Chapter 41

44 0 0
                                    

Chanyeol’s POV

Nakatanggap ako ng text galing kay Suho hyung nagtext daw si Manager Kim at wala kaming practice ngayon ready na ako magrap e. Nakakainis ang boring kaya dito sa loob ng bahay. Alam ko na lalaruin ko na lang si baby.

“Chanyeol-sshi aalis muna ako ha? Pakibantayan si baby” sabi sakin Antoinette.
“Arraso! Take care!” I shouted back.

Hmmmm. Mag-isa lang ako dito ano ba magandang gawin? Busy kasi si Baekhyun sa bata e. Nakakainis magluluto na lang ako ng pagkain ko gutom nanaman ako. Ano ba naman tong tiyan na to. Pagkababa ko sa kusina tumingin ako sa ref namin ang daming pwedeng lutuin. Kaso may nagdoorbell

*Dingdong*

“Coming” sigaw ko. Sino naman kaya ang pupunta dito?

Pagkabukas ko ng pinto may envelope na nakadikit sa pintuan, ang tamad naman ata nung nagdoorbell? Di na lang ako inantay. Kinuha ko yung papel at nagulat ako sa nakita ko. Picture to ni Antoinette… Habang natutulog si... teka kagabi lang to ah? Sino kukuha ng picture. Tinignan kong maigi yung picture ni Antoinette parang may kakaiba. Bakit kuhang-kuha yung pwesto niya? Macheck nga. Nakakatakot naman.

Paakyat na sana ako sa hagdanan ng may nagdoorbell ulit.

*Dingdong*

Tumakbo ako at binuksan agad ang pinto sa kasamaang palad hindi ko naabutan yung nagdoorbell this time dalawang envelope na ang nakadikit sa pintuan. Kinuha ko ito at binuksan agad, ako yung nasa red na envelope picture ko to habang tulog kagabi. Aish sino gagawa nito?! Naiinis na ako ayaw ko sa lahat pinaglalaruan ako. Binuksan ko yung itim na envelope at nagulat ako sa nakita ko… Picture to ni Antoinette kanina bago siya umalis papalabas siya ng dorm ba….

Be careful, you don’t know who to trust”

Yan yung nakalagay sa likod ng picture ni Antoinette. Fuck natatakot na ako matawagan nga sila Suho Hyung impossibleng hindi nila ito alam.

*Annyeong! Suho-imnida! Im kind of bus…*

Fuck Suho hyung!

*Ring ring*

“Hello?”
“Hello?! Kris hyung! Kris hyung!”
“Oh? Ano ba Chanyeol?”
“Kris hyung pumunta kayong lahat ng EXO dito sa dorm ko ngayon na!”
“Ha? Bakit?”
“Basta dalhin niyo lahat ng kapartners niyo”
“Oo na oo na!”

Anong gagawin ko? Natatakot ako para kay Antoinette baka naman may pinagkakautangan siya?O mamamatay tao siya? Teka bat ako nagiisip ng negative? Dapat positive lang ako pero delikado siya kailangan ko siyang balaan feeling ko siya ang binabantaan o kaming lahat ng exo?

To: EXO-KM

Gusy dalhin niyo yung bata at partners niyo dito sa dorm. –Channie

While waiting may nagdoorbell, sila na at..

“Oh bakit parang nakakita ka ng multo?” nagulat ako si Antoinette lang pala ito.
“Okay ka lang ba? Wala bang masamang nangyari sayo?” tanong ko sakanya habang hawak hawak ko siya sa magkabilang balikat niya. Nagaalala ako kaya wala munang hiya hiya.

“A no ba Chanyeol, Okay lang sabi ako e” sabi niya. Napatalikod ako ipapakita ko ba? Baka…

“Tabi may dadaang gwapo” Chen
“Ano meron?” Lay
“Bakit tayo andito? “ Baek

“Hoy hoy teka ano bang nangyayari?” Graciella
“Uy sisters! Kamusta?” Maureen
“Ano bang nangyari?” Flo

“Guys dito muna tayo sa sala. May paguusapan tayo.” sabi ko naman. Nanibago sila sa tono ng boses ko. Seryoso ako ngayon, mahuli ko lang ang nanggagago samin patay sakin yun.

