21

33 0 0
                                    


CHAPTER TWENTY ONE

Drunk on a feeling

Isang malakas na sampal ang natangap ko kay Adamaris. Tinakpan niya ang kanyang mukha at humagulgol. Kinuyom ko lalo ang kamao ko. Hindi ako makatingin sa kanya.

Tumulo ang luha ko ng lumapit pa siya sakin at pinaghahampas ako.

"Antreas!" Nahahabag na hagulgol niya. Hindi ako lumaban at hinayaan siyang saktan ako.

Pinigilan ko siya pero napaluhod na siya sa tindi ng iyak niya. Lumuhod ako.

"I'm sorry..." Umiiyak ako habang inaabot siyang pumipiglas sa hawak ko.

"You could have told me! You could have to me!" Pinaghahampas niya parin ako, ngunit sa panghihina ay halos hindi na niya ako masaktan.

"I'm sorry, I'm sorry, mahal na mahal kita..." Pilit kong niyayakap ang kakambal ko.

Ramdam ko ang panginginig niya habang pinipilit niyang kumalma.

"You're so stupid, you're so stupid..." Nanghihina niyang sambit.

Umiyak ako sa leeg niya. Mahihinang suntok ang nararamdaman ko sa likod ko.

"Antreas..." Hagulgol niya. Sa huli ay napayakap na lang siya sa akin.

"I'm sorry, Adamaris, I didn't mean to hurt you..."

Kumawala siya sa yakap "Bakit? Antreas?"

"Bakit hindi mo nagawang sabihin sa akin ito? Gaano katagal mo tong sinarili? Gaano katagal mo tong dinala ng mag-isa? Binalak mo ba? Binalak mo man lang ba na sabihin ito sa akin kahit saglit?"

"All this... for me?" Mahina niyang tanong.

"Tinalikuran mo ang kaibigan mo, pati na rin ang girlfriend mo. Para saan? Para sakin? Para magdusa ka?"

Hinawakan ko ang pisngi niyang basang basa ng luha. "I will do everything for you."

Umiling siya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. "Antreas, hindi ganito. Sa tingin mo ba magiging masaya ako na sinisira mo ang lahat sayo?"

Napahagulgol ako.

Inilibas ko ang iyak na tahimik kong pinipigilan sa nagdaang buwan at taon.

"I'm sorry... hindi ko lang kayang mawala ka... paulit ulit kong nakikita... ang aksidenteng nangyari sayo. And I'm so scared, that it will happen to you again with Crest... with Crest around. I don't want to lose you both. I just... need to... make a decision, Ads..."

Pinagdikit niya ang noo namin. "I wanted so much to blame you..."

"But I can't..."

And then I saw her winced in pain.

"Ads?" Hinawakan ko siya sa pisngi. 

Napahawak siya sa ulo niya. "My head..."

Nataranta ako ng sumigaw na siya sakit. Dali dali akong nagtawag ng tulong, pero nahimatay na si Adamaris sa bisig ko.

"Get the car ready!"


"She just got strain, the stress was too much. I read her file. I'm sure Dr. John told you, not to strained her. She could not get her memories back because of that." 

Napayuko ako habang nakikinig sa Doctor.

Mommy and Daddy was talking to the Doctor nakikinig lang ako. Kuya Aries was beside me.

Crest (Completed)Where stories live. Discover now