Chapter 68: Suho

17 0 0
                                    

Naghahanda ako ng makakain ng bumaba si Chen at tumulong. Tahimik namin hinahanda yung hapunan ng bigla siyang magsalita...

“Anong balak mo sa pasko hyung? Mukhang madadagdagan tayo ngayon taon” sabi niya. Tama nga siya mukha ngang madadagdagan kami. Hmmm, ano nga ba magandang gawin?

“Wala pa akong plano e” sabi ko naman at biglang napaisip. Ano nga ba?
“Wala pala ako sa pasko” sabi niya
“Ha? Saan ka sa pasko?” sabi ko naman. Uuwi ba siya?
“Ilalabas ko si Gracey” sabi.. Gracey? Sino yun?
“Ha? Sino.. Huwag mong sabihin nakikipagdate ka ng hindi namin alam Chen” sabi ko naman
“Anong date? Si Graciella yun” sabi niya. Ah siya la.. ANO?!
“ANO?! Lalabas kayo? Bat hindi..”
“Shh mamaya magising mo siya surprise ko yun sakanya” sabi ni Chen. At talagang sinabe niya pa sakin.
“Ikaw? Ilalabas mo ba si Myka?” tanong niya sakin. Napaisip ako. Ilalabas ko ba siya o hindi?
“Di ko pa alam” sagot ko naman habang binabalik yung mga natirang karne. Wala yung ibang girls, gumala kasama yung ibang EXO bibili daw sila ng ipangreregalo nila.

Habang nag-aayos si Chen ng mga iba pang mga gagamitin sa lulutin naisip ko ilalabas ko na lang si Myka.

Magpapareserve na ako gayon palang.

“Hyung!”
“AY SUNOG! Ano ba Kai. Sabing tigil-tigilan mo yang pagiging kabute mo e."
“Kasi kanina pa kita tinatawag hindi mo naman ako pinapansin” paliwanag ni kai.

Natahimik kaming dalawa ng biglang nagsalita si Kris na manahimik daw kami dahil pinapatulog daw niya yung bata. Aysus kunyari pa alam ko naman naiinis na yan kasi ayaw talaga niyang magpatulog na bata no choice lang siya kasi wala naman si Geraldine.

“Hyung may tanong ako” sabi ni Kai sakin.
“Ano nanaman Kai” tanong ko. Kitang nagiisip pa ako ng ireregalo at surprise para kay Myka e.
“Kasi hyung hindi ko alam kung inlove na ba ako o ano” sabi ni Kai na nahihiya pa. Inlove? Di ko din alam kung anong feeling e -____- si Chen dapat tinatanong niya about dun.

“Try mong tanungin si Chen” sagot ko naman sakanya tumango nalang siya sakin at umalis na. Paano nga ba mainlove?

Ito ba yung feeling na para kang kinakabahan pag nakikita mo siya? Hindi naman siguro kasi nung bata ako kinakabahan ako pag may mali akong ginawa at alam kong magagalit ang magulang ko. Siguro ito yung feeling na natatakot kang mawala siya? Kaso mukhang hindi din kasi matatakutin ako, hindi naman ako naiinlove sa multo e -______-  siguro ito yung feeling masaya? Kaso pano yan lagi naman akong masaya pati ang EXO lalo na pag si Chen ang nagjoke hindi naman ako naiinlove kay Chen e -______- paano nga mainlove? Ano nga ba ang pakiramdam ng mainlove? Never pa kasi akong nainlove nakakainis naman pati ako napaisip dun sa tanong ni Kai kung ano ang LOVE. Para tuloy bagay sakanya yung kanta namin What is Love. HAHAHAHA nababaliw nanaman ako.

“HAHAHA” tawa ko habang iniimagine na kumakanta si Kai
“Oh may nababaliw na ata dito” biglang may nagsalita sa likod ko. Si Myka what if tanungin ko siya about love? Wala naman sigurong mawawala di ba?

“Myka” tawag ko sakanya.
“Hm” sagot niya habang nakatalikod ano ba ginagawa niya?
“May tanong ako ano ba pakiramdam ng mainlove?” tanong ko at umupo sa kabilang side ng table. Inaantay ko siyang sumagot
“Ano bang klaseng tanong yan Suho? Saan planeta ka bang galing at nakuha mo yang tanong na yan?” sagot ni Myka.
“Si Kai kasi tinanong ako e hindi ko masagot” paliwanag ko
“Ah hmm pano ba mainlove? O paano mo malalaman kung inlove ka na?” tanong niya. Ano nga ba yung eksaktong tanong ni Kai?
“Paano mo malalaman kung inlove ka na” sagot ko naman sana naman masagot niya
“Ah madami naman ways pano mo malalaman kung inlove ka na ba or hindi pa” sabi niya naman.
“Anu-ano nga” tanong ko ulit pwede naman niyang isa-isahin sakin yun e.
“Oo na ito na nga sasagot na” sagot niya at inayos ang pagkakaupo niya
~

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon