6

43 0 0
                                    

CHAPTER SIX

Fam

Naramdaman ko ang unti unting pagbagal ng motor. Dumilat ako at umayos ng upo. Nandito na kami sa school. Mabagal niyang ipinuwesto ang motor niya sa parking slot. Nag makapagpark siya ay pinatay na niya ang makina.

Bumaba ako tinanggal ang helmet. Inayos ko ang buhok ko habang pinanood siyang tangalin din ang kanya. Binuksan niya ang compartment. Inabot ko sa kanya and helmet na ginamit ko.

"Adamaris!" Napatingin ako sa tumawag sakin.

Mabilis na naglalakad si Antreas papunta sakin habang si Caius ay nakasunod sa kanya.

Oh no...

"Where have you been?" Asik niya. Tumingin siya sa taong nasa likod ko. Tumingin ako kay Caius na nakahalukipkip lang.

"What are you doing with him?!" Sigaw niya at saka ako hinila. 

"Antreas ano ba?!" Sigaw ko.

Bumagsak ako sa bisig ni Caius. "Antreas, just calm down."

Kumunot ang noo ko sa reaksyon ng kapatid ko. 

"What...are you doing Crest? Saan mo siya dinala?!" Nanggagalaiting sigaw in Antreas.

Hindi naman natinag si Crest. 

Taas noo namang nakatingin si Crest sa kanila habang nilalagay ang helmet na ginamit ko sa compartment.

"She was at the Cagan st." Sambit niya at sumulyap sakin

Nanlaki ang mata ni Antreas at sabay silang napatingin ni Caius sakin.

Lalong kumunot ang noo ko. Okay. I know that, that place is scary. But I don't understand why are they making this a big deal. What's up with that place, anyway.

"Bakit...bakit ka pumunta doon?! Anong ginagawa mo doon?!" Sigaw in Antreas sakin. Lumapit siya sakin at hinawakan pa ako sa balikat.  Nagulat ako sa lakas ng  sigaw niya kaya hindi agad ako nakapagsalita. I've never seen him this mad.

"Antreas! Calm down, wag mo siyang sigawan." Ani Caius.

Nakita kong napakurap si Antreas bago umiwas nang tingin at pumikit.

Nang dumilat ay diretso kay Crest ang kanyang tingin. Nagkatitigan sila. Parang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata.

"I'll take her home."

Napapitlag ako.

"What? Hindi pa kami tapo-"

"I'll take. You. Home." Mariing sambit niya at bahagyang nakalingon samin. Natahimik ako.

"Let's go." Malamig niyang sambit at naglakad na palayo.

Sumunod na si Caius na hawak ang kamay ko. Napatingin ako kay Crest. Seryoso niyang sinusundan ako ng tingin.

"Sorry..." I mouthed.

Kala ko ay hindi na siya sasagot, ngunit nagulat ako nang tumango siya.

Hinila na ako ni Caius papunta sa sasakyan niya. Hindi niya ako kay Antreas pinasabay dahil baka mag-away lang kami.

Parang sumama ang pakiramdam ko. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako sinigawan nang ganon ni Antreas. He was always gentle. Kaya nasaktan ako nang sinigawan niya ako nang ganon.

"Hey..." Pinunasan ko ang luhang pumatak sakin.

"I'm sorry about Antreas, nag alala lang yun sayo..." Sambit niya habang palingon lingon sakin.

Crest (Completed)Where stories live. Discover now