Chapter 48: Baekhyun

24 2 3
                                    

Andito kami ngayon sa practice room namin sa School. Dito na daw kami magpra-practice para hindi daw kami haggard. Naiwan ang mga girls sa dorm. Nakakatuwang isipin na sila Kris, Chen at Suho ay may minamahal na. Hindi man nila aminin alam na namin yung meaning nung kinikilos nila. Si Kris? Cover up nalang yung cold guy image niya. Si Chen naman kunyaring ayaw pa kay Graciella, eh makarinig nga lang yun na hinimatay si Graciella akala mo guguho na mundo niya. Si Suho naman ayun daming kaartehan nung pandak na yun, ayaw lang niyang sabihin pero alam ko na gusto niya si Myka ang destiny niya. Dami pang kaartehan nung pandak na yun e. So far wala pa nam…

“Hoy!”
“AY PANDAK!” sigaw ko at napahawak sa puso ko alam naman nilang ayaw ko ng ginugulat ako e.
“Anong sabi mo?” patay.
“Peace tayo Suho” sabi ko at nagpeace sign sakanya. Mahirap na mamaya pahirapan pa ako nito. Grabe pa naman to maghigpit.
“Hindi ka nakafocus” sabi niya.

Ngumiti na lang ako at tumayo, magppractice na pala kami. Nagstart na yung beat nung Wolf. Makakasayaw na din ako sa wakas. Namimiss ko to.

*After practice*

“Very good guys, nagpadeliver ako ng pagkai…” hindi na natapos ni Suho yung sasabihin niya kasi may kumatok sa intuan.

“Ako na magbubukath” sabi ni Sehun at tumayo agad.

“Hello guys nilutuan namin kayo!” sigaw ni Floresel.

“Talaga?” Chanyeol
“Anong niluto mo?” Tao
“Baka may lason yan” Chen

Hay naku tong mga to halatang gutom.

“Ito Baek oh, niluto ko sorry kung hindi ganun kapresentable ha?” sabi ni Floresel at inabot yung lunch box na kulay red. Ang thoughtful naman nito.

“Ano ba! Kasi naman e” napatingin ako sa sumi.. Si Chen sinusubuan si Graciella. May lason daw kasi kaya si Graciella daw muna kumaen. Ay naku utak talaga ni Chen

“Nilalanggam na kami dito guys tama na yan” sabi ni Suho at namula tenga ni Chen. Sabi na e. Pasimple lang tong si Chen. Naku naku.

“Okay lang tara share na tayo” narinig ko naman sabi ni Kris kay Geraldine, mejo nahihiya pa si Geraldine sakanya pero kinuha  naman ni Geraldine yung extra spoon.

Tumingin ulit ako kay Floresel, andun siya sa may sofa at nakikinig ng kanta nakaearphones pa nga siya at nakapikit, wala ba tong balak kumaen? Binuksan ko yung lunch box. Wow ang dami naman nito, mabuti pa share na lang kami.

“Floresel, share na tayo” sabi ko sakanya at tumabi ako. Namula siya ng konti akala siguro niya di ko napansin
“Ah osige” sabi niya. Gutom din pala to.

Kumaen kami ng tahimik hanggang sa matapos kami. Grabe busog na busog ako. Sobra.

“Aalis na kami! Bye!” sigaw ni Jenny, tumango naman si Tao at palihim na ngumiti, isa pa tong mokong na to. Alam ko kinabahan siya nung hinimatay si Jenny, pero hanggang ngayon nagtataka ako, sino yung taong nakita ni Jenny? At kanino yung paa na narinig ni tao na naglalakad? Hindi kaya may tao talagang nanunuod samin? Kailanga…

“Baek umamin ka” narinig kong sabi nung tao sa gilid ko pagkatingin ko nakapaligid na pala sakin ang EXO.
“Ha? Ano aaminin ko?” sabi ko naman.
“Wala ka pa rin bang pake kay Floresel?” diretsong tanong ni Kris, hala anong meron?
“Ha? Teka ano pinag…” di ko na natapos sagot ko kasi umepal tong si Chen
“Sasagot lang dami pang satsat MERON O WALA lang” sabi niya. Wala nga ba akong pake o meron? Bakit nga ba ako nawalan ng pake sa mga babae? Hindi pa naman ako nasasaktan e. Hmmm.
“Silence means yes” pang-aasar ni D.O aish ano ba kasi meron?
“May pake ako as classmate” sagot ko, hindi ko alam kung sila pinapaniwala ko o ang sarili ko.
“Okay sabi mo e.” sabi naman ni Luhan pero halatang nangaasar siya.

Lesson LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon