CHAPTER EIGHTEEN
Decision
"Antreas! How could you trust him like that? We don't even know if he's saying the truth!"
"He's his father, Ads. You think I like the idea of leaving Crest in a criminal's hands? Ads, he was ambush, we don't have the power to protect him!" Mahinahon kong paliwanag sa kanya.
"They drugged him!"
"They needed to, because he won't come with them! Ads, he's just trying to protect his son. Listen to me. Do you want him dead? It's better for him to go away to be alive, than stay here to die." Halos nagmamamakaawa na ako para maintindihan niya.
Tinakpan niya ang kanyang mukha at humagulgol. My heart ache at the sight of her. Hinila ko siya para yakapin.
"Think about what's best for Crest. It's for our safety too."
Iyak ni Adamaris ang maririnig sa loob ng kwarto, ngunit natigil lang kami ng makarinig kami ng putukan sa labas. Nanlaki ang mata ko. I've never heard of a gunshot before, but what we heard right now is obviously a gunshot!
"Omygod!" Sigaw ni Adamaris "Si Crest! Si Crest!" Hindi ko alam ang gagawin ko at palingon lingon ako sa loob kung san kami pwedeng tumakas.
Huminga ako ng malalim. I don't know what to do. Should we stay here? Or should we run? No! Baka barilin nila kami. What about Crest? He was awake and his father was talking to him when we left the room.
Halos mapatalon biglang bumukas ang pinto. Humarang ako kay Adamaris. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"Let's go! We need to go!" Sigaw ng tauhan ng tatay ni Crest.
Hindi na ako nag-isip pa at hinila na si Adamaris palabas. Tatlong tauhan ang kasama namin isa sa harap, sa likod at isa na gilid namin. Yakap ko si Adamaris at tinatakpan habang mabilis na tumatakbo.
"Anong nangyayari? Nasaan si Crest?" Hindi sila sumagot bagkus ay patuloy parin sila sa pagmamasid para sa kalaban.
Malakas ang sigaw ni Adamaris ng may nagpapaputok sa banda namin.
"Shit!" Sigaw ko.
"Run! Run! Run!" sigaw ng tauhan sa likod ko. Ang nasa harap ko ay hinihila narin ako para bilisan ang takbo.
Hindi makatakbo ng maayos si Adamaris, dahil sa takot. We can see people lying around with blood all over them! Shot in the head and shot in the heart!
"Baby, please, just run..." Bulong ko kay Adamaris. Sunod sunod na ang bagsak ng luha niya dahil sa nakikita. Kahit ako hindi makayanan ang isa-isang pagbagsak ng mga tao, kalaban man o hindi.
Nanlaki ang mata ko ng nakita si Crest sa likod ng mga sako. Hawak niya ang balikat niya at may dugo.
"Fuck!" Sigaw ko.
"Crest!" Sigaw ni Adamaris. Malayo sila samin at hindi namin madadaanan.
"Antreas, go!" Sigaw niya samin at tumango sakin. His father was beside him. Nakita kong inabutan siya ng baril. Tumango ang tatay niya sa mga kasama naming tauhan.
Pumikit ako habang tinitingnan si Crest. Tinuturuan siya ng tatay niya kung paano gamitin ang baril. Should I just really left him? Nanginig ako, hindi ko pwedeng iwan o isama man lang ang kapatid ko. Napapikit ako at wala nang nagawa at tuloy tuloy na lang na tumakbo.
Adamaris was crying really hard, katulad ko ay ayaw niyang iwan si Crest.
Please, please just let him live.
