CHAPTER 24
Crest Colton Hunt
"You know, she doens't really like you." Napatigil ako sa pagbungkal ng lupa at napa-angat ng tingin sa babaeng nagsalita.
Adamaris was standing not so far beside me. May hawak siyang halaman na nasisiguro kong galing sa guro namin. Our activity for today is tree planting.
"Ano yon?" Tanong ko habang nakatingala sa kanya. Other kids was laughing and playing.
Adamaris keeps looking away. She looks... irritated. Annoyed.
"I said she doesn't really like you."
Mataray niyang sabi. Kumunot ang noo ko.
"Who?" Marahas siyang bumaling na halos magpa-atras sakin. Parang nauubos ang pasensya niya sakin sa hindi malamang dahilan.
"Farah." Natigilan ako.
Unti unti akong tumayo.
"She just likes how you look, and because you are smart, Crest. Nothing else."
Kinuha ko sa kanya ang halamang hawak niya. She's my partner. I look around and saw Antreas together with another girl and they are laughing. Napangiti ako. Masaya siya dahil crush niya iyong kapartner niya.
"Isn't that the reason why you'd like someone?" Dahan dahan kong sabi at bumalik ulit sa pangbungkal ng lupa pagkalapag ko ng halaman.
"Well, I know she doens't like you for who you are. She just likes your appearance."
Napangiti ako ng konti.
"Okay." Tahimik kong sabi.
Nagulat ako ng biglaan siyang umupo kagaya ng upo ko.
"So you like her? She doesn't even know about your secret!" Frustated niyang sabi.
Sumulyap ako saglit sa kanya habang patuloy lang ako sa pagtanim ng halaman.
"What are you talking about?"
"So you'd tell her your secret?"
Lumingon ako sa kanya. She's really focus on me. Nakakunot ang noo sa akin. Her hands are on her knee.
"Why would I? It's... our secret." I said.
Natahimik siya. Nakatingin lang ako sa kanya.
"You don't like her, then?"
Saglit muna akong hindi sumagot.
"No...I don't"
"You won't like her?"
Umiling ako sa kanya. I saw relief on her. Bumalik ulit ang mataray na tingin niya sakin.
"You better not tell anyone about your secret, especially girls. Because its OUR secret."
Pinanlakihan niya pa ako ng mata.
"But... if you want to tell someone, you should tell me first so I can decide if you can tell them."
"So, If I want to tell someone my secret, I should ask you first?" Ulit ko.
Hindi siya makatingin. Hindi rin siya sumagot. Para bang narealize niyang mali siya ng sinabi.
"I promise, then."
Mabilis siyang napatingin.
Ngumiti ako sa kanya. Tumango siya at lumingon na lang sa halaman.
"I should be helping you, but you already did it. "
"It's fine, I know you know how to do it."
Nang tumayo siya ay nakita ko ang dumi sa damit niya. We are wearing our P.E shirt. Lumapit ako at tinuro ang dumi na yon. Mukhang nakuha niya yon sa halaman na hawak niya kanina.
"Oh no..." Nang iaangat niya ang braso niya para tingnan ang dumi ay nakitang kong meron rin sa mga braso niya.
Lumapit na ako para pagpagan iyon. Pinagpagan ko ang damit niya at braso niya.
"You should wash your hands." sabi ko.
Tumango siya. "After na lang natin magdilig." Bulong niya.
Napatingin ako sa kanya. Hindi siya makatingin sa aakin.
"Ako na lang maglalagay ng water!" Aniya.
Pupunta na dapat siya sa mga lalagyan ng watering can pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.
"Ako na, mabigat yon."
Lumapit ako at ako na ang naglagay ng tubig. Nakasunod lang siya sa akin habang ginagawa yon.
Didiligan ko na sana ang halaman ng magsalita siya.
"Anong gagawin ko? We should be partners. I should be doing something." Napatingin ako sa kanya.
She look worried. Nakakanunot ang noo at nakanguso.
Binalik ko ang tingin ko sa halaman. Parang biglang uminit ang pakiramdam ko.
"You just... stay... there."
Where I can see you.