CHAPTER 23
Delicate
"Good Evening sir." Tinanguan ko ang guard namin "Good Evening..."
Nang sumulyap ako sa bahay ay patay na ang ilaw at puro lamps na lang ang bukas.
Dahan dahan ako sa pagbukas at sara ng pintuan. Ngunit halos mapatalon ako ng bumukas ang ilaw sa sala.
"Mom!" Nanlalaking mata ko siyang tiningnan na nakaupo lang couch.
She didn't say anything. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. She's smaller than me.
"Mom, why are you still awake? I told you to sleep na..." Pero wala pa rin siyang sagot at nakahalukipkip lang at nakakunot ang noong nakatingin sakin.
Bumagsak ang balikat ko. I know she's mad, ang sabi ko ay uuwi na ako pero pumunta pa ako kaila Crest at hindi ko na lang kung ilang oras akong nagtagal don.
"Mom, I'm sorry... matulog na tayo please?" lambing ko. Inakbayan ko siya at pilit na hinihila papunta sa kwarto nila ni daddy.
Pumiglas siya at tinulak ako.
"Mom, wag ka nang magalit, please?" Pangungunbinsi ko pa.
Hindi na niya natiis at pinaghahampas ako.
"Aray, aray, ouch! Ang bigat ng kamay oh..."
"Paano akong makakatulog kung ang isang kong anak ay nasa ospital at yung isa ay hindi ko alam kung saang lupalot na nakarating?!" Aniya.
Halos takpan ko naman ang tenga ko sa sigaw niya.
"Andiyan lang ako sa tabi tabi my, wag ka na magalit, nakauwi na ako oh. I'm safe." Inakbayan ko ulit siya at nasa hagdan na kami at nagkukulitan na.
"I told you, wag mo na ako hintayin, makakasama sa skin mo yan oh, sige ka iiwan ka ni Daddy," Pananakot ko pa.
"Iwan niya, magsama sama kayo!" Natawa ako.
"Joke lang... I can't live without mommy..." lambing ko at hinalikan ko pa siya sa pisngi.
"Diyan ka lang magaling, pag talaga may kasalanan ka no? Pulos ka pang-uuto." humalakhak ako sa kanya
Kakatok pa lang ako ay bumukas na ang pinto ng kwarto nila.
"Hi, dad" Kumaway pa ako.
"Oh thank God!" He hug me and patted my head and then pull mommy back to him.
"I told you, your son would be fine, come on, let's go back to what were doing..." aapela pa sana si mommy ng hinila na siya ni daddy papasok.
"Good night, son!"
Natawa na lang ako at napailing. Ang hirap magpalaki ng magulang.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay nagulat ako ng makita si Kuya Aries. Prenteng nakahiga at nagbabasa.
"Holy shi--"
"Careful..." Putol niya sakin. He closes his book and sit up.
"What are you doing here?"
"Where were you?" Nakakunot ang noo niya at nakahalukipkip.
"Can we talk tomorrow? I'm beat."
"No. Where were you."
Bumuntong hininga ako at kumuha ng tshirt para magpalit. "At my friends..."
"Which friend?"
"Come on, kuya. Hindi na ako bata."
