CHAPTER THIRTY
Recollect
"What are you thinking?" bulong ko kay Adamaris. We're lying down the sofa, kung saan pinagsiksikan naming dalawa ang aming sarili. It wasn't that small but then, halos ako lang ang kasya kaya nakayakap na ako sa kanya para di ako malaglag.
"A lot of things... mostly you." Wala sa akin ang paningin niya bagkus na sa dibdib kong kaharap niya lang. I wasn't wearing a t-shirt since I was sleeping when she came in. Ginising niya lang ako sa pamamagitan ng pagsiksik sakin.
Hindi ko na napigilang ngumiti sa pagbubulungan namin na akala mo'y may kasama kami dito. "Really?"
"Hmm..."
Kumunot ang noo niya at parang nagtaka. "Don't you have any tats somewhere?"
Umiling ako ng konti. "No, I don't..."
"Why?"
"Do you want me to have one?" Balik tanong ko.
Natawa siya. "Do you want one? Bakit ako tinatanong mo?"
Hindi muna ako nagsalita. Hinaplos ko ang pisngi niya ng gamit ang hinlalaki ko.
Her eyes twinkled "I'll do anything you want."
Humalakhak siya "Why?" aniyang may ngiti sa labi
"Because that's how much control you have over me..." Nanlaki ng konti ang mata niya at natigilan.
She pouted. "Talaga lang ah..."
Humalakhak ako.
"So, if I tell you to marry me right now, you will?" Subok niya.
Natigilan ako saglit.
"Will you...? Marry me?" Paninigurado ko. Hindi naniniwalang oo siya agad.
She pouted. "Kung ako lang masusunod tinanan na kita eh..."
Nanlaki ang mata ko at sumabog sa tawa.
"Tara na," Umamba akong tatayo pero mabilis niya rin akong pinigilan.
Tumawa siya. "Okay! Okay! Hahaha..."
"But..." Tumaas ang kilay ko.
She trailed her finger on my chest, making a circle shape "You really going to do anything I want?" She seductively said.
Napalunok ako pero agad ding nakabawi.
"What do you mean?"
Nanliit ang mata sa kanya.
She still has this attractive look. Nanunubok.
"What do you mean?" Balik niya
Saglit akong tumitig sa kanya bago napabuntong hininga at sinubsob ang mukha ko sa leeg niya.
"Please, don't tempt me..." Halos nagmamakaawa kong hiling.
Narinig ko ang malakas niyang halakhak.
"You're so cute!" Niyakap niya ako ng mahigpit.
Umiling na lang ako habang nakasubsob pa rin. I know she's just messing with me.
Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinarap niya ang mukha niya sakin.
"I adore you." Bulong niya. She then kisses my cheeks.
Natawa ako at pumulupot lalo sa kanya. I put small kisses on her neck. Tumatawa siya sa kiliti. Lalo kaming natawa ng malakas nang naglaglag na kami mula sa sofa.
