CHAPTER FOUR
Fall
Hindi agad ako nakapagsalita. Pakiramdam ko biglang sumama ang pakiramdam ko. At parang may nakabara sa lalamunan ko.
Nag-iwas ako ng tingin.
"I-i just want to ask kung okay ka lang b-ba? Hindi ka kasi masyadong pumapasok..." Hindi ko alam kung bakit sa kabila nang sinabi niya ay nasa harap niya pa rin ako at hindi nag bi-bitch out sa kanya. What is wrong with me.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Just leave me alone and don't bother me again." Aniya sabay sakay sa kanyang motor at suot ng helmet.
Pinanood ko siyang umalis. Naramdaman ko ang pangingilid nang luha ko. Mabilis ko yung pinunasan. Damn it! Bakit ako maiiyak? Damn Adamaris, don't be stupid. Stop crying!
"Adamaris!" Napatayo ako nang maayos at patagong inayos ang sarili ko.
"Ads, what are you doing here?" Hinarap ko so Antreas na nagtatakang nakatingin sakin. Hawak niya ang kanyang susi.
"I forgot something on my car. Ikaw anong ginagawa mo dito? Cutting class?"
"Wha-"
"Antreas!" Napatingin kami sa babaeng palapit samin. Nang nakita ko ang malalaman niyang hinaharap ay napatingin ako kay Antreas.
Nakapikit siya na parang animong nahuli na kung ano.
"Antreas let's go?" Humawak ang babae sa braso niya. Kinakabahang tumingin si Antreas.
Nagtaas ako nang kilay. Napatingin sakin ang babae.
"U-uhm hi Ads. Uhm. I'm Katrina, Antreas's girlfriend." Nahihiya niyang pakilala.
Nagkunyari akong nagtataka.
"Girlfriend? Kat? But I thought your name is Pat? Hindi ba pinakilala ka na niya sakin kanina?"Napapikit si Antreas. Alam niyang wala siyang magagawa kapag ako na ang nagsalita.
"P-pat? Patricia? My f-friend?" I formed my mouth into "O".
"Friend? Oh..." Bahagya akong tumawa at sumulyap Kay Antreas na mariing nakapikit at suminghap.
Lumingon sa kanya ang babae sa kanya at sinampal siya.
"Jerk! How dare you!" Sigaw nang babae.
Humakbang ako at tinulak ko si Antreas para pumalit sa pwesto niya, saka sinampal ang babae. Magkabilaan. Taas noo ko siyang tiningnan kahit hindi pa siya nakakabawi sa gulat.
"You dare...slapped my twin in my presence?" Malamig kong sambit.
Umatras ang babae habang nakahawak sa pisngi niyang namumula at nakita ko ang takot sa mga mata niya. Dapat lang na matakot ka.
"Better leave now." I said, and with that, while crying she run immediately.
Tumingin ako kay Antreas na napabuntong hininga. Nang nag-angat ng tingin sakin ay nginitian ko siya ng matagumpay.
Naglakad na ako para umalis, Pero umakbay siya sakin. "Ang hard mo sakin. Ako, I won't let any guy hurt you, pero ikaw, I know you let her slapped me..." Nagtatampo niyang sabi. Umirap ako sa kawalan.
"Tama lang yan sayo! Masyado ka kasing hayok!"
Kumunot ang kanyang noo.
"What? I don't like your choice of words, sis. Saan mo ba natututunan yan?"
Umiling na lang ako. Sinabihan ko siyang pumasok sa class niya. Sabi niya ayaw niya, kasi nilalandi daw siya nang prof niya. Nadulas pa ang manyak na ito nang sinabi niyang pinagsawaan na daw niya yun. Binatukan ko siya nang malupit kaya wala siyang nagawa. Alam kong kahit ayaw niya ay susunod pa rin yan sakin. Napatawa ako habang pinagmamasdan siyang busangot ang mukhang pumasok sa classroom niya.
Nag mag uwian ay hinihintay niya ako sa parking lot. Pinagbuksan niya ako nang pinto. Isang kotse ang gamit namin dahil pinilit niya akong sa kanya na lang sumabay. Ewan ko ba diyan. Hindi ko maintindihan ang trip niya minsan. Para siyang paranoid na ewan. Isusumbong ko nga siya kay mommy.
"Mommy said you have a visitor." Walang gana niyang sabi.
"Sino daw?"
Nagkibikit balikat siya. "I asked her. She said secret." Napailing siya. Napatawa na lang ako sa kabaliwan ni mommy.
Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso ako sa sala. Kasunod ko si Antreas. Naririnig ko ang tawanan doon. Nanlaki ang mata ko nang may pamilyar na boses akong narinig.
Nilahad ni Caius ang mga braso niya nang makita ako. Tumakbo ako papunta sa kanya. Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap.
"Ahhh, I miss you babe." Sambit niya. Hinalikan niya ako sa buhok ko.
Napahiwalay ako sa kanya nang marinig ko ang pag-asik ni Antreas. Tumawa si Caius.
"Come on, bro. Just one 'Hey' will do?"
Inirapan lang siya ni Antreas at walang imik na humalik kay mommy at saka umakyat sa taas.
"Still a jealous pet, eh?" Natatawang sabi ni Caius. Humalkhak naman si mommy at umiling.Caius is a friend of ours since elementary. We were childhood friends. But well something happened when we were in highschool, rumors fly na nanliligaw siya. I don't exactly remember what happened that time. Antreas always pissed and teases Caius dahil lagi rin namang pikon ito. Ngayon ay parang siya naman ang nang-iinis kay Antreas.
"So how's Mage?" Tanong ko. His long time girlfriend, nasa US si Mage dahil doon siya pinag-aral nang magulang niya nang nag college. May bahay naman sila Caius sa London.
"She's doing good. She's in dean list." Proud niya pang sabi.
"U-huh. Proud boyfriend huh?" Hinampas ko ang balikat niya.
Nagkibit balikat siya. "What can I say?" Humalakhak siya.
Doon din siya nag-aral. Kaya minsan lang din siya nandito, kapag may event.Nagtaka tuloy ako kung bakit nandito siya ngayon. Wala namang may birthday samin o ano.
"Eh ano palang meron at umuwi ka?"
"Well... Just visiting." Napatingin siya kay Antreas na pababa nang hagdan. Nang makapasok siya nang kusina ay saka ulit ako nagtanong.
"You're alone? Clea's not with you?"
Umiling siya. "Nope. But she'll be here after next week."
Clea is Antreas's ex girlfriend. Unang girlfriend, unang seryoso, unang heartbreak. Magkapatid si Clea at si Caius. Kambal din sila yun nga lang, fraternal twins. Pareho silang nag stay sa London at doon nag-aral.
"I suppose your sister is still single?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Belive me, Clea is an old maid there. All she did was to study." Humalakhak siya. Tumawa din ako.
"Good. Ayoko kong mawalan nang kapatid." Nagtawanan kami sa sinabi ko. Pinabantayan ko sa kanya si Clea nung umalis sila. Sabi ko sa kanya ay wag hayaang makipagdate sa ibang lalaki, dahil baka magpakamatay ang kambal ko.