CHAPTER TWENTY-SIX
Adore You
"What?"
Gulat akong tumingin kay Caius. Lumunok pa siya dahil sa reaksyon ko.
"It's true, I'm not really courting her, it's just for a show..." Hindi niya ako matingnan at kita ko ang takot niya.
Napatingin ako kay Adamaris na mukhang guilty. Magkahawak ang kamay at umiiwas at hindi rin makatingin sakin.
Bumalik sakin ang lahat ng nang nangyari ng sandaling maging usap-usapan sila. Ang hindi nila pag-amin, ang kawalang pakialam nila sa amin. Ang minsan pagtatawanan nila kapag dumadaan kami o nadadaanan kami. Hindi naman masyadong tumagal ang usapan. Halos ilang araw lang ang nakalipas bago ko kinausap si Adamaris.
"Why would you do that? Ginagalit niyo ba si Antreas?" Antreas and Clea are in a relationship now. Hindi na ako masyadong nagulat noong sabihin nila iyon sakin. Kaya naman kahit galit na galit itong si Antreas ay pinigilan niya rin ang sarili niyang masaktan si Caius dahil kay Clea.
"No..."
Kumunot ang noo ko sa alinlangan nilang sagot. Nagkatinginan pa sila at parang naghahanapan ng isasagot. Uminit naman ulo ko sa klase ng pagtitinginan na iyon. Bakit ganon ang tininginan nila?
Hinarap ko si Caius ng may bahid ng galit at nakita kong halos umatras siya. "What is it? What are you talking about, huh? Anong tinatago niyo?"
"K-kasi... were j-just..." Hindi malaman ni Caius ang sasabihin.
Tumitig lang ako sa kanila. Calculating things, and slowly understanding their reason for doing it. I think I have the idea now.
Hindi na napigilan ni Adamaris ang sumabat.
"Ugh! Fine! We did it to make you jealous!"
"And it work!" Sabat pa ni Caius
Bumaling naman si Adamaris sa kanya. "You're not helping!" Pinanlakihan niya pa ng mata si Caius.
"What? It work, right? Kayo na diba?"
Nagulat ako.
Nagkatinginan naman kami ni Adamaris sa sinabi niya. Ngunit sabay din kaming nag-iwas ng tingin sa hiya at parehong namula.
We haven't... talk about us after our confession. Hindi ko alam kung kami na ba talaga. We have a lot to talk about.
Bumuntong hininga ako bago bumaling kay Adamaris. Halos mapatalon siya ng hawakan ko siya sa kamay, pero hindi ko siya binitawan.
"I'll talk to you, later. But keep this is a secret first..." Baling ko kay Caius.
Caius act like a soldier and even made a salute. "Yes, boss!"
Marahan ko nang hinila si Adamaris.
"So..." Napa hawak ako sa batok ko habang kinakabahan. "We're in relationship now, right?"
Mula sa pagkakayuko ay maingat kong inangat ang tingin. Nagulat ako na pulang pula ang mukha ni Adamaris at nakahawak sa kanyang pisngi. Pinaypayan niya pa ang kanyang sarili at animong naiinitan.
Nang magkatinginan ulit kami ay pareho na lang kaming natawa.
"Well, if you are not going to take back your confession, then. I suppose we are..." Nahihiya niyang sambit.
Hinawakan ko ang kamay niya. "I want to be in relationship with you..."
Huminga ako ng malalim. "I'm sorry... I know you deserve so much better than just quiet place and no audience to be ask, but..."