Antoinette;s POV

Andito kami ngayon sa sala sa sahig na kami umupo para magkasya kaming lahat ang weird ni Chan…

“Alam mo ba to?” tanong sakin ni Chanyeol napatingin ako sa pic.. Teka ako yan ha? Habang tulog?
“Hindi saan mo nakuha yan?” Tanong ko naman tae natatakot na ak…
“May ganyan ka din?” Chen

Napatingin kaming lahat kay Chen anong ibig…

“Kahapon may nagpadala din niyan sa dorm namin ni Graciella kaya siya nagsisigaw, hindi talaga kami nag-aaway nun. Kaya kami nagsisigawan kasi nasa kwarto ako siya naman na sa sala inatake siya ng Dysmenorrhea niya kaya sinisigaw niya pangalan ko. Pagkakita ko sakanya nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at tinuro niya yung papel. Ito yung picture” sabi ni Chen na halatang nagpipigil ng galit

“Nagkwe-kwento ka lang galit ka pa” sabi ni Graciella. Isa din tong babaeng to kaya sila nag-aaway pero hindi na sumagot si Chen.

Nung nakita namin yun natakot kami, si Graciella tulog at sa likod niya may lalaking..

“Ano yung hawak nung lalaki? Kutsilyo ba?” Tanong ni Lay

Binawi ni Chen yung picture at pinag-aralan ito nakuh…

“Simula ngayon sa kwarto ka na matutulog” sabi ni Chen, WHAAAAAAAAAAAT?!

“ANOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO?!” sigaw namin lahat alam namin concern siya pero sa isang kwarto lan..

“Guys may sasabihin din ako” sabi ni Jenny

“Kahapon sa bodega namin ni Tao may nakita akong screen ng T.V at nakita ko yung buong dorm dun. May nanunuod sa…” Hindi na nya natapos sasabihin niya kasi nagsalita si Tao
“Yun yung dahilan bat ka hingal na hingal at takot na takot?” Tao
“Oo” sabi ni Jenny at mukhang naiiyak, Niyakap naman siya agad ni Tao. Nakonsensya ata.

“Guys ako habang naghuhugas may nakitang lense sa may lababo pero tinapon ko agad” Baek
“Sa kwarto naman namin may kalabog” Lay

*Dingdong*

Ako na magbubukas.

“Ako na” sabi ni Chanyeol
“Ako na ano ka ba nagpadeliver ako ng pagkain natin” sabi ko baka kasi ito na yung pin….

“AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!” sigaw ko. Bakit ganito?

“Ano nang.. Ano yan?” sabi ni Chanyeol hindi ako napagsalita agad. Yung picture… Yung picture namin na nasa sala kami at naguusap. Andito kaming lahat.

“Anong nan… Amina na yan” agaw ni Suho sakin nanlambot ako. Yung picture namin na kumpleto kami sa sala ngayon lang to. May nakikinig samin? May nanunuod samin?

“Uy uy!” narinig kong sigaw ni Chanyeol pero di ko na kinaya pa feeling ko bibigay na yung tuhod ko inaantay ko na lang na maramdaman yung malamig na semento pero hindi ko naramdaman yung malamig, nakaramdam ako ng mainit at malalaking braso, si Chanyeol siguro at hinayaan ko na alng na lamunin ako ng dilim.

*After 3 hours*

“Okay na kaya siya?”
“Tumawag na kaya tay…”
“Ang ingay” sabi ko
“Gising na siya”
“Okay ka lang ba?”

Dinilat ko ang mata ko at andito ako ngayon sa sala kasama pa rin sila.

“Anong nangyari” tanong ko
“Hinimatay ka dahil sa picture” sabi ni Chanyeol habang inaabutan ako ng tubig. Naalala ko ang lahat. Natatakot ako.

“Wag kang mag-alala irerequest ko na sama-sama nalang tayo” sabi ni Chanyeol at ngumiti.

“Humanda sakin yang malaman ko lang tala..” sabi ni Graciella pero hindi na niya natapos kasi nagsalita agad si Chen
“Tingin mo hahayaan kita? Manahimik ka jan” sabi ni Chen at ito nanaman mag-aaway nanaman sila. Minsan naisip ko magkainlaban kaya sila? Araw-araw nag-aaway e.

“Ano na balak?” tanong ni Kris

“Magsama-sama tayo Mag-impake na kayo” sabi ni Kai at lumabas na siya sumunod naman si Hershe at nagsunuran na silang lahat. Naiwan kami ni Chanyeol.

“Ihanda mo na yung kwarto ninyong mga babae, ako na sa kwarto ng mga bata. Dito na lang kami sa sala” utos naman niya tumango ako at naglakad na paakyat ng kwarto ko. haaaaaaaaay mag-aayos nanaman ako ng kwarto

~

Yaaaaaaaay! Magkakasama na sila. Sino kaya ang nagpapadala ng picture? Any clues?

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon