CHAPTER TWENTY
Lone
Clea and I, with our curious minds. Maaga naming natuklasan ang makamundong pagnanasa. We first did it when we were in highschool. Hanggang sa nasundan na nang nasundan. We were each other's first. We talked about her possible pregnancy and we both decided we are not ready for it. Nang tumuntong siya ng highschool, she tried to ask her parents for a condo. A birthday gift. She was shocked when she was granted that. Imagine she was just a highschool student! A minor at that! But her parents trust her so much, she was running for an honor. She was really smart. At takot ang mga magulang niya na baka pag hindi siya pinayagan sa mga bagay na gusto niya at napagdesisyonan ay mag rebelde siya. It was good, because her condo was our hangout place and of course, my room.
Crest and I fell out hard and in result, Clea, became cold to me. Hindi ko iyon napansin nung una dahil nakatuon ang atensyon sa kapatid ko. But after what I did she called me to talk.
"Clea..." Yakap ko sa kanya ng magkita kami.
Sa higpit ng yakap ko ay hindi siya yumakap sakin pabalik.
Hinawakan ko siya pisngi. "What's wrong?" She doesn't answer my calls and text.
"How could you do that to Crest, Antreas?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Dahan dahan akong napabitaw ako sa kanya, habang siya ay diretso lamang ang tingin sa akin.
Lumunok ako at umiwas ng tingin. Alam kong malupit ang naging desisyon. Na kahit ang magulang ko ay walang magawa.
"It's what's right, Clea..."
"What's right? He's not just someone, Antreas! He's your bestfriend! How could you do this?"
Hindi ako makatingin sa kanya. Sobrang sakit. At sobrang bigat sa pakiramdam ng nagawa ko.
"I did it for my sister! You think this is easy for me?! I had to choose! It's him or my sister! And you know, that I will never leave my sister behind!" Sigaw ko sa kanya.
Bakit... hindi nila maintindihan?
Hindi to ganon kadali para sakin! Pero buhay ng kapatid ko ang pwedeng mawala. Crest is dangerous for her!
Sa panandaliang katahimikan ay nagsalita si Clea.
"Antreas..."
"...I'm breaking up with you." Malamig niyang tugon.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ako makagalaw.
Her voice echoed in my mind.
What... what did she say?
Umiling ako at humakbang palapit sa kanya. Inabot ko siya pero iniwas niya ang kamay niya.
"Clea... don't..."
Tumulo ang luha ko dahil nararamdaman ko na. Nararamdaman ko na ang unti unting paglayo ng loob niya. I know her.
"Don't do this..." Sa gitna ng lamig at titig niya ay nakita ko ang kumawalang luha sa kanyang mata na mabilis niyang pinalis.
"Don't do this, please..." Lumapit na ako ng tuluyan at pinilit siyang yakapin.
"Stop." She said as she pulled away. Pero hindi ko siya binitawan.
"Clea, please! Mag-usap tayo! Pag-usapan natin to!"
"Ayoko na, Antreas." Hawak ko siya sa kanyang balikat.
"No, no, no! Bakit!? Anong nangyari!? Bakit mo ginagawa to!!?"