Chapter 61: Xuimin

22 2 0
                                    

Kawawa si Marsha bute nalang pala at hindi muna ako natulog kundi walang gigising sakanya. Siguro ay boyfriend nga niya yung Jeff dahil yun ang sinisigaw niya. Pero bakit ganun? Siguro ay sinasaktan siya nito. Wala siyang karapatan saktan ang babae lalo na’t wala itong kalaban laban. At teka ano ang sabi ni Marsha? Kinuha ang pagiging inosente niya? Siguro ay nirape siya nito. Bukas ko na lang proproblemahin yan basta ngayon safe siya.

*Morning*

Kumaen kaming lahat at ang EXO may kanya-kanyang ginawa.

“Halika na kasi wag ng maarte” sabi ni Chen
“Ayaw ko nga! Ano ba Chen” sabi naman ni Graciella.
“Saglit lang naman yun e” sabi ulit ni Chen. Ano bang kinukulit nito
“Saan ba kayo pupunta?” tanongko. Natigilan yung dalawa. tapos biglang tumakbo si Graciella.

“Wala na hahatakin ko nanaman siya. Pupunta kaming ospital magpapacheckup” sabi ni.. Teka ospital? Oo nga pala pupunta din kami ni Marsha
“Sumabay na kayo samin ni Marsha” sabi ko naman. Sakto lang naman 10 am palang ng umaga

Walang nagawa si Graciella kundi sumama dahil binuhat siya ni Chen. Tahimik lang kaming apat sa loob ng kotse.

“Bakit nga pala kayo pupunta sa ospital?” tanong ni Graciella
“Ipapatingin ako ni Xuimin” sagot ni Marsha
“Ha? Bakit?” tanong ni Chen
“Kasi binabangungot siya tapos bigla siyang hinihimatay” sagot ko naman.
“Ha? Eh ano ba problema dun? Normal naman ang bangungutin lalo na’t ito ang katabi mo” sabi ni Graciella sabay turo kay Chen. Tatawa na sana ako kaso ang sabi niya KATABI. So magkatabi sila ni Chen?

Tuwang-tuwa si Graciella sa joke niya samantalang si Chen naman naghead-set na lang. Napangiti ako sa kakulitan nitong dalawang to. Maya-maya ayun tulog na silang dalawa. Traffic kasi kaya ang tagal namin makarating. Napansin kong parang ang close na nilang dalawa. kanina lang bago makatulog si Graciella ang laki ng gap nila at ngayon tulog na sila hindi mo mapaghiwalay sa sobrang lapit. Si Graciella kasi nakatulog sa dibdib ni Chen tapos yung kamay ni Chen naka-akbay sa balikat ni Graciella so parang nakausog si Graciella. Dikit na dikit sila matulog.

“Ang cute tignan mo” sabi ni Marsha sabay abot nung cellphone niya. Pinicturan niya pala yung dalawa.
“Oo nga ang cute nila” sabi ko.

*Arrives at the Hospital*

“Chen gising andito na tayo” sabi ko kay Chen
“Mmm sige” sabi niya sabay dilat ng mata. Nung nakita niyang tulog si Graciella sa dibdib niya hindi siya nagreact.
“Gracey gising na andito na tayo” sabi niya. dumilat naman si Graciella. Gracey? Seryoso siyang yun tawag niya kay Graciella?

“Magkita nalang tayo dito sa parking lot” sabi ko naman. Magkahiwalay kasi yung doctor namin kaya hindi kami sabay na makakapagpacheck-up.

“Ikaw ba si Marsha?” tanong nung doctor sakanya
“Ah opo” sabi niya
“Osige CT Scan muna ang gagawin natin ha?” sabi nung doctor

*After the test*

“Mr. Kim please come in” sabi nung doctor
“Dito ka lang ha?” sabi ko naman kay Marsha tumango ito na parang bata
“Goodafternoon po doc” sabi ko naman
“Please sit down” sabi niya at umupo ako sa may upuan na katapat niya

“As of the moment we found out that she has Anxiety” sabi nung doctor habang tinitignan yung mga papel
“Pero paano po nangyari yun?” tanong ko
“Maybe she experience something terrible and she can’t forget it” sabi niya ulit
“Nalaglagan din ba siya ng baby noon? Kasi sa ultrasound lumalabas na may gasgas yung bahay bata niya” sabi pa niya. Hindi ko alam.
“And to answer your question na how can she manage to move kahit inaatake siya ng Anxiety niya is because her brain is telling the body to move the problem is her Anxiety. Anxiety is a disease which is something na mahirap alisin lalo na’t hindi mo nababantayan yung tao. She needs attention. Kung hindi maaagapan maaari niyang saktan ang sarili niya or worst kayo” sabi nung doctor. Mukhang madami pa akong dapat malaman about Marsha.
“How to calm her down?” tanong ko
“Maybe give her a talk? Alamin mo ang totoong nangyari then its up to you kung ano pa ang gagawin mo basta ipakita mong safe siya sayo para hindi ka niya masaktan. Mild palang yung kanya kaya dapat agapan na” sabi nito sabay abot nung mga papel na kailangan namin. Sa X-ray niya may bali yung sa bandang braso niya kaya hindi siya pwedeng magbuhat ng mabibigat.
“Thankyou po una na ako” sabi ko naman tumango lang yung doctor at ginawa na yung iba pa niyang gagawin. Kailangan ko siyang makausap ng masinsinan.

“Anong sabi nung doctor?” sabi niya at tumayo. Andito na rin pala sila Chen
“Dun na tayo sa kwarto mag-usap” sabi ko at dumiretso sa kotse. Nakakainis. Bakit hindi niya agad to sinabe? Baka hindi niya alam? I mean yung dun sa rape. Ugh bakit ba ako nafru-frustrate.

“Hindi daw sasabay sila Chen kasi may pangako daw siya kay Graciella kakain sila sa labas” sabi niya sabay upo at nagseatbelt.
“Ganun ba? Sige” sabi ko at pina-andar yung kotse. Tahimik lang kami. Nag-iisip kasi ako ng magandang gagawin para sa pasko. Ilalabas ko na lang sila ni Francis para naman makalimutan niya yun kahit papano. Pero kailangan namin mag-usap ng masinsinan about sa nakaraan niya. Kailangan kong malaman kung talagang nalaglagan siya ng bata.

Yun ba ang dahilan kung bakit minsan lang niya hawakan si francis? Nakakaawa naman siya. Isang mabaet at matalinong bata tapos ganun pa ginawa sakanya? Magababayad ka Jefferson. Walang hiya ka. Ayoko sa lahat hindi marunong gumalang ng babae.

“Xuimin dahan-dahan lang” narinig kong sabi ni Marsha. Pagkatingin ko bumibilis na pala ang takbo namin.
“Pasensya na” sabi ko at dinahan-dahan ang pagmamaneho. Pagbabayarin ko si Jefferson ng malaking halaga. Ako ang gaganti para kay Marsha.
~

Tada. Here’s the update sorry if its lame. Mejo minadali e. Mianhe~

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon