Kabanata 5

1.5K 39 5
                                    

Ilang araw akong hindi nakauwi sa unit. Lagi kong binabasa ang binigay sa ‘kin ni Doc Zam na cases. Hindi ko alam na gumawa pala siya nito. These are the different ways on how to operate. Hindi siya gano’n kadali pero ito ‘yong magagamit mo kapag emergency. Dr. Kenneth Zamora is one of the best doctor here in the country pero minsan may pagkasuplado siya kaya siguro akala ng iba hambog siya.

Lumabas ako ng quarters matapos makatanggap ng text mula sa ER. Nasa loob ng bulsa ko ang kamay ko, pilit kong pinapakalma ang sarili. Walang akong magagawa kung matataranta ako. Pagdating ko doon ay agad kong nakita ang pamilyar na lalaki na nakaupo sa isang hospital bed. Hawak niya ang braso niya at meron ding sugat sa kabila nito.

“Sir, kailangang niyo pong magamot! Madami pong lumalabas na dugo sa braso niyo,” pakiusap ni Nurse Lee sa kaniya. Tumungo ako sa kanila para makasigurado. Parang nabunutan ng tinik si Nurse Lee ng makita ako. Napakagat siya ng labi.

“Doc D,” sambit niya. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. He is wearing a army green shirt paired with his faded pants.

Nagkatinginan kaming dalawa, “Hmmm? Anong silbi ng pagpunta mo dito kung ayaw mo naman palang magpaggamot?” tanong ko sa kaniya. Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa kamay niyang umaapaw ang dugo, “Kapag nagpatuloy ‘yan, mamatay ka ng tuluyan,” pagbabanta ko. Nakatingin lang siya sa ‘kin. Parang bawat salita ko ay tinitingnan niya ang buka ng bibig ko. Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niyang nasa braso niyang may sugat.

“Ayaw mo talaga?” naiinis kong tanong. I heard him took a deep breathe. He looked away, sumilay ang mga ngiti sa labi ko ng unti-unti niyang binaba ang kamay niya.

“I was looking for you, hindi ka umuwi?” he asked. Lumubo ang mukha ko sa gulat, “Ayaw ko na sanang pumunta pa dito but you are not there, Delos Santos,” sambit niya. Napangiwi ako ng makitang nakanganga ang sugat niya. Malalim ito at parang gawa ng kutsilyo o ano mang matalas na bagay.

“Nurse Lee, cotton balls please and hot water,” I said, looking at his wound intently, “So, hinanap mo ako sa condo?” tanong ko. Nilinisan ko ang buong braso niya dahil sa dugo. Tumango siya bilang tugon, palihim naman akong ngumiti.

“I looked for you because you are a doctor. Don’t think other way around,” depensa niyang sagot. My smiled become rolling eyes. Panira ng moment.

“Wala naman akong sinabi.” Sumimangot ako, “Tumigil naman na ang pagdurugo. Malalim ang sugat mo pero parang hindi ka naman nakakaramdam ng sakit,” tugon ko, “I’ll staple this after giving you the anesthesia.” Doon ko napagtanto na meron pala siyang mga peklat sa braso, natatago lang ito sa kaniyang tattoo but when you look nearer you will see it clearly.

“Okay.”

“Lagi ka bang nasusugatan? We’ll give you anti- tethanos, ha?”

“Alright.”

Kinuha ko ang kabilang kamay niya para linisan ang kaniyang sugat. Merong isa sa siko at kamay. Hindi naman gano’n kalaki kaya nilagyan ko ng gauze.

“Saan magbabayad after this? Para makauwi na ako,” sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Hindi pa nga tapos pagbabayad na kaagad ang iniisip ko,” sambit ko. My brows knitted.

“Sir, itutusok ko na ah?” sabi ni Nurse Lee. Tumango lang siya bilang tugon. Kahit kailan ang suplado nito.

Pagkatapos siyang maturukan ay naghintay kami ng ilang minuto bago tumalab. I asked him if nakakaramdam pa ba siya, sabi niya parang wala namang nagbago. Nalaglag ang balikat ko, “Kailangan pa ata natin ng dagdag na dose,” sabi ko kay nurse.

DS #4: Our Bloody Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon