8

48 0 0
                                    

CHAPTER 8

With me

Nang matapos ang klase ay nagulat ako ng hinila nanaman ako ni Angeline. Pumasok kami sa CR.

"OMYGOD!!!" Napapapikit naman ako sa sigaw niya.

"What's up with you?" Tanong ko habang naghuhugas ng kamay.

"What's up with me? What's up with you!? Hindi mo sinabi saking close na kayo ni Crest!" Nanlaki ang mata ko at lumapit sa mga cubicle para tingnan kung may tao.

Nakahinga ako ng maluwag. Buti at kami lang nandito. Baka may magsumbong kay Antreas.

"Narinig ko ang usapan niyo kanina. OMG!"

Umiling na lang ako sa kanya.

"So kailan sila maglalaro? I know that he texted you! Kinuha niya sakin ang number mo. I forgot to tell you."

Napaharap ako sa kanya.

"What? Kinuha niya sayo number ko? When?" Nakakunot noo kong tanong.

"Yung hinahanap ka niya sakin at pumunta ka ng Cagan St. Whatever. Kinuha niya yung number para tawagan ka. But I think, out of reach kasi inis na inis siya. My goodness, may maganda palang kinalabasan ang pagpunta mo sa lugar na yon at ngayon ay close na kayo!"

Ngumiti ako. Yeah i think it's a good thing. After that incident kala ko ay magiging malamig pa rin siya sakin. Kaya medyo nagulat ako ng normal siyang nakipag-usap sakin.

Sinabi kong may laro sila ngayon kaya niyaya ko na siyang pumunta ng gym.

Pagpasok ko ay konti lang ang mga tao. Mukhang hindi nila pinagkalat na may ganito.

Nasa pinto palang kami ay napatingin na si Crest samin. Tipid akong ngumiti. Hinila na ako ni Angeline sa mga bench. Bumaba pa kami para mas makita namin. Ang itsura kasi ng gym na ito ay parang sa Arena, maliit nga lang. Ang mga upuan ay pababa pero gawa sa bato. Maliit lang ang court na ito, dahil hindi naman talaga ito ang official na gym ng school. Nasa likod ito ng school, kaya open space.

Nagsimula na ang game. Napapatas na lang ang kilay ko kapag nakakashoot siya. Hmm. Magaling nga. He has the moves. Mabilis siya at magaling sa footwork.

Puro apir ang inaabot niya s mga kakampi niya. It's like he's the scorer of their team.

Maya maya ay nagpaalam na si Angeline na aalis dahil pinapauwi siya ng mommy niya. Tumango ako at nagpa-iwan. Nag-aalinlangan pa siyang iwan ako, pero sabi ko ay okay lang. Pag natapos na ang game ay uuwi na ako.

Pagkaalis ni Angeline ay siyang lapit sakin ni Crest. Nagulat pa ako ng dala na niya ang bag niya.

"Antreas is here." Nanlaki ang mata ko at tumayo.

"W-wha--"

"Let's go." Hinawakan niya ako sa braso at hinila.

Tumigil kami sa likod ng mga bench.

Sumisilip ako sa court para hanapin si Antreas.

Mukhang hindi niya ako napansin dahil nakikipagtawanan pa siya sa ibang kakilala.

Napatingin din ako sa mga kalaro ni Crest na patuloy pa rin na naglalaro.

"What about you game?" Napatingin ako saglit sa kanya. Ngunit napatingin ulit ako ng napansing nakatingin lang siya sakin at nakahalukipkip habang nakasandal ang kanang braso niiya sa pader.

Para bang kanina niya pa ako pinagmamasdan.

"It's okay. I told them I need to go."

Napatungo ako. Napabuntong hininga.

Crest (Completed)Where stories live. Discover now