Cholo's POV
Pagkatapos makatanggap ng tawag mula kay Pri ay nagmadali akong umalis mula sa urgent meeting. I heard her cried. My jaw gripped. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung meron mang mangyari sa kaniya.
"F*ck! Ngayon pa talaga nag-traffic!" sigaw ko at madiin na pinindot ang busina, "Bwes*t!" napayuko ako sa manibela. She is not answering my call, I already called Rio and Tom to check on her pero wala pa ring tawag mula sa kanila.
I gripped the steering wheel tightly. Malapit ng maputol ang hawakan. I gritted my teeth.
Napatingala ako at ginulo ang buhok ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili pero patuloy pa rin akong nangangamba.
Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa gitna ng traffic pero pagdating ko sa condo ay hinihingal ako. I closed my hand into a tight ball, nakakunot ang noo ko at nandidilim ang paningin. I saw Tom and Rio outside her house.
"Bro, pinalabas niya kami. She's safe, she's inside her room," sabi ni Tom. Nakasandal silang dalawa.
Biglang lumapit sa 'kin si Rio. Umiiling siya. Tinapik niya ang balikat ko.
"Thanks, man. You still need to secure her, okay?"
I hold the doorknob and opened it. Huminga ako ng malalim saka pumasok. Niluwagan ko ang suot kong necktie saka hinubad ang coat ko. Nakakaramdam ako ng iba sa loob ko. Parang ang bigat. Tinapon ko sa couch ang coat ko.
"Baby! I'm home!" sigaw ko. Nang hindi siya sumagot ay doon na ako ginapangan ng kaba. I looked at my wrist watch. Hindi ba dapat nasa trabaho na siya? Nagkaroon ba siya ng sakit?
My eyes widened. Tumakbo ako papasok ng kwarto niya. I didn't knock the door. I saw her sitting in the floor. Nakayuko siya sa ibabaw ng tuhod niya. Hindi man lang siya nakapagbihis.
"Baby, may problema ba? May masakit ba sa 'yo? Masama ba ang pakiramdam mo?" sunod-sunod kong tanong. I stepped forward to get her but she spoken.
"Stop, don't come near me, Cholo," she said. Sa sobrang lamig ng boses niya ay lumamig din ang buong katawan ko. Parang nawala ang dugo sa buong mukha ko dahil sa pamumutla.
"W-Why?" I tried to laugh faked, "Are you having your menstruation? Do I have to boiled water for you?" I stepped forward again.
"I SAID STOP!" umalingawngaw ang boses niya sa buong kwarto. Nanindig ang balahibo sa batok ko. Malakas na kumabog ang dibdib ko. This is what I am afraid of.
"For your hot compress," pinagpatuloy ko ang sasabihin pero sa mahinang boses, "Baby, what's the matter? Are you al---,"
"Why are you killing people?" she asked cold as ice.
I can feel the lump in my throat. Parang biglang bumalik ang bato na tinapon ko. I closed my hands and form into circle. Lumalabas ang mga ugat ko sa kamay.
I looked down.
"Why? Why did you ask?" I asked back. Nawala ang sigla sa boses ko. She looked at me with her reddish eyes. I know that she cried. Kahit konting iyak lang namamaga na ang mga mata niya, pero ibang-iba ngayon. Ang lamig ng mga titig niya.
Napalunok ako. Mapakla siyang tumawa. Sinabunutan niya ang sariling buhok at sumigaw kasabay no'n ang kung anong tinapon niya. Nagsanhi ito ng pagkabasag ng telebisyon sa likuran ko. Napapikit ako dahil sa gulat.
BINABASA MO ANG
DS #4: Our Bloody Life
RomanceSeries #4 Pritzy Delos Santos is soon to be general surgeon. She loves curing everyone's disease. Lahat ng tao ay gusto siya dahil sa pagiging mabait at matulungin nito sa mga taong nangangailangan. Sa pagtatagpo nila ng isang lalaking tadtad ng ta...