Kabanata 22

1.1K 39 5
                                    

Nakatulog ako sa sobrang pag-iisip at pagpa-practice sa bahay kanina. After buying food for us ay dumeretso na ako sa hospital. I got vegetables for us, the healthier.

Pagdating ko ay naghintay ako sa labas ng kotse. Nakasandal ako at naka-ekis ang mga paa. I called her. I looked at the emergency room, diyan kasi siya lumalabas. Her phone is ringing. Kumunot ang noo ko. I don't know why she's not responding. Tumawag ulit ako but this time meron nang sumagot.

"Hi, sinagot ko ang phone ni Doc D. Nagra-rounds pa siya," sabi ng tinig ng lalaki. Humigpit ang hawak ko sa phone. Tumiim ang bagang ko.

"You should not answer someone else phone!" matigas kong sambit. I know his voice. Siya ang doctor na minsan ay kasama ni Pri. Nagsimulang humakbang ang mga paa ko, kasing bigat ng bagal ang bawat hakbang.

"Baka kasi importante. Why are you calling anyway?" he asked. Parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko. Kumuyom ang kamao ko.

"Ibaba mo ang phone niya." Malamig kong sambit. Mahina siyang tumawa, he's playing around, huh? The guard let me in. Kilala na niya ako kaya hindi niya na dapat pang tanungin. Maybe he's at the quarters. How can they be in the same quarters?

"Why would I?" natatawa niyang tanong. Kumunot ang noo ko. Nadaanan ko ang ibang pasyente at nurses sa station. Nagawa mo pa akong ganiyanin, ah?

I gritted my teeth. Ang laki ng hakbang na ginagawa ko para lang maabutan siya kung nasaan man siya.

"Put down my girlfriend's phone, doc," I said angrily. When I finally holding the door knob, I heard my baby's voice calling me. Napalingon ako sa kanan ko. I saw her running while looking at me excitedly. She looked so beautiful wearing her lab coat. Binitawan ko ang pintuan at sinalubong siya. Sakto naman ang pagbaba ng lalaking 'yon sa phone ni Pri. I opened my arms to hug her.

She giggled, "Andito kana pala. I just done rounding," she said, "Puwedi naman na hintayin mo na lang ako sa labas," dagdag pa niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. I pouted my lips.

"Someone was touching your phone," sumbong ko. Sakto naman ang pagbukas ng pintuan. I saw that doc, I don't remember his name. He fixed his hair and let out a playful smile.

"Who?"

"The doctor," mabilis kong sagot.

"Ah, magkasama kasi kaming nagbasa ng cases. Naiwan siya sa loob." I darted my sight at him. Kumaway lang siya bago umalis. Nagsimula na namang uminit ang ulo ko.

I groaned and hold her hand, "He's touching your things, baby! Bring your things with you. Baka kung ano-ano pa ang ginagawa niya habang wala ka."

"Hayaan mo na. Kukunin ko na muna," sabi niya. I waited for her outside. Pagbalik niya ay dala-dala na niya ang phone niya. I picked up my sanitizer. Kinuha ko ang phone niya at inis-sprayan ito, "Cholo!" angil niya. Her jaw dropped. I dried it in my shirt.

"Naiwan kasi ang bacteria niya."

Sa kotse na naman kami kumain, palagi. Napansin kong nakalugay ang buhok niya. Tumayo ako at kumuha ng rubber sa dashboard ng kotse ko.

"Saan ka pupunta? Ang pagkain mo," tanong niya sa 'kin. Lumabas ako sa kotse at umikot sa kabila. Ngumunguya pa ako ng pagkain. I opened the door in her side. Umupo ako sa likuran niya.

"Why didn't you tie your hair?" I asked. Inipon ko ang buong buhok niya sa palad ko. I tied it using the rubber.

"Thanks, Cholo. Nasira ang pantali ko kanina," sagot niya. I sighed. Hinalikan ko siya sa balikat bago bumalik sa kabila.

"Binilhan kit diyan, andiyan lang sa dashboard nakakalat," sagot ko. Nginitian niya lang ako. Napangiti na lang din ako.

"Ang bilis ata matapos ang trabaho mo," aniya.

DS #4: Our Bloody Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon