CHAPTER THREE
You're welcome
"I'm so glad you're alive!" Yumakap si Angeline sakin pagpasok na pagpasok ko.
At dahil sa lakas ng boses niya ay napatingin ang ibang busy sa pagkopya ng assignment. Isa isa naman silang nagtanong kung anong nangyari. Sinabi ko lang ang dahilan saka ako umupo.
"Hey..." Angeline spoke when everyone else settle down.
Lumingon ako sa kanya.
"Did you know what happened?" Nakangisi niyang sambit.
Kumunot ang noo ko.
"What?"
Tumawa siya at may kasama pang kilig. What's up with her?
"When you fainted the other day..." Nairita ako dahil sinasadya niyang mambitin.
Tumawa siya nang nagpoker face ako.
"Alright. Something happened."
"What do you mean?"
"Someone carried you. Guess who?"
Hindi ako sumagot
"Mr. Hunt" kinikilig siyang tumawa. Alam ko kung sinong tinutukoy niya.
"He...carried me?" Pabulong kong sabi.
"Well. Kahapon nung nagpapanic na ako. He was the one to catch you when you fall. My goodness hindi ko alam kung mag-aalala ako sayo o kikiligin ako sa inyo. Tapos siya rin ang nagbuhat sayo papunta sa infirmary, and then that's when Antreas came saying "She needs to be home"" humalakhak siya.
"Antreas is so cute. Ang gulo gulo nang damit at buhok niya. Mukhang kakatapos lang." Humagalpak siya. Napailing na lang ako habang natatawa. That womanizer. I can't believe his my twin. Kinahihiya ko siya.
"But anyway. Going back to Crest. What do you think? He's fine, right? I mean there's something about him." Hindi ako sumagot. Nag-isip lang ako. Sure. I feel something different about him.
"And... you know. When you fainted, Crest stayed. And when Antreas came. Pareho silang natigilan nang magkatinginan sila. You know... Nakatutok ako sa kanilang dalawa. And if you're there. You'll think they know each other."
Napatingin ako sa kanya. "Really?" Tumango siya.
"Crest left. And Antreas went straight to you without a word. And from there I sense something strange."Why don't you ask your brother? I'm sure he'll tell you. He's never lied to you, right??
Kumunot ang noo ko. I' m not sure. Recently he's been acting weird. Palagi siyang sumasama sakin. Lagi siya nakadikit. I mean Antreas is clingy but this time it's unusual. It's like he was protecting me. Dalawang araw akong umabsent dahil sa kanya. Ayaw niya akong papasukin. Ang dami niyang dahilan. Kesyo kailangan kong magpahinga. Kailangan niya ng kasama. Sabi ni mommy wag munang pumasok. At kung ano ano pa. Napakaarte. Akala ko nga tinamad lang pumasok. Pinagbigyan ko na dahil hindi rin maganda ang pakiramdam ko.
Napaangat ako ng tingin nang siniko ako ni Angeline.
Naglakad papasok si Crest. May nakalagay na earphones sa kanyang tenga.
Yumuko ako. Thinking of what I should do.
Narinig ko ang pag-upo niya sa kanyang upuan. Should I talk to him? Of course! She helped you Ads, you should.
Ilang sandali akong nag isip saka humarap sa kanya. Nasulyapan ko ang nagtatakang tingin ni Angeline.
Nakahalukipkip si Crest habang pikit ang mata.
