CHAPTER TWENTY NINE
Going home
Malakas na tumawa si Caius. Napailing na lang din ako.
"Kuya, she was like, "I'm not interested. Get lost." with a straight look on her face!" Tinuro niya pa si Clea na nanggigil na sa kakatawa niya.
"I've never seen her like that! Akala ko ay kailangan niya pa ng tulong ko pero, well. You've grown up, ate." Pang-aasar niya pa. Natawa ako sa pagtawag niya. She never calls Clea ate, aniya pareho lang naman sila ng edad ang ilang minuto lang ang pagitan.
Sinabunutan naman ni Clea pero sige pa rin siya sa pagtawa. "Shut up! Why do you keep laughing at me?!"
Pare pareho kaming nag apply sa isang University dito sa London. Kaming tatlo ay pwedeng mag-stay, but because of tito Chris' work, he can't really stay here, syempre hindi pwedeng hindi niya kasama si Mom. We're just actually here for a vacation. But like Clea, pareho kaming hindi mapakali at hindi sanay ng walang ginagawa, I don't want to study here, ayokong magtagal dito. My plan was to find a work so I can do something while staying here. But mom, doesn't like it. Kaya sinuggest niyang kumuha ng courses na gusto ko.
I remember mom, torn between coming home and staying here for me. She said she should be spending a lot of time with me, we did. We visit a lot of places, we talk a lot about things, I even told her about Adamaris. She even laughed about the connection of her name and Adamaris, halos parehas, her real name was Ada. She pointed out the difference in pronunciation, she was Eyda, and Adamaris is just as it is. She even asked me if that's just a coincidence.
Hindi ko maiwasang malungkot pag siya na ang pinag-uusapan. The twins deliberately didn't talk about it in the first's months. Nararamdaman ko ang pag-iingat nila pag magkasama kami. Hindi ko pa rin naman siya kayang pag-usapan. Malaking tulong sila para makalimutan ko panandalian ang sakit pero sa oras na mag-isa na ako at walang kasama, siya lang at siya lang din ang naiisip ko.
Gustong gusto ko nang umuwi, gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya. Hindi ko siya magawang makalimutan, at hindi ko rin naman tinulungan ang sarili kong kalimutan siya. Sa mga lugar na napuntahan ko dito, pinagdadasal ko na sana, siya ang kasama ko.
"Why'd you broke up with, Antreas?" Tanong ko kay Clea. Kaming dalawa na lang ang nandito sa London. Umuwi na sila mom sa Pilipinas dahil hindi naman pwedeng maglagi dito si Tito Chris, kasama nila si Caius. Caius is smart, but spoiled. Dahil nasa pinas din ang girlfriend niya for a vacation ay umuwi din siya.
Gulat na bumaling sakin si Clea.
We never...really talk about it, about them, about what happened when we were in the Philippines. Siguro pare-parehong malaking sugat ang natamo naming tatlo na hindi na namin nagawang humingi ng tulong sa isa't-isa. Tahimik namin iyong pinilit na gamutin ng mag-isa.
Mula sa gulat ay natahimik ulit siyang tumingin sa garden. Gabi na at bukas na ang mga ilaw sa paligid.
Hindi na lingid sa kaalaman kong hiwalay na sila ni Antreas, ang pagtatagal niya dito ay isa ng malaking tanong sakin pati narin ang pagkuha niya ng mga kurso. Parang wala nang balak bumalik sa Pinas. I didn't voice it out, but mom slipped out, nasabi niyang, brokenhearted daw kaya aral ng aral. Napailing na lang ako don.
"It was unfair what he did to you..."
Naibaba ko ang baso ko sa sinabi niya. Napabuntong hininga ako at saglit na napapikit para mag-isip. Ito ang isa sa dahilan na naiisip ko kung bakit sila nag-hiwalay, iniisip kong baka may kinalaman iyon sa nangyari saming tatlo nila Antreas.
"Clea..."
"When I found out that you're my brother, I didn't tell Antreas about it. Because I hated him for leaving you behind..." Lumuluha siyang bumaling sakin.

YOU ARE READING
Crest (Completed)
Storie d'amoreYou could be the best of me, when I'm the worst for you.