Kabanata 26

1.1K 31 4
                                    

I sneaked inside Theodor's car. Nagtago ako sa likuran ng drivers seat para hindi niya mapansin. I heard him coming, hindi ko alam na ganito pala siya kaaga umuwi, ibig sabihin lang no'n ay inuumaga na siya kakanakaw ng pera sa kompanya na pinaghirapan ni daddy.

I gripped the small knife that I am with always.

"Thank you, thank you. Wala naman atang papatay sa 'kin dito," pagbibiro niya. I smirked mockingly.

"I'm just here waiting for you," I whispered.

The car's door opened, "Sige na. Puwedi na kayong bumalik," sabi niya habang tumatawa. Ang tapang-tapang mo noon tapos ngayon takot ka? Nagawa mo pa talagang magpahatid ah?

Biglang tumunog ang phone niya. Tahimik lang akong nagtatago. Hw answered the call.

"Hello, pauwi na. Mukhang wala naman siya dito," sagot niya. He buckled his seatbelt, "Tinatakot lang tayo no'n," malakas siyang tumawa. Halos marindi ang tenga ko. Bawat sulok ng kotse ay napupuno, "Maybe one of our competitor."

He turned on the engine of his car.

"Alright, I'll call you when I saw him."

Pinatay na niya ang tawag at nag-drive paalis sa building. He's humming a song that I don't know. When we finally get over it ay doon na ako gumalaw. Hinawakan ko ang leeg niya habang nagda-drive.

"What the f*ck?!" sigaw niya. Muntikan na siyang mabangga sa railing ng tulay. Sobrang bilis ng paghinga niya base sa pagtaas at baba ng dibdib niya. Coward!

Nakatusok sa leeg niya ang hawak kong kutsilyo. Isang galaw lang ay tatanim ito sa leeg niya.

"Who are you? Bakit mo ginagawa 'to?" tanong niya sa 'kin. Nanginginig ang mga braso niya habang nagda-drive.

"Lumiko ka," utos ko. Hindi niya sinunod ang sinabi ko kaya nasugatan ang leeg niya, "Sabi ko, lumiko ka!" may diin kong bulong. Napakuyom ang bagang ko.

"O-Oo, ito na!" natataranta niyang sigaw. Binaba ko ang sumbrero ko para hindi niya mamukhaan.

Iniliko niya ang kotse sa sumunod na kanto. Napangisi ako.

"Magaling na ba siya si Enerciso?" tanong ko sa kaniya, "Kaliwa!"

"N-Nagtatrabaho na siya. B-Bakit mo ba ginagawa 'to? Sa anong dahilan?" nauutal niyang tanong. My lips pursed. He tried to sneak from me, picking up his phone inside his pocket. Hindi ako nag atubiling saksakin ang phone na nasa bulsa niya, "Ah! Anong ginawa mo?! Sinira mo ang phone ko!" malakas niyang sigaw.

Nilapit ko ang bibig sa kaniyang tenga, "Sa anong dahilan? Bakit sino ba ang trinaydor niyo? Sino ba ang pinapatay niyo para lang sa pera?" tanong ko sa kaniya. Humigpit ang pagkakaipit ko sa leeg niya kaya muntikan na niyang mabangga ang motor. Habol-habol ang hininga niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Pinapatay?" maang-maangan niyang tanong, "Wala akong pinapatay na tao! Sino ka ba?!" angil niya. His brows knitted pero ando'n pa rin ang takot sa mukha niya.

"Si kamatayan...ako ang dadala ng kaluluwa mo sa impyerno kung hindi mo sasabihin sa 'kin kung bakit mo pinapatay ang mag-ari ng kompanyang inangkin mo," matigas kong sambit.

"'Wag please...may mga anak ako!" pagmamakaawa niya.

Dahil pagod na ako kakahawak sa leeg niya at binitawan ko siya. Para naman siyang binunutan ng patalim sa puso niya. Umasa naman siya. Pinatunog ko ang armas na dala ko at itinutok sa kaniya. I pouted my lips.

"May anak din naman sila, bakit pinatos mo?" pabalik kong ani. Napamulsa ako, "Huminto ka pagdating sa pampang. Doon kita ihuhulog at isusunod ko ang pamilya mo," pagbabanta ko sa kaniya. Napasilip siya sa rearview mirror kaya pinasabog ko ito.

DS #4: Our Bloody Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon