CHAPTER TWENTY EIGHT
Welcome to the family
I thought if the twins found out about me, it would strain their relationship. Hindi ko lubos na naisip na tatangapin nila ako. Pinangarap pero maiintindihan ko kung hindi. Alam kong mabubuti silang tao, pero ibang usapan kung malaman mong may anak sa labas ang iyong ina. Kaya kahit gusto kong kilalanin niya ako, hindi ko na sinubukan pa.
"I don't think I should stay here..." Buong loob kong sambit.
"What do you mean? You should stay!" Ani Clea. Naguguluhan siyang napatingin sa bawat isang nasa loob.
They provided a room for me. Para sakin. Hinatid nila ako dito. Nakikita ko nang dito ako magtatagal. Pero kahit pansamantala ay ayokong pumayag. Paano ang mga humahabol sakin? Hindi ako comportableng manatili dito dahil baka madamay sila.
"It's not safe with me around." Mahinahon kong sabi.
Hinawakan ng aking ina ang kamay ko at bumaling sa kambal na nasa loob rin ng kwarto.
"Clea, Cauis I need to talk to your brother alone."
Napa-angat ako ng tingin sa sinabi niya.
Brother
Nag-iwas ako ng tingin sa kambal. Kita kong labag sa loob nila ang umalis, pero wala silang nagawa. Pagsarado ng pinto ay siyang haplos niya sa pisngi ko.
Nagtutubig nanaman ang mata niya.
"Anak... alam kong... malaki ang pagkukulang namin ng tatay mo sayo. Pero sana maniwala ka na ginawa namin yon para protektahan ka..." Pinanood ko ang pagpatak ng luha
Tumango tango ako, dahil naiintindihan ko.
"You'll be safe here..." Aniya
"There are men who were chasing me." Para bang sapat na paliwanag na yon para payagan niya akong umalis.
Malungkot siyang ngumiti sakin.
"Did you really think your father would send you here without thinking about his son safety?" Mahina niyang sambit.
Kumunot ang noo ko. Unti unti akong kinakabahan.
"What do you mean?" Ngumiti lang sakin at hinaplos ulit ang mukha ko.
"What did he do?" tanong ko ulit.
Huminga siya ng malalim.
"What a father would do..."
Lalo akong nag-alala sa sinabi niya. "Am I going to see him again?"
I have an idea of what they would do. She's right. Kahit ako ay nagtataka kung bakit mula sa pagtatago ay pinadala niya ako dito kahit na may humahabol pa sakin.
O wala nang humahabol sakin...kaya pinadala niya ako dito?
"Your father is hard to find... he's good at that. Kahit ako, the last I saw him was when I left the hospital almost dying..."
Nakinig lang ako sa kanya.
"Maybe someday, you will."
Umangat ang tingin niya sakin. "Alam kong...hindi ko na maibabalik ang mga panahon na wala ako sa tabi mo. But as your mother, I want to keep you safe too. Gustong kong bumawi sayo anak... gusto kong maging parte ako ng buhay mo. At kahit umayaw ka, hinding hindi na kita iiwan ulit..."
Nagtubig ang mata ko. "Please give me a chance to be a mother to you..."
Tumango siya at kinukumbinsi akong pumayag. Tumango tango ako sa kanya. "Meeting you was more than enough..." I said.