27

26 0 0
                                    


CHAPTER TWENTY-SEVEN

Kin

"I don't want to leave!" Hinigit ko ang kamay ko at tinalikuran ang nagpakilalang tatay ko.

Nararamdaman ko din ang yabag niyang sinusundan ako.

"You're not safe here..."

Hinawakan niya ako sa braso para pigilan ulit ako. "You think, you can just barge in front of me and ask me to come with you?!"

Ang akala ko'y sigaw ang maririnig ko sa kanya dahil sa trato ko pero mababang boses ang naririnig ko. Wala sa itsura niyang.... halos nagmamakakawa

"Son, listen..."

Napatigil ako. 

Ramdam ko ang pagtutubig sa mata ko. Kahit hindi maamin sa sarili ko. Alam kong sabik ako, sabik sa ama, sabik sa ina, sabik sa kumpletong pamilya. Tanggap ko ang nangyari sa kanila, naiintindihan ko ang sakrispisyo ng magulang ko, tanggap kong masaya na ang totoo kong ina sa bago niyang pamilya, matagal ko ng tanggap iyon at masaya ako para sa kanya dahil may tumulong sa kanya na makawala sa buhay na hindi naman niya hiniling.

...pero hindi ko mapigilan, kasi ako yung naiwan. Ako yung walang pamilya. Kahit na alam kong buhay silang dalawa ay hindi ko pa rin sila kasama.

"Ayokong guluhin ang buhay mo, ayokong isama ka sa buhay na mayroon ako, pero hindi kita pwedeng pabayaan..."

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya.

"Hindi kayang pabayaan? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Pinabayaan mo na ako buong buhay ko!"

Sa laki ng kanyang pangangatawan. With his soldier like stance. With his dangerous aura. Hindi ko na iyon makita sa kanya. Malambot ang mata niyang nakatingin sa akin. Nakikita ko ang pagsisi sa mukha niya.

"Ngayon magpapakita ka sa harap ko at gusto mong sumama ako sayo? Just like that, iiwan ko yung buhay na iniwan mo sakin!? Hindi ko maintindihan kung bakit ni isa sa inyo ay hindi ako sinama!? Sana sinama mo na lang ako noon sayo!" Ang emosyon at hinanakit ko sa kanila na ilang taon kong binaon ay hindi ko mapagilan singilin sa kanya.

Galit kong pinunasan ang luha ko.

"Patawarin mo ako, anak... Hindi ko... gusto ko lang mabuhay ang iyong ina ng masaya. Gusto ko kayong ilayo sa buhay na kinalakihan namin. Alam nilang buntis si Ada at kaya wala kaming nagawa kundi palabasin sa patay na siya..."

It turns out my mom killed the boss of the group who are chasing us. Syempre natural lang na gumanti sila, at ang nag-iisang anak ng boss na yon ang nanguna sa lahat. Wala na ang organization na yon, nagbuwag buwag ni sila, pero hindi tumigil ang anak nung boss ang paghahanap nanay ko. It was a revenge.

"Patawad kung noong panahon... na kailangan niyo ako...mahina pa ako..."

Pero hindi ko kayang sumama sa kanya. Hindi ko... kayang iwan si Adamaris...

Iniisip ko pa kung matatanggap niya pa ako? Kung ganito ang klase ng pamilyang meron ako? My father is now the boss of a syndicate. And my mother was a former assassin?


"Do you know what happened to mom? After?"

Nasa labas na kami ng bansa. They had a base here. A secret base.

My father was a criminal. Drugs, weapons, and other illegal businesses is his line of work.

I noticed that he appears cold and ruthless to other people, but for some reason, kapag ako lang ang kasama niya nag-iiba ang aura niya. It was... warm.

Crest (Completed)Where stories live. Discover now