinagsasabi mo? Pinagtitinginan ka nila," I whispered. Napatakip ako ng mukha dahil sa hiya.
"Mapagpraktisan nga 'yan mamaya, madaming tao dito 'no," sambit niya pa. Hindi ako kinakabahan dahil wala akong naririnig na kausap sa phone. Pagtunog ng elevator ay bumukas ito. Nasa 10th floor pa lamang kami ng magsibabaan silang lahat. My eyes widened. Nalaglag ang panga ko. Ang tulin nang lakad nilang lahat.
BINABASA MO ANG
DS #4: Our Bloody Life
RomanceSeries #4 Pritzy Delos Santos is soon to be general surgeon. She loves curing everyone's disease. Lahat ng tao ay gusto siya dahil sa pagiging mabait at matulungin nito sa mga taong nangangailangan. Sa pagtatagpo nila ng isang lalaking tadtad ng ta...