Totoo nga na magkapitbahay kaming dalawa. His unit is beside mine. Akalain niyo ‘yon. Tanghali na ang shift ko kaya pagkagising ko ay nagbihis kaagad ako para magtungo sa gym. Merong gym sa last floor nitong building, hindi naman ako lagi do’n dahil nga busy ako minsan sa hospital o ‘di kaya ay doon ako natutulog kapag sobrang aga ng shift ko.
Dala ang gym bag ko ay lumabas ako sa unit na nakasuo lang ng hanging croptop sleeveless top. Lumalabas ang sports bra ko na nasa loob. paired with my cycling shorts. Ganito ang usual attire ko kapag maggi-gym.
Pagdating ko ng gym ay hindi gano’n karami ang tao. It’s 6 AM, siguro tulog pa ang iba.
“Doc!” bati ni Freddie sa ‘kin. He is one of my mate here. Lagi siya dito. Tumango ako sa kaniya, “Wala kang trabaho?” tanong niya. Dumeretso ako sa locker at nakabuntot naman siya.
“Meron pero mamaya pa,” sagot ko. Meron akong nakitang lalaking nakatayo sa unahan namin pero hindi ko na lang pinansin. Binuksan ko ang locker at pinasok ang gamit ko, “Kanina ka pa?” sumandal siya sa gilid ko habang naka-ekis ang mga kamay.
“Hindi naman, kakarating ko lang din. Nag-treadmill lang sandali para pagpawisan,” tugon niya habang nakatungo. Umatras ako ng konti at hinubad ang damit ko, naiwan ang sports bra sa pang-itaas ko. Sanay naman na ‘yan sa ‘kin.
“Tara na, treadmill muna ako para pagpawisan din,” sambit ko. Ngumisi ako sa kaniya. Ginulo niya ang buhok ko sabay akbay ng isang braso niya sa balikat ko. Freddie is one of my closest boys. Matagal na kaming nagkakilala nito magmula ng dito ako tumira. He is a businessman.
Hindi maiwasan ng iba na tumingin sa ‘min, sanay naman na ako diyan dahil maliban sa madaming nagkakagusto sa kaniyang babae ay lagi kami nilang nakikitang ganito. Habang tumatakbo ng paulit-ulit ay nagpupunas ako ng pawis. Hindi ko napansin na meron na palang gumagamit ng kabilang mill.
I thought it was Freddie pero nakita ko siyang nasa barbel pa rin. I glanced a bit hanggang sa tuluyan kong nasilayana ang mukha niya. Unti-unting lumiwanag ang mukha ko, “Neighbor!” I exclaimed. Muntikan ng mapunit ang mukha ko sa kakangiti. Hindi niya ako pinansin. He is wearing a army green sando. Ngayon kitang-kita mismo ng dalawang mga mata ko kung hanggang saan ang tatto niya.“Hanggang private parts mo ba ‘yan?” walang pigil kong tanong sa kaniya. Habol ang hininga kong maiging tinitigan ang mga ito.
He glanced at me with his knitted brows. He glared at me, “What are you talking about?” he asked using his husky voice.
“’Yong tattoo mo kako, hanggang private parts mo ba? Hanggang diyan, o,” pag-uulit ko. Ngumuso ako sa gitnang bahagi ng katawa niya. Pagtingin ko sa kaniya ay namumula ang mukha niya. Tinigil niya ang makina kaya gano’n din ang ginawa ko. I wipe off my sweats. His jaw clenched kaya nagtaka ako, “Okay ka lang ba?”
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya bago nilisan ang treadmill. Wala akong nakuhang ano mang sagot kaya sinundan ko siya. Narinig ko ang pagtawag ni Freddie sa ‘kin pero nagbingi-bingihan ako.
“Hey, neighbor! Tapos ka na?”
Hindi pa rin siya kumibo. Hanggang sa pagpasok namin sa locker ay mistulang yelo siya. Napanguso ako habang nanatili sa bungad ng kwarto at iniisip kung bakit siya nagalit bigla. Though lagi namang ganiyan ang trato niya.
“Why are you following me?” he asked, his gaze darted at me. I held my chest, nasa malalim ako ng pag-iisip ng dahilan kung bakit. Biglang pumasok sa isip ko ang pamumula ng mukha niya kanina.
I pouted my lips, “Galit ka ba dahil tinanong ko ang tattoo mo o nagalit ka dahil tinuro ko ang penis mo?” burglar kong tanong. Sinukat ko siya gamit ang tingin ko. Napaawang ang mga labi niya kaya nagkibit-balikat na lang ako.
BINABASA MO ANG
DS #4: Our Bloody Life
RomanceSeries #4 Pritzy Delos Santos is soon to be general surgeon. She loves curing everyone's disease. Lahat ng tao ay gusto siya dahil sa pagiging mabait at matulungin nito sa mga taong nangangailangan. Sa pagtatagpo nila ng isang lalaking tadtad ng ta...