Chapter 76: Antoinette

13 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo?" tanong sakin ni Chanyeol.

"Tinatapos ko lang tong pinapagawa ni Sir Hao satin" sabi ko naman. Dahil kailangan namin ibalik yung mga bata iniba nalang niya ang project namin. Sabi niya gumawa daw kami ng family simula sa magulang ng magulang namin hanggang sa pinakadulo ng pamilya namin.

"Matagal pa pasahan niyan ah?" sabi niya ulit

"Oo nga ayaw ko lang mahassle kaya tinatapos ko na ngayon palang" sabi ko naman

"Ang sipag mo naman" sabi niya.

"Di naman" sabi ko naman. Hmmmm.

"Di ka pa matutulog?" tanong ko sakanya.

"Di pa, nagkaayanan ang EXO manunuod daw ng movie sa sala" sabi namna niya. "Sige" sabi ko at nilapag sa may study table ko yung ginawa kong family tree at kinuha ko yung sketch pad ko. Magddrawing na lang muna ako hindi pa naman ako inaantok e.

[Buzz]

Napansin kong naiwan ni Chanyeol yung phone niya. Kanina pa nagvi-vibrate yun pero hindi ko alam kung kukunin ko ba at ibibigay sakanya o hahayaan ko nalang.

[Buzz]

[Buzz]

[Buzz]


[Buzz]

Ay ang gulo naman nung cellphone ni Chanyeol.

"CHANYEOL! Phone mo nagvi-vibrate!" sigaw ko pero walang sumasagot kaya binaba ko na pero pagkababa ko wala ang EXO dun."

"GIRLS!" sigaw ko at tumakbo paakyat ang unang kwartong madadaan ay kanila Myka at Suho. Kinatok ko to.

"Myka! Myka!" sigaw ko pero wala pa rin sumasagot hinawakan ko yung pintuan at napansin kong hindi naman to nakalock kaya binuksan ko na yung pintuan, binuksan ko yung ilaw. Pagkatingin ko si Myka wala sa kwarto nila. Nasaan ba sila? Lumabas ako ng kwarto at ang sunod na pinasok ko sa tapat ng kwarto nila Suho ay kanila Geraldine at Kris.

"Geraldine! Geraldine!" sigaw ko pero ganun lang din nadatnan ko. Bukas yung pintuan nila pumasok ako at binuksan ang ilaw. Nakita kong nakahiga si Geraldine sa kama.

"Geraldine!" sigaw ko pero di siya gumagalaw. Nilapitan ko siya at nalaman kong patay na siya. May bakas ng kamay sa leeg niya. Baka  sinakal siya?

"Hindi! Geraldine!" sigaw ko. Sa takot ko binuksan ko lahat ng kwarto. Ang pangatlo kong pinasok ay yung kanila Baekhyun at Floresel.

"Antoinette? Antoinette!" sigaw ko pero walang tao. Pagka-ikot ko nakita kong bukas yung pintuan ng C.R nila pagkapasok ko nakita ko si Floresel na nasa bath-tub at wala ng buhay. Napasigaw ako.

"FLORESEL! FLORESEL!" sigaw ko sabay lapit sakanya. Nangingiyak na ako. Ano bang nangyayari? Panaginip lang ba to?

"Chanyeol! Chanyeol!" sigaw ko kailangan kong magising. Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kwarto nila Xuimin at Marsha.

"Marsha! Marsha!" sigaw ko habang papasok sa kwarto nila binuksan ko yung ilaw pero mukhang pundido kaya naglakad ako papasok ng maramdaman kong may tao sa harapan ko.

"Marsha?" tawag ko ulit at inabot yung tao pero hindi kamay yung nahawakan ko kung hindi binti.. Binti ng tao.. Nagulat ako ng biglang bumukas yung ilaw at nakita ko si Marsha na nakabitin.

"AAAAAAHHHHHHH! Marsha! Marsha!" sigaw ko natatakot na talaga

"Chanyeol! Chanyeol! Girls!" sigaw ko pero wala talaga. May Narinig akong ingay sa sala. Sumilip at pagkatingin ko sila Minjoo at Parkhyun.

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon